Five years

2.4K 63 1
                                        

#Happy5thAnniversaryViceRylle

Everything was ready, from her make up to her toe nails. His hairstyle up to his Jeremy Scott shoes. It was their fifth anniversary as a loveteam, as ViceRylle. After Eruption welcomed all Showtime hosts, he started introducing Vice and K. "Let's all welcome, our absurd and crazy but still unkabogable loveteam, ViceRylle!" 

-

"Ready ka na?" he asked while looking at her. They were at the back of the LED, getting ready dahil sila ang opening prod ngayon. She looked back, their gaze met. Nginitian siya ni Karylle at tumango. "Kelan pa ba 'ko 'di naging ready? Chos." she said, trying to ease the tension. "Kahit kelan, baliw ka talaga." sabi ni Vice at tumawa. "Baliw ka naman sa'kin." Karylle said at inilabas ang dila para tuksuhin si Vice. Napangiti lang naman si Vice at natameme dahil once again, bumalik na sila ni Karylle sa ganitong set-up. 'Yung walang awkwardness. Ang tagal na din pala naming 'di nagpansinan. 

Nang mag-open ang LED, sabay silang lumabas and as expected, naghiyawan ang buong Showtime studio dahil punumpuno ito ng mga anak nila, ang mga ViceRylle babies. "Vice, BuKo ka ba?" she asked, smiling form ear to ear. "Ha? Bakit, K?" he showed his kilig smile that he only gets when there's Karylle. "Kasi..." lumapit pa lalo si Karylle kay Vice. "Ikaw ang..." "BUHAY KO!" sigaw ng audience kaya napachuckle ang dalawa. Saulong-saulo talaga ng mga anak nila ang mga katagang ito, sino bang ViceRylle baby ang makakalimot? Ito ata ang pinakasikat na line ng ViceRylle since then. 

They sang together and did a small dance production. As usual, hindi tumigil ang ViceRylle babies sa pagtili dahil sa kilig. Walang humpay na hiyawan ang bumalot sa studio at maski ang mga Showtime hosts ay nakikitili na rin sa kilig. 

"Grabe, tinatablan na naman ako ng kilig!" sabi ni Anne without her mic kay Vice at Karylle. Tumawa lang si Karylle. "Gaga ka! Hahahaha ngayon pa, kung kelan five years na nga!" sabi naman ni Vice without his mic at akmang ihahampas ito kay Anne. "Che! Dapat palitan ko na si Billy as president niyo eh. I can push you two harder!!" bulong ni Anne kay Vice. "Bawal, hindi pwedeeeee!!" pabulong din na sagot ni Vice kay Anne. "At bakeeeet?!" "Madaldal ka, baka mabuking mo 'ko." napatingin naman si Anne at napahagalpak sa pagtawa dahil nagets agad ang sinabi ni Vice. "Nainlove na talaga si Waklaaa, kaloka." sabi ni Anne kay Vice. "Kita mo, nand'yan si Karylle pero ang ingay mo! Isa pa ipapalunok ko sa bunganga mo 'yang dila mo." pagbabanta ng binata. 

"Grabe brad, five years na 'yung loveteam niyo, kinikilig pa 'rin ako!" sabi ni Vhong at umakbay kay Vice. Nagkatinginan naman si Vice at Karylle kaya napatawa sila pareho. "Pero sa inyong dalawa ba, kahit minsan, wala? Walang nainlove?" tanong ni Vhong. Nagbigay naman ng meaningful na tingin si Vice kay Vhong dahil nagegets nito ang nais iparating ng huli. "Ako, basta ako, love ko si Vice. Mahal ko siya and all I want for him is to be happy." sabi ni Karylle at hinawakan ang bewang ni Vice. Awtomatiko namang inakbayan ni Vice si Karylle at niyakap ito. "Ikaw Vice?" sabi ni Vhong. Alam ni Vice na 'di siya titigilan ng kaibigan hangga't di siya nagsasalita. Natatawa naman si Vhong dahil alam niyang nagets siya ni Vice. 

