Author's Note: PURELY FICTIONAL.
"One of the hottest and latest loveteams in showbiz, ang isa sa mga tambalang pinakapinag-uusapan sa kasalakuyan, at ang loveteam na sumabay sa KathNiel, LizQuen, at JaDine, ay ang atin pong makakasama ngayong gabi dito sa Tonight With Boy Abunda," panimula ni Tito Boy habang nakaharap sa camera. Rinig na rinig naman ang sigawan mula sa audience ng ilang fans na live na nanonood. Kita rin sa mukha ni Tito Boy ang kilig dahil sa mga ngiti na iginagawad niya habang nag-iisip nang maaring gamitin na mga salita upang ipakilala ang kaniyang mga bisita ngayong gabi.
Sa kabilang dako naman, kapwa magkahawak ang kamay ng matalik na magkaibigan sa likod ng stage habang nagsasalita ang King of Talk. He was sincerely looking at her, memorizing each and every detail of his loveteam's face. Unknowingly, napangiti na siya ng maramdamang nanlalamig na ang mga kamay nito, marahil dahil sa kaba.
She, on the other hand, doesn't know what to feel. Hindi naman bago sa kanya ang magkaroon ng kaloveteam, pero iba siguro ngayon dahil isa sa mga tinuturing niyang bestfriends ang kaniyang nakapareha. She kept on breathing heavily upang kahit papaano ay mailabas ang kaba na kanina pa bumabalot sa katawan niya.
"Mga kapamilya, their upcoming movie is one of the most awaited projects of this year dahil nga hindi maikakaila ang kanilang chemistry, on cam and off cam," muling naghiyawan ang mga audience dahil sa sinabi ni Tito Boy. Napatawa naman siya dahil dito.
"So without a further-a-do, let's all welcome, the realistic loveteam of the century, VhongRylle!" sigaw ni Tito Boy na syang naging hudyat ng pag-akyat ni Vhong at Karylle sa stage. Kita ang pag-alalay ni Vhong sa kaloveteam dahil hindi nito binitawan ang kamay ng dalaga hangga't hindi ito nakakaupo ng ayos.
Walang humpay naman ang hiyawan sa loob ng studio kaya napatawa na lamang si Tito Boy dito. Kumaway naman agad si Karylle sa kanilang mga fans kaya lalo itong naghiyawan.
"Wow, iba pala talaga," Tito Boy stated. "Magandang gabi, VhongRylle." bati ni Tito Boy sa dalawa.
"Good evening po, Tito Boy," naunang bumati si Vhong. "Good evening Tito Boy," at sinundan naman ng pagbati ni Karylle.
"So tell me, how did this start? I know you two were good friends in Showtime pero paano nagkaroon ng VhongRylle?" tanong ng host.
Nagkatinginan naman ang dalawa na para bang nagtatantyahan kung sino ang sasagot. "Ako na?" tanong ni Vhong kay Karylle. Ngumiti lang naman ang dalaga, affirming Vhong.
"Ano Tito Boy, kami kasi ni Karylle, ever since nagkasama kami sa Showtime, nagclick agad 'yung personalities namin. Ayun, siguro napansin ng madlang people na komportable talaga kami sa isa't isa kaya naappreciate nila 'yung closeness namin on and off cam," panimula ni Vhong.
"Then there's this one time Tito Boy, I remember, na may mga nagtutweet sakin, and... sayo rin ba meron?" Karylle asked, partaking to Vhong. Nagnod naman agad si Vhong to answer K. "Ayun, tinutweet na nila kami na kinikilig daw sila, ganon, eh that time kami pa ata ni Vice 'yung pinagpapartner," she continued.
BINABASA MO ANG
Vice x Karylle : One Shots
FanfictionCompilation of one shots of Vice & Karylle =))
