Tonight its very clear, as we’re both lying here. There’s so many things I wanna say, I will always love you, I will never leave you alone.
Andito na naman tayo. Masarap palang balikan ung lugar kung san una mong sinabing, Mahal din kita Vice. Yung lugar kung san mo sinabing, Yes Vice, I'll marry you. At lugar kung san sinabi natin sa harap ng maraming tao at sa harap ng mga mata ng Diyos ang, I do. Kasama kita, nakahiga tayo sa ilalim ng kalawakan. Nakasandal ung ulo mo sa dibdib ko. Ramdam na ramdam natin ang paghampas ng mga alon at ng hangin sa atin.
Namiss ko din to, ung malayo sa kasikatan. Yung payapa at walang manggugulo sa'yo, yung hindi ka dudumugin ng tao. Yung pwede mong gawin ang lahat, kasi walang mga matang nakatingin sa bawat galaw mo. Ang saya, ang ginhawa sa pakiramdam.
Sa 3 taon nating pagsasama K, ang dami ko paring gustong sabihin sa'yo. Kahit araw-araw kitang kasama, mawala ka lang ng isang segundo hindi pwedeng hindi kita mamiss. I fall for you deeper everyday. As in deeper and deeper. I can't find a word to describe you, because words are really not enough to tell how I love you.
Hindi kita kayang iwan, at hinding-hindi kita iiwan. And I'm afraid that you'll leave me, at hindi ko kakayanin yon. I hope you won't get tired of understanding me, of loving me, of my waley jokes, of my everything. I may not be the perfect one, but I promise that I'll be the best for you.
Sometimes I just forget, say things I might regret.
May mga times na nasaktan kita sa sinabi ko, just what I said I am not perfect. Each time we'd fight, it makes me wanna die in guilt, especially when I have done something wrong. Mahal na mahal kita Ana Karylle. Minsan nakakalimot ako, at times hindi ko naaalala na anniversary natin, or birthday mo. Paulit-ulit kong sasabihin, hindi ako perfect na tao. Yet, I am trying to do my best especially when I'm with you.
It breaks my heart to see you crying. I don’t want to lose you, I could never make it alone.
Hindi ko kayang umiiyak ka, katulad nung nag-away tayo because I didn’t have that much time for you, and the moment I laid my eyes on you, you were crying. I should admit, parang unti-unting tinatanggal ang mga arteries ng puso ko. Sabi ko nga, hindi ko kayang mawala ka sakin. Mapride akong tao, you know that K. Pero pagdating sa’yo, kakainin ko ng buo ang pride ko. Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa.
Cause I am the man who will fight for your honor. I’ll be the hero that you’re dreaming of. Gonna live forever knowing together, that we did it all for the glory of love.
I am proud that I am your prince charming. Ang sarap sa pakiramdam, nakakaSuperman. :”) Maybe alam ni Anne, ni Iza or ni Diana yung best things that happened in your life, but I’m proud to say that I was with you when that happened. Gusto kong makasama ang isang tulad mo sa habang buhay, Kurba. Ikaw ang nag-iisang Binibining Kurba ng buhay ko, Karylle :’)
You keep me standing tall, you help me through it all. I’m always strong when you’re beside me.
In those 3 years (and counting) we were together, hindi pwedeng hindi tayo iintrigahin. That’s life, kapag sobrang saya at sobrang perfect ng buhay mo gagawa at gagawa ang mga tao ng isang bagay para ikasira mo. Yet, sa bawat intriga at balitang dumating sakin, maganda man o masama, hindi mo ko iniwan. Totoo nga ung sabi nila, mas madaling harapin ang problema kung may kasama. At gusto kong magpasalamat kasi lagi kang nandiyan, inintindi mo ko at pinaniwalaan mo ko kesa sa mga sinasabi ng tao. Pinaniwalaan mo ko, at hindi ang mga tao, most of the intrigues were saying na bakla ako, at hindi na talaga ako magbabago. Pero what did you do? You never had even a single doubt on me. Syempre, kung ang isang Ana Karylle ba ang magcoconvert sayo, jusko babalakin mo pa bang magmahal ng iba?
I have always needed you. I could never make it alone
Paulit-ulit kong sasabihin sa’yo, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Hindi ko kakayanin talaga. And you will always be my BuKo, ikaw lang ang Buhay Ko, kasi nga 14 is forever. Mamahalin kita hangga’t kaya ko. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko, kasi mahal kita. Uh? Ang nonsense ng sinabi ko.
Cause I am the man who will fight for your honor. I’ll be the hero that you’re dreaming of. Gonna live forever knowing together, that we did it all for the glory of love.
Nakakalalake pala ano? Yung alam mong ako ung safety mo, ako ung sandalan mo. Sabi nga nila, ako ung bangka mo, ung bangkang poprotekta sayo sa dagat ng problema. Naks! Kilig much baby. Hahahaha, joke J Alam ko na ikaw na ung forever ko, ung forever na dati eh kinamumuhian ko dahil alam kong hindi ko un makakamit dahil bakla ako. We both know that, but when you came to my life, I must say, lahat nagbago. Lahat ng paniniwala ko sa love e bumaligtad. Akala ko walang tao ang magtyatyagang mahalin ako, but then, kelan ba naging tama ang akala? J Hahahaha I love you Ana K. :’)
It’s like a knight in shining armor from a long time ago. Just in time I’ll save the day, take you to my castle far away…
Minsan iniisip ko, malay mo sa parallel universe, hindi pala tayo artista, kundi isang prinsipe at prinsesa. Mali pala, ikaw lang ung prinsesa. Ako ung Knight in Shining Armor mo, ung taong handa kang ipagtanggol kung kaninoman. Mahal na mahal kita, ganon kita kamahal. Tapos sa parallel universe na yon, don hindi ako bakla dati, ang saya siguro ano? Tapos ako ung taong aakyat sa castle kung san ka nakatago for over a thousand years, ay wag pala. OA, grabe naman ung thousand years. Sige na nga, mga thirty years pa lang. Hahahaha. Un nga, aakyat ako sa castle na un para iligtas ka, tapos happy ever after na ending, tapos syempre kiss muna, kasi nga sabi nila, one true love’s kiss nga daw. <3 Yes naman!
Cause I am the man who will fight for your honor. I’ll be the hero that you’re dreaming of. Gonna live forever knowing together, that we did it all for the glory of love.
3 years maybe long enough, but still, we have the rest of our lives to be with each other. Dun sa 3 years nay un hindi ko pa nasasabi sayo lahat ng gusto kong sabihin, pero trust me, every word will fall on its place. Alam ko sa sarili ko na ikaw na ang forever ko K, at sana ako na rin ang forever mo. Kung hindi man natin magawa ngayon lahat, meron pa tayong bukas. Basta ikaw ang kasama ko, everyday is enough. Mahal na mahal kita Ana Karylle Tatlonghari. Wag na wag mo kong susukuan ha? Wag na wag kang magbabago. At lagi mong tatandaan, Ikaw ang Buhay Ko.
-
Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko ang lahat ng yan. =))) I decided to post it kasi natuwa ako. Sorry for the grammatical/typographical errors, it hasn't undergone proofread yet. Thanks for reading, love you guise.
BINABASA MO ANG
Vice x Karylle : One Shots
FanfictionCompilation of one shots of Vice & Karylle =))
