Perks of being a fangirl

1.6K 38 4
                                    

[AN: Hi, I just wanted to let these thoughts out of my head. Gusto ko lang ikwento yung saloobin ko, kung paano nagsimula ang pagshiship ko sa ViceRylle. Hindi po talaga ito oneshot, off topic muna. Hahaha, I hope madaming makakarelate sakin, kasi I know you guys have your fandoms also. Being a fangirl is hard, but the joy and happiness it brings will make it worthy. Kung di kayo fan ni Vice or ni Karylle, just think of them as your idols. Love you guys!!] 

Perks of being a fangirl

Sa totoo lang, mahirap na masaya ang buhay ng isang fangirl. Ako kasi, bilang fan ni Vice at Karylle, sobrang saya ang nadudulot nila sa'kin. In a way na kahit magkasama lang sila sa isang picture, halos umabot na hanggang langit ang ngiti ko. Yung tipong, maging magpartner lang sila sa Sine Mo 'To, gumugulong na ako sa tuwa dahil sobrang natural nung chemistry nila. Even the little things, sobrang laking bagay na sa'kin (at sa'ming mga ViceRylle babies) yun. This fandom started way back 2012. Sa totoo lang, hindi pa ako informed na may ViceRylle na pala noon, but I've seen the first kiss (which was the scotch tape one) on national tv. I can still remember, sabi ko pa noon ng Mama ko, "Nagkiss sila?" and then I replied, "May tape naman po, eh." For me, wala pa talagang kilig, ni isang percent. It was normal, siguro natawa lang ako dahil nagtatatalon si Vice sa tuwa (or maybe sa diri) dahil nakakiss siya ng isang babae, and to think, nakatape pa ang lips ni Karylle noon. Months passed, hindi pa din ako talaga kinikilig sa ViceRylle noon, dahil I used (take note of the word, USED) to ship Billy and Karylle. Unlike how I ship ViceRylle today, ang pagshiship ko kay Billy at Karylle noon ay very simple lang. Nacucute-an lang ako sa tuwing magkatabi sila, and I never made a Twitter account for them. Siguro dahil ang nasa isip ko noon is sabay silang ipinasok as co-hosts ng Showtime, (which is in the year 2011, If I'm not mistaken) kaya siguro ako nacute-an sa kanilang dalawa. Siguro mga weeks lang ata yung kay Billy and Karylle, then nagfocus ako sa studies. (WEH? YUNG TOTOO?) Then November 2012 came. Hindi ako sure sa exact date, but when I checked my photos on my personal account, I saw na I uploaded a pic of Vice, dated February 24, 2012. 10 days after the first kiss. Dun, dun na nagsimula ang pagfafangirl ko over Vice. Hanggang June 9, 2012 yun. It was summer last two years ago simula nung una akong magfangirl kay Vice. 

After nun, hindi na ulit ako masyadong nagfocus kay Vice, because nagfocus ulit sa studies. (Yes naman!) It was my freshmen year as highschool student, kaya siguro masyado akong naexcite sa high school life. Friends here, peers there, studies everywhere. Natapos ang 2012 na ang tanging way ko para makita si Vice ay ang panonood ng Showtime tuwing Saturday. Hindi pa ata buhay ang mga replays noon sa ibat ibang websites, or kung meron man ay hindi pa ako informed na pwedeng manood ng replays dun. Then February 14, 2013 came. Hindi ko napanood ang second kiss attempt ng ViceRylle dahil hagardo versoza ako sa clearance namin noon, and everybody was busy kasi JS Prom kinabukasan and I was part of the usherettes to guide the Juniors and Seniors. (WOW! Walang may pake, hahahaha) When I got home that day, I opened my twitter and nakita kong trending ang ViceRylle. Nung una nagscroll lang ako about them, then I saw the kissing attempt. Kinilig na ako non, pero sobrang konti pa lang. Then February 15, 2013. That was a Saturday. Inabangan ko talaga yun dahil nakita kong nagtweet si Vice na ikikiss niya si Karylle on air. Yun, naganap ang second kiss ng ViceRylle. I can still remember na katext ko yung one of my closest friend, ang text ko pa sakanya noon is, "Nagkiss si Vice at Karylle!!! Hahahaha." and nagreply siya ng, "Oo nga, muntik sa ngipin tumama." Since then, naging familiar na ako sa ViceRylle. 

It was March 26, 2013. My Lolo's birthday. Kinailangan naming pumunta sa bukid noon, which means walang WiFi. Bago kami umalis, chineck ko na yung twitter account ko, and if I'm not mistaken first spot yun, it was named as #ViceRylleShowtimeHolyWeekSpecial. Dun, dun na ako nagsimula magfangirl over ViceRylle. Sobrang nadala ako sa Lenten Special na yun, and that lead me in making a fan account for them. I made it April 6, 2013. (Wag kayong magtaka kung bakit alam ko, may first tweet finder ang Twitter hahaha) Since then, nagsimula na ang pangangailangan ko ng ViceRylle overdose ko everyday. Some of the highlights for ViceRylle is their #ViceRylleOnGGV and #ViceRylleNationalPabukoDay. Hindi niyo alam kung gaano kami hineart attack ng mga pangayayaring iyon. Kahit aminado akong TeamBahay lang ako lagi, tumatagos sa screen ng tv namin kung paano magpakilig si Vice and Karylle. Ang daming nangyari sa ViceRylle noong 2013, diyan na nagsimula magboom ang fandom na to. 