"Ano... Basta 'yung pagmamahal ko kay Karylle, 'yun 'yung tipong 'di na kailangan ipagsigawan. 'Di na kailangang sabihin kasi alam ko naman na nararamdaman niya 'yun, na forever na siyang nakatatak sa puso't isipan ko. Lahat kayo... Ganun, nakatatak na kayong lahat." bawi ni Vice dahil mukhang malalim na ang nasasabi niya. "Ah, forever pala...." sabi ni Vhong ng naka mic kaya tumawa na lang si Vice para hindi ito masyadong marinig ng tao. 

"Let's once again welcome back, ang loveteam na hindi nagpatinag, ang loveteam na lumevel sa CharDawn at KathNiel, ang unang gay-girl loveteam na naging Loveteam Of The Year noong 2014, the unkabogable, the unbreakable loveteam, ViceRylle!" sabi ni Jugs at Teddy kaya naman naghiyawan ang mga studio audience na syempre, mga ViceRylle babies. 

May binulong si Karylle kay Vice kaya bigla siyang may naalala. "Ay oo nga, oo nga. 'Yung mga ViceRylle babies na 'di nakapasok, sobra kasi talagang dami nila, 'yung iba nga nandun pa din sa labas, pasensya na, sorry..." sabi ni Vice at bumulong kay Karylle. "Pwede ba nating iannounce 'yung grand fans day?" "Oo, pwede, pwede ata." sagot naman ni Karylle. "Ayaaan! Sa mga ViceRylle babies, limang taon din nating inantay 'to, sa March 14, next month, may grand fans day tayo sa Araneta." bigla namang naghiyawan at nagsapakan ang mga ViceRylle babies (na gawain talaga nila sa tuwing kinikilig) dahil sa tuwa. Yung iba ay tumambling pa at muntik ng masira ang mga tarpaulin na hawak-hawak nila.

"Ayan, nagwawala na naman sila..." malambing na sabi ni Karylle kaya nagtawanan ang iba hosts. "Ganyan sila magmahalan, kita mo Vhong? Billy? Manang-mana sa'tin..." sabi naman ni Vice. "Uyyy, aminado.." sabi ni Vhong at tinusok ang tagiliran ni Vice. "Tatay na tatay ahhh." sabi naman ni Billy kaya nag apir ang dalawa. Wala namang laban si Vice sa kanila kaya binelatan na lang niya ang mga ito. 

After ng first gap ay tumambay sila Billy, Vhong, Vice at Karylle sa lounge. Ang iba ay nasa kanya-kanyang dressing rooms o di kaya nakikipag-usap sa ibang staffs. Paikot sila sa table at hiwalay si VIce sa tatlo. Nakafocus si Vice sa phone niya while ang tatlo ay nagkukwentuhan. "Karylle, alam mo ba si Vice..." sabi ni Billy kaya napatingin agad si Vice sa kanya. Napangiti naman si Vhong kaya sinakyan nito ang trip ni Billy. "Oo nga, alam mo ba si Vice..." "Mahal ako ni Vice?" sabi ni Karylle kaya natahimik ang dalawa. Hindi naman maintindihan ni Vice ang mararamdaman, kung kikiligin ba sya dahil hindi ikinahihiya ni Karylle ang pagmamahal ni Vice sa kanya, o malulungkot dahil wala man lang kaemo-emosyon ang dalaga. "ALAM MO?!" sigaw ni Vhong. "KELAN PA?!" sigaw naman ni Billy. Natawa na lang si Karylle at kumain ng pansit na nasa lounge. "Gusto niyong pansit?" sabi ni Karylle at kumain.

Napatingin naman ang dalawa kay Vice at ngumiti lang ito. Umalis si Karylle para pumunta sa dressing room niya para magretouch ng tawagin siya ni Vice. "Karylle..." 

"Uy? Yes Vice?" sabi ni K. 

"Isa lang. Sana di ka magalit. Pa-fifth anniversary gift mo na sakin. Wala naman si Y eh." and then he claimed her lips. 

She smiled and responded the kiss.

//

[A/N: Lame ending I just wanted to release the grand fans day and fifth anniversary of vicerylle so yeah bye]

Vice x Karylle : One ShotsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon