"Kay-kay, pwede bang tayo na?"
"Bata pa tayo Tutoy e, paglaki natin, promise!"
"Sige ha, promise mo yan ha?"
"Pinky promise."
-
Yan ang dahilan kung bakit nakasara ang puso ko. Kahit madaming mga sexy at magagandang babae dyan, di ko sila papatulan.
Kahit na sila pa yung pinakamagandang babae sa mundo. NO THANKS :)
Kasi ang puso ko, para kay Kay-Kay lang. :D
Sayang, wala sya dito sa tabi ko ngayon. Kinailangan niya kasing lumipad papuntang America nung 9 years old pa lang kami.
*Flashback*
"Tutoy. :'(" sabi sakin ni Kay-Kay habang naglalaro kami non sa swing dun sa playground malapit sa village namin.
"Oh, bakit ka umiiyak Kay-Kay? Nasugatan ka ba?" sabi ko sa kaniya.
"Aalis daw kami e. :( Ibig sabihin non, di na tayo magkikita. :(" sabi niya sabay punas sa mga luha niyang pumapatak habang kinakausap ako.
"Ano ka ba, magkikita pa din tayo! Magbabakasyon din naman kayo dito ulit diba?" sabi ko na pinipigil tumulo ung mga luha ko. Siguro kahit mga bata pa kami nung time na yon eh sigurado na ako na mahal ko sya at wala ng makakapagpalit non.
"Oo. Pero matagal pa yon. :(" sabi niya sakin sabay hawak sa teddy bear na binigay ko sa kanya nung 7th birthday niya.
"Basta walang limutan ha? Kasi paglaki natin, magiging tayo pa." sabi ko sa kanya sabay lagay nung buhok niya sa likod ng tenga nya.
"Wag mo akong kalilimutan Tutoy ha?" sabi niya sakin sabay labas ng pinky finger nya.
"Pinky promise." sabi ko naman sabay pinky swear sa kanya. Niyakap ko sya ng sobrang tagal non.
*End of flashback*
Ngayon.. Andito ako sa airport. Susunduin ko na yung babaeng magiging girlfriend ko. Kinakabahan ako.. After 12 years.. Makikita ko na ulit siya..
May nakita akong babaeng palapit sakin. Di ko naman sya masyadong tinignan kasi fabulosa sya. Hindi tulad ni Kay-Kay na simple lang.
Lumapit siya sakin at biglang akong kinausap.
"Mr. Viceral? :)" sabi niya sakin. Ay, kilala pala ko nito?
"I am sorry, but do I know you?" sabi ko naman na very puzzled. Syempre, di ko siya kilala e.
Hindi naman siya nagsalita bagkus ay may kinuha siya sa bag niya.
Ha? Yu-yung t-teddy-y b-bear-r na binigay ko kay Kay-Kay.
"Kay-Kay?" sabi ko habang gulat na gulat at di makapaniwalang kaharap ko na yung babaeng mahal na mahal ko.
"Tutoooooy!" sabay yakap sakin ng sobrang higpit. Ako naman e gulat na gulat pa din at iniintay na mag sink-in sa utak ko na si Kay-Kay talaga yung kayakap ko.
"Huy! Tutoooy! It's me! Kay-Kay!" sabi niya. Grabe, ang ganda ganda niya. Yung mga mata niya, nagsa-sparkle.
"Kay-Kay? Ikaw si Kay-Kay?" sabi ko naman kasi mejo di pa rin ako makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/8255042-288-k194092.jpg)
BINABASA MO ANG
Vice x Karylle : One Shots
FanfictionCompilation of one shots of Vice & Karylle =))