Walang Iba

2K 57 1
                                    

Ilang beses ng nag-away, hanggang sa magkasakitan, na 'di alam ang pinagmulan. 

"VICE!!!!" dali-daling tumakbo si Vice papunta kung saan nagmula ang pagsigaw. "K! Bakit?" tanong ni Vice nang makarating ito sa dressing room niya. "Saan mo nilapag 'yung cellphone ko?!" "Oh! Iniabot ko sayo ah? Bakit sa'kin mo hinahanap?" natatawang sabi ni Vice. "Eh naman eh!!! Ikaw huling naglaro ng Flappy Bird dun! Vice asan na nga?" "Promise. Hindi ko alam kung nasaan, natatawa lang ako kasi ang cute cute mo." lumapit si Vice kay Karylle at kinurot ang pisngi nito. "Hangga't di mo ibinabalik yung phone ko, hindi tayo bati." sabay siko ni Karylle sa boyfriend niya. "Aray! Magpapalambing lang naman ako eh! Eto oh!" galit-galitang sabi ni Vice kay K. Umalis ito at pumunta sa sarili niyang dressing room. Naramdaman naman ni Karylle na mukhang nainis si Vice sa ginawa niya kaya naisipan niyang pumunta sa dressing room ng boyfriend at lambingin ito. 

"Vice?" sabi ni Karylle habang kinakatok ang dressing room ni Vice. Walang sumasagot kaya minabuti niyang pumasok na lang. Walang tao sa loob ng dressing room kaya babalik na sana siya ng marinig niya ang tawanan sa may lounge. Dahan-dahang pumunta si K doon at nag-eavesdrop sa pinag-uusapan ng mga co-host niya. 

"Etong si Viceral, may girlfriend na, hilig pa ding humarot!" sabi ni Vhong na nakaupo sa tabi ni Billy. "Hindi naman ako humaharot, I'm just being friendly." hirit ni Vice sa mga kasama. "Friendly tapos may pagoodmorning text, ayos! Hahaha. Sino ba yun mga brad?" tanong ni Jhong na napapagitnaan ni Vice at Jugs. "Basketball player ba?" tanong ni Billy. "As usual! Ano pa nga ba? Hahaha." hirit ni Vhong sa mga kasama. "Yari ka Vice, magagalit ang mga babies niyo ni K dyan! Vice President pa naman ako nang mga yun." sabi ni Jugs habang nakain ng fries. Natawa naman ang mga kasama ni Jugs sa sinabi niya. "Tado kayo! Mahal ko si Karylle no, di ko ipagpapalit yun. Saka iniissue niyo na naman ako, wala namang dapat iissue. Good boy 'to no."  sagot ni Vice sa mga kasama.

On the other hand, nainis naman si Karylle sa mga narinig kaya umalis agad ito at hindi narinig ang sinabi ni Vice sa huli. Padabog itong pumasok sa dressing room niya at naupo sa harapan ng vanity mirror. Huminga ito ng malalim at nagfocus na lang sa pagsscroll sa Twitter niya. 

@anakarylle: urghh!!!!!!!!!! ;( ;(                                                                                      2s

Saktong nagsscroll din naman si Vice sa timeline ng Twitter niya ng makita niya ang tinuweet ni Karylle. Nagtaka naman ito at naisip na baka narinig ni K ang napag-usapan nila ng mga co-host niya. Naisipan niyang i-message ito sa WeChat nilang dalawa. 

@praybeytbenjamin: What happened? I saw your tweet. 

@anakarylle: itanong mo sa basketball player mong naggoodmorning sayo!!!!! ;( :| >.< 

He laughed on what Karylle replied. Kilala na nga niya ito, dahil hinala niya na ganito ang irereply ng girlfriend. He finds her cute whenever she's jealous. Hindi naman intensyon ni Vice na pagselosin ang kasintahan, pero nacucutean siya sa tuwing magseselos ito kahit sa maliliit na bagay. Hindi na niya ito nireplyan at pumunta ito sa dressing room ni Karylle. 

"K?" tanong ni Vice habang kumakatok. Pinagbuksan ng stylist ni K na si Sidney si Vice at nagpaalam na lalabas muna ito. Naiwan si Karylle at si Vice sa loob ng dressing room ni K. Umupo sa vanity table si Vice at halos kaharap nito si Karylle. Nagpakabusy kunwari si K sa cellphone niya pero sa totoo lang ay naglalaro lang ito ng Flappy Bird. "Huy." sabi ni Vice habang pinopoke ang pisngi ni K. Hindi ito pinansin ni K at nagpatuloy sa paglalaro. "Ganyan ka na, ipinagpapalit mo na ko sa Flappy Bird." pagtatampo ni Vice. "Sorry na. Bati na tayo." sunod na sabi ni Vice. Tinitigan siya ni Karylle ang nagpout. "Ikaw nga dyan, pinagpapalit mo na ko." sabi ni Karylle. kay Vice. Napangiti naman si Vice sa tinutukoy ni Karylle. "Tamo, nako Mr. Viceral. Wag mo kong nginingitian ng ganyan." pagbabanta ni K. "Hindi naman kita pinagpapalit. Saka yung basketball player? Binibiro lang ako nila Vhong." iniabot ni Vice ang cellphone niya kay Karylle. "Kahit tignan mo pa. Kahit icheck mo pa 'yang cellphone ko. Wala akong dinedelete dyan, peksman, mamatay man." saad ni Vice kay Karylle. Kinuha naman ni Karylle ang cellphone nito at chineck ang messages. Wala naman siyang nakita kaya nakampante siya. Tinignan niya din ang mga call logs at gallery nito, wala naman siyang nakita. Iaabot na sana ni Karylle pabalik ang cellphone ng nobyo ng may biglang tumawag na unknown number. Sinagot naman ito ni K at tinitigan ng masama si Vice. 

Vice x Karylle : One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon