CHAPTER 11

1.9K 53 4
                                    

Andito na kaming dalawa sa harap ng A.D.U.

"Teka, dito nag aaral si Scarlet?" tanong ni Lowell.

"Uhuh--- oh problema mo naman???" mataray na tanong ko.

"Ah, hehe wa-wala ang high blood mo naman" sabi nito.

Nauna na akong bumaba, at syempre hinila ko yung halimaw sa banga este yung nakaposas sakin -_-

Pagpunta namin sa gate, tinignan nung guard si Lowell.

"Sir Hammington?" tanong nito.

Nilingon ko naman yung kasama ko. Wow ha??? Kilala pala siya dito?

"Ah, Ku--kuya Kenshin hehe" nahihiyang sabi naman ng kasama ko.

"Ah, nag asawa na po pala kayo?" nakangiti pang sabi ni Kuyang guard saka ako nginitian.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, close ba kami??? -_- tsk

"Excuse lang kuya, hindi ko siya asawa noh" mataray na sabi ko at saka ko naglakad.

Nakalimutan kong nakaposas nga pala siya sakin at ayun na out of balance siya kaya naman napaupo yung pasaway.

"Tsk, kala mo naman papayag ako na ako lang ang mapahiya dito" sabi ni Lowell at saka ako hinila paupo.

At ang ending nakaupo ako sa lap niya.

"Ay, anu ba yan??? Dito pa nag ppda yang mag asawa na iyan parang walang bahay" sabi ng isang nanay.

Nakita kong may nagbubulungan pang mga tsismosa sa paligid. Kaya dali dali akong tumayo.

"Bwiset ka talaga sa buhay ko!!!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Napailing na lang ito, saka ako inakbayan na parang walang nangyari.

"Kuya Kenshin, punta na kami sa loob hehehe" sabi nito sa guard.

Nakita kong tumango na lang yung guard habang sinusundan kami ng tingin.

Naglalakad na kami ng tumigil yung kasama kong halimaw.

"Ellie???" Sabi nito.

Sinundan ko lang ng tingin yung tinitignan niya.

Lumingon naman yung tinawag niya sa direksiyon namin, saka ngumisi. Maya-maya umalis na rin ito.

Honestly nakakatakot ang itsura nung Ellie na tinawag nito eh.

"Kilala mo ba yun?" tanong ko.

"Yah, tara na nga asan ba yung room ni Scarlet?" tanong pa nito.

"Sa second floor yon" sabi ko.

Tahimik na lang itong sumunod sakin.

Ilang oras lang nakarating na kami sa room ni Scarlet. Hindi pa naman tapos mag lecture yung teacher nito.

"Bakit dito nag aaral si Scarlet?" tanong ni Lowell sakin.

Wow! May kasama pala ako???

Nilingon ko lang siya at tinaasan ko ng kilay.

"Dito siya in-enroll ni Tim" sabi ko lang.

Nakita kong umiling ito.

"Pasaway talaga yun, anu bang iniisip niya at dito niya naisip papasukin ang anak ko?" mahinang sabi nito.

Pabulong-bulong pa rinig ko naman. -_-

"Maganda naman itong school ah? Ok pa ang facilities, ang mga teacher maayos at magaganda pa anong problema dun?" tanong ko.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon