Without You

3.4K 52 1
                                    

[Vice's POV] 

"Oy ha, dati ko lang crush yang si Vice. Sorry but my heart is for Vhong na." depensa ni K sa panloloko ng mga Showtime Hosts dito sa lounge.

"Kilig naman yang si Kuys!! HAHAHAHA." sagot ni Billy kay K. Katabi ni K si Vhong and Vhong's arm was at K's shoulder. Sana ako na lang si Vhong. Hindi ako umiimik since natapos ang Showtime. Tapos na naman ang palabas, why would I fake myself? Pamilya kami dito, at tanggap nila at iniintindi namin ang isa't isa dito. Nasasaktan ako. Naiinis ako. Nagseselos ako. I had the chance. I was the one that had K's heart. She loved me that much yet I didn't  realized that she's the one I'll be needing for my whole life. Minahal nya ko non, nung si Vice Ganda pa ko. Tapos ngayon, pinipilit kong maging Jose Marie Viceral, kaso wala nang dahilan. Si Vhong na ang mahal nya. 

Kung tutuusin, ayokong mapunta si Vhong kay K. Ayoko talaga. Hindi dahil may mali sa kanya. Hindi dahil panget ang ugali nya at alam kong maalagaan ng tunay ni Vhong si K. Alam ko rin na kayang ibigay ni Vhong kay K ang lahat lahat. Ayokong mapunta si K sa kanya kasi Vhong is such a perfect man. I know that when he loves a girl, he really loves her. At natatakot akong hindi na mapunta sakin kahit kailan si K. Baka si K na ang iharap nya sa altar, and I really don't want to see that. Mahal na mahal ko si K. 

"Hoy Vice!! Tulala ka na naman!! Sabi kong pakinggan mo ung sasabihin ni K eh!!" sigaw sakin ni Billy na nagpabalik sa ulirat ko. Tiningnan ko si K, and she looked at me also. She smiled widely and cleared her throat. Mukhang may sasabihin nga. 

"Kung itinatanong nyo kung minahal ko si Vice, of course I did. I had a crush on him since 2012, I know, I know. It's kinda silly. Pero that's love. Walang pinipili. Until the past few months I realized. Why do I need to love a pure and oh-so-sure gay man when I know myself that there are people out there, waiting for me to give back their love for me, right? And siguro maibabase ko sa part ng kanta kong Basically kung pano nagstart ung love story namin ni Vhongskie. Yung, 'Just when I chilled, you walked in, gave me flowers everyday, sad songs started to fade away.' Kasi I was in pain. I was in the realization process, the process in which na sobrang vulnerable ako, sobrang galit, sobrang nasasaktan, pero hindi ako pinabayaan ni Vhong. From the start till the end he was there. He never left me. He made me happy once again. He turned my frowns into smiles, and that made me fell for him. I maybe loved Vice, but I really can't deny that I love Vhong much more now. No offense Viceral ha." my heart broke when K uttered those words. I'm falling to pieces right now. Pumatak ang luha ko. Tumayo ako at tumakbo sa dressing room ko. Hindi ko kaya. Kinuha ko ang gamit ko, at sumakay sa kotse ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa manibela at humagulgol ako. Shit. Mahal na mahal nya ko, DATI. Umuwi muna ko sa bahay ng nanay ko para makapagpalamig at makapagunwind. 

 *

Nang makadating na ko kila Nanay, tumambay ako sa may kubo. Humahampas ang simoy ng hangin mula sa sakahan patungo sa direksyon ko. 

"Tutoy, may problema ka?" nilingon ko kung sino yung nagsalita.

"Lo, kayo po pala. Ah, wala po. Wala pong problema." i said as i hold back my tears. 

"Ako po ang niloko mo apo, eh kitang-kita naman sa mga mata mo na may mabigat kang dinadala dito." sabay turo sa may puso ko. Hindi ko na napigilan, pumatak na ang mga luha ko. 

"Lo, naranasan mo na ba yung, nagmahal ka ng isang tao sa maling pagkakataon? Yung nahuli ka na? Yung mahal na pala nya ko dati, at ako alam ko sa sarili ko na mahal ko na din sya, kaso natakot ako. Natakot ako kasi baka mamaya di ko mapanghawakan yung pagmamahal na yon. Nalilito pa ko ng mga panahon na yon. Kaso ngayon, kung kelan handa na ko at okay na ang lahat. Kung kelan ready na kong mahalin sya, eh napunta na sya sa iba. Napunta na sya sa taong alam kong mas mahihigitan ung pagmamahal na ibinibigay nya. Sa taong sobrang perfect, at natatakot ako na baka sya na ang iharap nya sa altar. Lo ang sakit. Lo kahit anong oras ngayon pwede na kong magfall nang pira-piraso. Pero kinakailangan kong magpanggap. Kailangan kong magpakatatag para sa mga fans ko. Masakit lo, sobra." hinimas ni Lolo ang likod ko para mapatahan ako. 

Vice x Karylle : One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon