"Kapag ba sinabi kong mahal kita, may magbabago ba? 'Di mo ba itutuloy 'yung kasal mo?" maluha-luhang tanong ni Vice sa hallway ng Showtime.
"Vice naman," pagtawag ni Karylle sa bestfriend. "'Wag naman ganito." Nag-uunahang pumatak ang mga luha ni Karylle dahil hindi niya na alam ang gagawin. She's torn in choosing between two of the most important guys in her life.
"Bukas, sa dressing room ko. I'll be there. 6 AM pa lang, nandun na 'ko. Kung dumating ka man o hindi, alam ko na." Vice said sternly pero kita sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman at dinadala niya.
Before leaving, patakbo siyang lumapit kay Karylle at niyakap ito ng mahigpit. "Mahal na mahal na mahal kita. Please, Karylle. Piliin mo naman ako," umiiyak na sambit ni Vice. He kissed her forehead goodbye.
Hindi naman malaman ni Karylle ang mararamdaman. She's hurting so much, at alam niya na matagal na niyang niloloko ang sarili. It's been months na on the rocks ang relasyon nila ng kasintahang nasa banda at ang kanilang nalalapit na kasal ay isa lamang malaking panakip butas sa panloloko nito sa kanya.
Bago pa man tuluyang makaalis si Vice, niyakap niya ito galing sa likod.
"Mahal na mahal na mahal rin kita, Vice."
-
Matamang tinititigan ni Karylle ang kanyang singsing na suot. It compliments her skin dahil sa mumunting kinang na binibigay nito kapag natatamaan ng ilaw. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil hanggang ngayon, walong taon man ang nakalipas, tandang-tanda niya pa rin kung paano ito binigay sa kanya ng minamahal.
"I can't think of any person except you who I'd like to share my life with," panimula ng nobyo. "And I know things are complicated, and trust me, it will be more complicated in the future, but I promise that I will stay with you whatever happens, and whatever it takes." Nagsimula nang magbuild ang mga luha sa gilid ng mata ni Vice.
Nasa isang kapatagan sila ni Karylle ngayon kung saan natatanaw ang buong kamaynilaan. Ang liwanag na galing lamang sa city lights ang tangi nilang gabay sa malalim na gabi.
"Please, marry me." He said with eyes full hope. It has been nine months after Karylle and Yael decided to call it quits. Naging malaking issue ang pagkansela ng kasal nila ngunit ni minsan, hindi umalis si Vice sa tabi ni Karylle. Sa bawat interview na kinaharap ng dalaga, laging nasa backstage si Vice o 'di kaya ay kasama niya mismo sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya pati na rin sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Vice x Karylle : One Shots
Hayran KurguCompilation of one shots of Vice & Karylle =))