Dito na nagsimula yung mga "gulong talon gulong" expressions, pati na rin yung "pasapak!" sa tuwing kikiligin kami sa ViceRylle. Dati ang pagkain lang ng ViceRylle as HOPIA at BUKO, (at busog na busog na kami dun sa tuwing absent si K or si Vice, or kung walang moment, ang meryenda namin ay hopia. Joke) at ngayon meron ng SITAW, LUMPIA, ITLOG, BROCCOLI, PIZZA, BUNS, etc. Sobrang dami na ang nadagdag, at nakakatuwa kasi nasaksihan ko kung paano nangyari yun. 

Fast forward, it was December 17, 2013. Third kiss ng ViceRylle. Vice as Peter Jackstone and Karylle as Sandy. Oh diba? Sine Mo 'To 'yan! Hahaha. It was unexpected kasi akala namin pakikiligin lang, but we were wrong. Hindi lang nila kami pinakilig, actually pinatay nila kami sa kilig, and that kiss caused them to trend... again. Syempre, ViceRylle yan eh. Chos!

WHAT I LOVE ABOUT VICERYLLE FANDOM

1. UNITED. 

 United ang mga ViceRylle babies. Seryoso, sobrang united ng ViceRylle. I've observed that, simula't sapul lahat nakikicooperate. Once na may patrend, asahan mong gigising sila ng 7 or 8 in the morning para saktong 12:30 nn, trending na ang ViceRylle. Hindi lang sa pagpapatrend, pati sa mga haters at bashers ng ViceRylle, asahan mong wala pang isang oras ay suspended na ang account na yun. Kaya beware, hahaha joke lang!

2. HONEST. 

 Alam ng mga ViceRylle babies kapag nasa tama o mali sila. Kung nasa tama kami, ipaglalaban namin yun. At kung nasa mali kami, hindi na kami para ipilit yun at kami na mismo ang humihingi ng dispensa sa taong nagawan ng mali. :) 

3. TEAMBAHAY.

 Ang ViceRylle babies, kapag may production number or may GGV or kung ano man yan na mahalagang parte ng history ng ViceRylle, nahahati sa dalawa ang babies. Ang 50%, ay nasa Studio, nagtititili, nagkukuha ng pictures. At ang 50% ay nasa Bahay, nagpapatrend. Oh, di'ba? San ka pa? Tara! Joke :)

4. EDITORS-IN-CHIEF.

 Talentado ang ViceRylle babies, lahat ay gagawan ng paraan para maiedit na maging magkasama si Vice at Karylle. For me, the best ang mga ViceRylle babies sa pag-eedit. Even the memes, ang cute nila. I swear, mahohopia ka sa mga edits kasi sobrang true to life. Pak!

5. ULTIMATE THROWBACKERS. 

 Throwback ba kamo? Picture ba kamo ni Karylle or ni Vice nung bata? Slambook answers ba kamo ni K? Information ba about sa school life nila? Alam yan ng ViceRylle! Hahaha, nahahanap nila ang mga throwback pics ng mga iniidolo nila. Madaming sources ang ViceRylle babies, kaya asahan mong nalaman ng isa, kalat sa lahat yan. Chos! Haha.

WHAT I THINK OF VICERYLLE 

Bashers be like: Tungnu ang panget ni vice mukhang kabayo, si karylle mukhang manang ang landi. 

We get hurt, a lot. Kami kasi yung nasasaktan kapag nasasaktan si Vice or si Karylle. Kung nasasaktan sila, triple yung nararamdaman namin. What's the sense of labelling it "babies" kung hindi kami nasasaktan di'ba? Ayaw naming nakikita silang umiiyak, ayaw namin nakikita silang nagpapasaya ng ibang tao when deep inside they're hurt. Their happiness is our happiness kaya ganun na lang ang inis namin sa mga taong wagas kung makapangbash. Kung sa idol mo mangayari yun, di ka ba maiinis? We want them to be happy, tapos may mga taong mambabato ng masasakit na salita sa kanila. That's very hard for us kaya isang oras pa lang ay suspended na ang mga bashers. 

May mga fangirls na halos umiyak na makita lang si Vice at Karylle, yung kahit nasa labas lang sila, as long as makikita nila ang mga idol nila. Yung iba nga pumipila ng sobrang tagal, para lang sa kanila. Ganun namin sila kamahal. Yung iba nga, mapansin lang sa Twitter masaya na. Mafavorite or maretweet lang, keri na. (At isa ako dun sa mga taong yun, haha) Yung libu-libong fan accounts pra sa ViceRylle, yung puyatan to the max para lang manalo sila sa polls at yung mga late night updates na sobrang worth it. <3 Yung wattpad stories na grabe kung makadala, yung drama and nakakakilig. Yung mga oneshots and yung parody accounts na parang sila talaga. There are so many things that makes ViceRylle special, and I'm proud to say that Jose Marie "Vice Ganda" Borja Viceral, and Ana Karylle "K" Padilla ttlonghari gives me inspiration everyday. I love them both too much so much very much, to bits and pieces, to infinity and beyond, to the moon and back. :"> 

#WeLoveYouViceRylle

Vice x Karylle : One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon