CHAPTER 15

1.9K 41 1
                                    

Katatapos ko lang patulugin sina Scarlet at Sky, kasama naman nila dun sa kwarto si Kristine.

Kaya eto ako at nasa garden, ewan ko kung nasaan naman sina Tim at Lowell.

Umupo ako sa swing at inugoy ang sarili ko.

"Sweetie, kapag may mga anak na tayo magagamit na rin ito ng mga anak natin" naalala kong yan ang sinabi ni Clark, nang magtaka ako kung bakit niya pinagawa itong swing na ito.

Napangiti na lang ako. At saka napabuntong hininga at tumingala.

Clark, totoo ba na hindi aksidente ang pagkamatay mo?

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

"Di ka pa din nakaka move on?" pukaw ni Hailley sakin.

Nilingon ko siya, well, hindi lang pala siya ang andito pati sina Briella at Lavi, at take note may bitbit na wine si Briella habang dala naman ni Lavi yung pulutan.

"Don't tell me girls, maglalasing kayo?" sita ko sa kanilang tatlo.

Natawa naman sakin si Briella.

"Hindi noh, iinom lang kasi ang lamig dito, tara dun tayo sa entertainment room niyo mag videoke tayo bonding rin ito" sabi ni Briella.

"Oh cmon' kayo pa ba?" natatawang sabi ko.

"Oh, yes hahaha tara na wag kang kj for sure bukas busy ka na naman" sabi ni Lavi at hinila na ako patayo.

"Let's forget the past sissy" sabi naman ni Hailley at tinapik ako sa balikat.

Napailing na lang ako sa kanilang tatlo. Mula ng college naging magbebest of friends na kaming apat kaya kilala na namin ang isa't isa.

"So? Who's the 1st singer natin?" tanong ni Briella.

Matapos nito ibaba yung wine agad naman nitong sinet yung videoke.

Parang bahay niya di ba??? -_-

"What with that face?" tanong ni Briella sakin.

"Nothing" walang ganang sagot ko.

"Is there any problem?" tanong naman ni Hailley na tumabi sakin.

Si Lavi naman busy sa pagtingin sa song book.

"Naguguluhan kasi ko sa sinabi ni Tim sakin kanina" sabi ko.

"Bakit? Ano bang sinabi niya? Na mahal ka pa din niya?" tanong ni Lavi saka ako nilingon nakita ko pang sinulyapan din nito si Hailley.

Napakunot yung noo ko. Meron ba silang alam na hindi ko alam???

"Hindi, sabi niya hindi aksidente ang pagkamatay ni Clark" seryosong sabi ko.

Napalapit na rin si Briella sa tabi namin.

"So? Ano ibig sabihin nun? Na sinadya siyang patayin?" tanong ni Briella.

Napakibit balikat lang ako. Gusto ko ding malaman kung totoo ang mga sinasabi ni Tim, kaya mag iimbestiga ako.

"Pero Hail, anong meron sa inyo ni Tim?" nakangising tanong ko.

Bigla itong umiwas at saka dinampot ang remote. At nagpipindot ng no.

Hahaha ang epic lang nung kantang lumabas.

Meron ba??? Hahaha

"So ano? Naiwas ka pa?" pang aasar ko.

"Bakit anu din bang meron sa inyo ni Lowell?" tanong ni Hailley at ngumisi din sakin.

Napakunot yung noo ko.

"Wala kaming relasyon ok? Oo, ama siya ni Sky pero hanggang dun na lang yun tsk..." sabi ko.

"Wala bang chance na mahalin mo si Lowell? Mukha naman siyang mabait eh" sabi ni Lavi.

Napasimangot naman ako.

"Ang rude niya paano naging mabait yun?" asar na sabi ko.

"Grabe ka talagang babae ka, lahat ng lalaki tingin mo rude manyak ano pa ba?" sabi ni Briella na nag iisip.

"Manloloko!" sabi naman ni Lavi

"Paasa!" dagdag pa ni Hailley.

Tumayo ako at pinameywangan yung tatlo at napataas din ang kilay ko sa kanilang tatlo.

"Seriously Girls, sino ba ang best friend niyo? Ako o Siya?" inis na tanong ko sa tatlo.

"Grabe ka naman kasi sa kanya, sobrang effort na niya para mapalapit sa inyong mag iina" sabi ni Lavi.

"Oo nga, di ka ba naaawa sa kaniya? Ang yummy pa naman nun" humahagikgik na sabi ni Briella.

Tsk... yummy??? San banda ba yung pagiging yummy niya?

"And besides, maawa ka naman kina Scarlet gustong gusto siya ng anak mo plus the fact na tatay naman siya ni Sky, so anong problema?" tanong ni Hailley.

"Sorry pero, wala sa kaniya ang mga katangiang hinahanap ko" sabi ko.

At saka ako umupo at uminom ng wine.

Naiiling na lang yung tatlo sakin.

"Sabi mo yan eh" sabi naman ni Hailley.

"Ayaw mo naman sa kanya, pwede bang akin na lang siya?" nakangiting sabi ni Briella.

Wow ha??? Akin ba siya para magpaalam pa siya sakin? Napasimangot naman ako sa kanya.

"Hahaha... joke lang toh' naman makatingin wagas eh" natatawang sabi pa ni Briella.

Muli akong uminom ng wine. At saka ko kinuha yung mic.

"Ako na lang kakanta ayaw niyo mag simula eh" sabi ko.

"Ganyan talaga nagagawa ng alak eh, noh? Hahaha lumalakas ang fighting spirit" nang aasar na sabi ni Lavi.

Hindi ko na sila pinansin pa at saka ako humarap at tumayo pa ako.

Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo

Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'

Walang ibang Tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
kung tunay nga ang pag ibig mo

Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo

Kailangan ba kitang iwasan
sa twing lalapit may paalam
ibang anyo sa karamihan
iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang

Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung Maging Tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'

Natigilan ako ng may narinig akong pumapalakpak. Napalingon naman kami sa may pinto.

"Bakit di kayo nagyayaya?" tanong ni Tim at pumasok sa loob.

Pakiramdam ko biglang uminit yung paligid ko ng makita ko si Lowell na nakangiti lang sakin.

Tsk..  wag siyang mag isip ng iba sa kinanta ko wala lang yun..

"Ganda talaga ng boses mo Shan" natatawa pang sabi ni Tim.

At para hindi ako mailang umupo na lang ako at muling uminom.

Bakit ba ganun siya makatingin sakin?.. 

"And I'll make sure na magpapakasal ka sakin!"

Naalala ko na naman yun.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Wala pong masyadong labanan dito... hahaha di po ko marunong sa mga action eh ^_^

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon