Kung Ako Ba Siya

1.8K 41 0
                                    

Matagal ko nang itinatago, mga ngiti sa munti kong puso. 

"Brad, anong pangalan nung babaeng 'yun?" tanong ng isang lalaki sa kabarkada niya. "Yun? Ah. Si Ana? Ana Karylle ata pangalan nun eh." sagot naman ng kabarkada niya. "Vice, sa tingin mo, may boyfriend na 'yun?" "Gago ka talaga Dingdong, alam ko yang galawang mong 'yan eh! Wag 'yun, brad." "Oh? Bakit naman?" kunot noong sinabi ni Dingdong sa kabarkada niyang si Vice na kasalukuyan katabi ni Billy at Vhong na kapwa kabarkada niya din. "Malamang-lamang type yun ni Viceral." sabat naman ni Billy sa dalawang nag-uusap. Nakatikim siya ng isang batok mula kay Vice kaya tinitigan niya ito ng masama. "Tado! Hindi no. Baka ikaw may type don eh." saad ni Vice habang nakatingin kay Karylle. "Nako, kayo talaga. Hindi niyo ko gayahin, stick to one lang ako, kay Anne lang." sabat naman ni Vhong na tinutunaw na ata si Anne dahil sa kakatitig nito sa huli. "WEH?! STICK TO ONE?!" sabay-sabay na sabi ng mga kabarkada ni Vhong. "Eh sino yung Deniece na naririnig ko?" sabi ni Dingdong na tinataas-baba ang kilay niya, pang-aasar kay Vhong. "Gago! Wala yun 'no!" sabi ni Vhong sabay bato ng libro ng Chemistry sa mukha ni Dingdong. Akmang ibabato pabalik ni Dingdong yung libro ni Vhong, pero nakapagtago agad si Vhong sa likod ni Vice kaya ang tinamaan ay ang huli. "ANO!!!" iritang sigaw ni Vice nang tumama ang libro sa braso niya. "Si Vhong kasi eh!" sigaw ni Dingdong. "Anong ako? Ikaw 'tong bumato ah!" natatawang sabi ni Vhong kay Dingdong. Tinitigan ni Dingdong si Vhong ng masama at nagpeace sign naman ang huli kay Dingdong. 

"Pero, back to the topic. Sa tingin niyo may boyfriend 'yun?" sabi ni Dingdong habang nagmamasid kay Karylle. "Meron. Sa ganda niyang 'yan?" sagot ni Billy habang nakatingin din kay Karylle. "Wala pa siguro. Tamo neneng-nene." sagot ni Viceral na nakatingin kay Karylle. Kasalukuyang Physical Education ang subject niya at masaya itong nagtatatakbo. "Wala pa 'yan. Saka Dantes, kung liligawan mo, aba! Pedophile, 'tol!" sabi ni Vhong habang natatawa. "Pedophile agad? 4th year college tayo, tapos siya 2nd year college. Dalawang taon lang naman ang lamang ah!" depensa ni Dingdong sa sinabi ni Vhong. "Uh, news flash! Gagraduate na tayo, 'tol." saad ni Billy habang pinaiikot ang ballpen sa kanyang mga daliri. "Saka, anong nangyare sa usapan nating focus sa studies pagdating ng 4th year?" sabi ni Vice kay Dingdong. "Oh, focus naman ako ah? Saka nagtatanong lang naman!" depensang muli ni Dingdong sa sarili niya. "Alam na namin yang galawang mong yan, tigilan mo kami Dantes." sabi ni Vhong sa kabarkada habang nakangisi. 

-

"Mga brad, sa Sabado ha, may pauga ako." Kasalukuyan silang nasa garden ni Vice. Sa apat na magkakaibigan, ang pamilya ni Vice ang pinakamaykaya. Being part of the Viceral family, hindi maitatagong sikat siya sa campus na kanyang pinapasukan. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng Viceral Group of Companies. From his great grandfather, to his late father, pati na din ang kanyang mga tito ay may sari-sariling kumpanya, and each has different genres. Mala-mansion ang bahay ni Vice, ngunit kung gaano man ito kalaki ay ganun din naman to katahimik. Tanging mga katulong at driver lamang nila ang halos nakakasama niya sa pangaraw-araw. Nasanay na si Vice sa ganitong set-up, na walang mga magulang na ginabayan habang siya ay tumatanda. Si Vice din ang pinakaseryoso sa kanila. Siya yung tipong maloko, pero pinakaseryoso pagdating sa pag-aaral. He's the Battalion Company Commander of their batch, the President of the Student Government in their campus. He's active at different youth activities. Kumbaga, kung maikukumpara siya sa kanta, nasa kanya na ang lahat. 

"This Saturday? Sige, game ako." sagot naman ni Billy. Son of the owners of the Crawford Chain of Restaurants, lumaki din halos si Billy ng mag-isa. Like Vice, his parents are too busy with their businesses kaya lagi itong wala sa kanilang bahay. Billy is the jolly person in their group. Siya yung pinakaoptimistic, pinakamasayahin, yung tipong hindi ata sya namomroblema sa buhay niya. He sees life in an optimistic point. Hindi niya sineseryoso ang mga problema dahil he knows that these are only tests from God to make him more stronger to face harder problems that will eventually come in his life. 

Vice x Karylle : One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon