CHAPTER 4

2.5K 60 0
                                    

Napabuntong hininga ako ng makapasok ako sa kwarto ko.

Mabuti na lang wala pang gising na mga kasama ko sa bahay.

Agad akong dumiretso sa cr at nag babad sa bath tub. Hindi ko namalayang unti unti ng tumutulo ang luha ko.

Nagawa ko iyon? Hindi ko akalaing magmamakaawa ko sa lalaking yun...

Sana lang... sana hindi ko na siya makita...

Nagulat na lang ako ng may kumatok ng malakas.

"Mom! Are you there?!" narinig kong sigaw ni Scarlet

"Yeah! Baby what is it?!" balik sigaw ko sa kanya. Saka ko pinunasan yung luha ko.

Wala na naman akong narinig na sagot kaya naman nagmadali na akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng cr naabutan ko si Scarlet na nakaupo sa kama ko.

"Mom, where are you last night?" seryosong tanong nito.

Napalunok ako, bakit feeling ko parang siya yung nanay na handang manermon sakin?

Nakataas ang isang kilay nito, at naka cross arm pa. Napangiti ako sa kanya ang cute talaga ni Scarlet.

"Mom, why are you smiling? Is it funny? Hmp!" masungit pang sabi nito.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Kasi naman baby, di ba sabi ko wag kang mag english? Kita mo na no-nose bleed si Mommy sa'yo" pang aasar ko kay Scarlet.

Lalo namang napasimangot ito. Alam kong may pagka conyo tong batang to eh haha.

"What ever Mom, by the way bakit po ba now ka lang po umuwi?" tanong pa nito.

"Nagkita kita po kasi kami nila Ninang Briella, Ninang Hailley at Ninang Lavi mo namiss nila ako kaya ayun nag enjoy kami masyado" sabi ko.

Napatango tango naman ito.

Narinig kong may kumatok sa pinto. Si Kristine pala.

"Ate, andyan po sina Ate Briella" sabi nito.

Napakunot yung noo ko, kagabi lang magkakasama kami ah?

"Talaga po?" excited na tanong ni Scarlet at tumakbo na ito palabas ng kwarto ko.

Napailing na lang ako. Saka ko tinanguan si Kristine at sinundan na nito si Scarlet sa baba.

Napailing na lang ako at nag ayos muna ng sarili bago bumaba at harapin ang mga pasaway kong bestfriend.

Pagbaba ako, kausap na ng tatlo si Scarlet.

"Bah, namiss niyo agad ako?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.

"Hehehe... ikaw naman, yayayain lang namin kayong mag ina na lumabas mag mall, bonding lang" sabi ni Briella.

"Wow! Mall? Were going to mall po ninang Briella?" excited na tanong ni Scarlet.

"Yes, baby kaya ang mabuti pa maligo ka na" nakangiti namang sabi ni Hailley.

"Yehey!!! Mom and I was going to mall, come on Ate Kristine I make a take a bath na po" sabi pa nito saka hinila si Kristine, para paliguan na ito.

Napailing na lang ako, saka napangiti. Nakita kong napapangiti lang yung tatlo kay Scarlet.

"Ang cute talaga ni Scarlet hihihi" sabi naman ni Lavi.

"Inggit ka na naman kay Shantal? Dapat kasi ayain muna si Robby na magpakasal para magkaanak na kayo wahaha" sabi ni Briella.

Napanguso naman si Lavi.

"Pwede ba Briell kahit siya na lang natitirang nilalang sa mundo di ko siya papatulan as in!" sabi pa ni Lavi.

Napailing na lang ako sa kanila. Ang kukulit nila grabe.

Samantala...

"Shit! Where the hell she is?" inis na tanong ko sa reception area.

"Sir, sorry po, I don't see any girl leaving in this morning" natatakot na sabi ng babaeng kausap ko.

Napabuntong hininga ako. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Pre' ang aga aga ang init ng ulo mo?" puna nito.

Napalingon ako, si Tim Carlsberge pala isa sa barkada ko.

Anong ginagawa nito dito?

"Anong ginagawa mo dito? I though nasa California ka?" tanong ko.

"Kakabalik ko pa lang ulit dito, at nag decide na akong manatili dito para naman mabantayan ko yung pamangkin ko at yung Mommy niya" nakangiting sabi nito.

Natawa ko sa kanya.

"Really? Hahaha talagang babakuran mo na yung hipag mo noh? nasabi mo na bang mahal mo siya?" tanong ko pa.

Napalingon naman ito sa paligid.
Nakalimutan kong nasa lobby nga pala kami ng hotel.

Kaya niyaya ko na muna siya sa unit ko. Pagpunta namin dun, inabutan ko siya ng isang beer.

"Wala pa siyang alam sa nararamdaman ko" sabi pa nito.

Napailing na lang ako. Gusto kong maawa sa kanya, pero naisip kong masyado kasi itong mabagal eh.

"Nga pala, hindi ko pa nakikilala ang pamangkin mo at ang hipag mo ah?" sabi ko pa sa kanya.

Napatingin naman ito sakin, saka ngumiti.

"Sige, ipapakilala na kita sa kanila, pero sana lang wag mong agawin sakin si Shan ah? Hahaha" sabi pa nito.

Binatukan ko naman siya.

"Tado! Anong akala mo sakin? Tumatalo ng kaibigan? Hahaha" sabi ko pa.

"Beside--- I've already found my right girl" nakangiti pang pagmamalaki ko.

Namilog naman ang mga mata nito sa narinig.

"Woah--- finally, mukhang may nagpatino na sa isang Mr.Lowell Hammington the playboy, who is she?" natatawang sabi nito.

Napailing ako.

"Hindi ko siya nakilala eh, but i have a great time with her last night" nakangiting sabi ko.

Habang inaalala ko ang mukha niya kagabi. Ang kagandahan niya, Ang mala anghel niyang mukha---

"Hey! nananaginip ka na ng gising pre' mukhang inlove ka na talaga ah" sabi pa nito.

"Well, I admit the first time I lay my eyes on her at the resto, My heart was so beating fast at hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. I think I love her the first time I saw her" sabi ko pa.

Napapailing na lang sa kanya si Tim.

"Hahaha... ganyan pala ma inlove ang isang Lowell Hammington, where is she? I mean sino ba siya?" tanong pa nito.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi ko siya nakilala eh, accidentally ko lang siya nakasama kagabi at kanina pagbalik ko dito wala na siya" sabi ko. At naiinis na naman ako.
Kung alam ko lang tatakasan ako ng babaeng yun, sana pala binantayan ko na siya, ni hindi ko pa alam ang pangalan niya shit talaga!

Tumawa naman si Tim. Natigil lang ito ng tumunog ang cp nito.

"Oh, Scarlet, why?--- Ah ok" sabi nito saka muling binulsa yung cp.

"C'mon Lowell, papakilala na kita sa kanila" nakangiting sabi nito.

Tumayo na rin ako at sinundan siya. Gamit namin ang sasakyan ko. Kasi uuwi na rin pala ito doon sa mag ina.

Napangiti na lang ako para sa kaniya sana nga maging masaya na si Tim.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Sorry eto lang po nakayanan ng imagination ko...

Sana i support niyo rin ibang stories ko...

Thanks

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon