Chapter Two [HYPER DIWATA DAW EH]

68 1 0
                                    

Author's POV

Oops! Walang aangal! Ako ang narrator ngayon

Habang nag-iinit ang ulo ni Skylar, hala at eto may tila naloloka sa bahay nila

Raffie's POV

Isang nakakalerking umaga na naman ang bumungad sakin. Baka nagtataka kayo kung bakit Raffie ang name ko. Girl po ako, ah. Pinapauna ko lang. I'm Raffiel Klei Valderama. Raffie nalang for short. Like I said, naloloka na ako kasi gusto kong magtrabaho. PERO DIBA DAPAT ANG DIWATANG GAYA KO NASA PALASYO KO LANG? huhuhu paano na ang kaharian ko kung lilisan ako.. paano na sila tinker bell.

(a/n: huy raffie adik lang? kaharian mo? sa mental ka eh)

aray naman sa mental talaga? yaan mo na ako pov ko naman to eh

"Ahhhhhhhhhh!!! Nakakaloka naman, oh! Papano ba ako kikita ng pera?" sigaw ko na parang takas lang sa mental

Ang hirap naman kasi talaga pag walang pera. nakakaloka kaya. di ko mabili ang mga gusto ko. di naman ako makahingi sa ate ko paano ba naman kasi kada papasok ako sa kwarto nya kung hindi busy sa cp dahiul may kausap busy naman sa laptop dahil may ka chat. ewan ko ba sa ate ko parang may hidden business

"Hoy! Ang aga-aga nambubulabog ka! May natutulog pa!" sigaw ni ate Lorraine sakin habang naka silip sa may pinto ng kwarto nya

"Eh, kasi naman ate, gusto kong magtrabaho para kumita ng pera para may pambili ako ng mga gusto para may pangkain ako para maayos ko ang buhay ko!" dirediretso kong sabi

"Huminga ka muna! Ang daldal mo talaga sis! Di ba uso ang period sayo? Trabaho ba? O ayan! Puntahan mo yan!" sambit ni ate 

pumasok sya ulet sa loob ng kwarto nya sabay sara ng pinto

ay ang ganda talaga ng ate ko saraduha daw ba ako? itng diwatang gaya ko sinasaraduhan ng pintuan? wow ha!

maya maya pa lumabas si ate sabay bato sa akin ng isang papel

Binasa ko ang nakasulat doon. Heller alangan namang titigan ko lang yun. Tapos naging ganito ang itsura ko, oh.

O_O

"wanted diretor's helper. 10,000/month" masayang sabi ko sabay yakap kay ate

sa wakas ito na yunh this is it! ramdam ko eh na fe feel ko na dito na magbabago ang buhay ko. sa LEE ENTERTAINMENT magbabago ang buhay ng isang DIWATA!

"Sige puntahan mo na yan!" sabi ni ate sa aki. ano ba naman si ate nag iimagine pa ako eh

panira ng moment eh.

"Ate, wait and see sisikat ako dito. Malay mo kunin din nila akong talent nila diba? Sa ganda kong to. Well, I have the looks! Mana ako sayo, eh!" pabiro kong sabi

"Talent? Ikaw? Ano namang show bibigay nila sayo? 24/7 talk show non-stop? Sa daldal mo ba namang yan. Naku baka pati artista mabingi at ma-OP sayo! Sis helper lang papasukan mo. Wag assumera ha?" natatawang sabi ni ate

aray sya po ang napaka supportive na ate sa balat ng lupa bait nya diba? assumera agad? hindi ba pwedeng nangangarap lang muna


"pero its up to you if you will use some trick to climb to the top!"

ANO DAW?

anong pinagsasabi ng ate ko? use some trick? ano ako magician?

"huh ate? ano yun di ko gets?"

"slow mo! if i were you gagawin ko lahat makuha ko lang ang want ko. raffiel go!"


Ewan ko ah pero kinakabahan ako sa sinasabi ni ate yung tono pa ng pagsasalita nya para bang alam mo yun daig pa kontrabida sa mga palabas.

"ano?"  sabi ko sa ate ko

"wala ewan ko sya raffiel!"

"Ah basta! Sige ate pupuntahan ko na to! Byebye!" sambit ko sabay takbo palabas ano ba naman kayo di ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. malay nyo dito ko ma meet ang destiny ko. kaso na bo bother ako sa sinabi ni ate eh

"pero its up to you if you will use some trick to climb to the top!" 

"pero its up to you if you will use some trick to climb to the top!"

para akong ewan sabi nga ng kanta ni bieber "WHAT DO YOU MEAN?" hirap basahin ni ate minsan eh

 

Lorraine's POV

raffiel let see if magagawa mo. para hindi na ako mahirapan pa. this is the time..


"Ate! Ate! Ate!" sigaw ulet ni Raffie

"Ano?" tanong ko

"Samahan mo nalang kaya ako papunta doon!" yaya ng kapatid kong lokaret

hindi pa ito ang tamang oras eh. so hindi muna ako papayag

"Ayoko! Ikaw nalang. May gagawin pa ako dito. Sige na umalis ka na!" sigaw ko sa kanya at ayun tumakbo na ang loka

Kelan ba titigil yang kapatid ko sa pagtakbo uso naman ang mga sasakyan. Hayys, partida may sakit pa sa puso yan.

actually hindi naman ako na gu guilty eh bakit naman? binigyan ko lang naman ng work si raffiel at after that madali na lang ang lahat para sa akin. hindi na ako mahihirapan pa.

"Sis, sorry" sabi ko dun sa pic ni Raffie

Raffie's POV

Aba at wala na akong sinayang na panahon! Takbo dito takbo doon at tadan! Nakarating na ako sa Lee Entertainment

TAKE NOTE: TUMAKBO PO TALAGA AKO MULA BAHAY HANGGANG DITO! TIBAY KO NOH! KAYA NYO YUN?


OO_OO

opo ganyan ang muka ng inyong mahal na diwata ng makita ko ang building ng papasukan ko..

(a/n: sigurado kana ba na matatangap ka?)

ano ba author tiwala lang noh!

Ulalala woooooowwww!! Ang laki ng building daig pa yung mga nasa palabas sa t.v. Pasensya na kung inosente ang peg ko, ah. Sa ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki, eh

Pumasok ako sa loob at nagtanong

"Excuse me, Miss. Saan po ang office ng Director?" mabait kong tanong

"Ewan! Di ako tanungan, noh! Sorry I don't talk to strangers, eh. Chao!" mataray na sabi nung girl na may jacket nakalagay Allison

"Hmp. Taray! Sorry I don't talk to strangers, eh. Chao!" panggagaya ko dun sa babae sabay make face

Dahil wala akong makausap na matino, ayun sariling sikap akong hanapin ang office ng DIRECTOR kahit napakalaki ng mundong ito este ng building na to!

uso naman magtanong eh kaya lang wag lang sa mga kagaya nung babae kanina. hmmpp.. gagamitin ko na lang ang diwata powers ko sa paghahanap kay director nim. hahahaha

i will introduce my self again. IM RAFFIEL KLEI "DIWATA" VALDERAMA, yung kausap ko kanina si ate lorraine. kapatid ko. well sabi nila di daw kami magkapatid ni ate kasi di daw kami mag ka muka


mas maganda ako sa kanya hahaha.. pero ui blood related kaya kami.. yun na nga DIWATA AKO.. kaso lang mahina ang puso ko eh kaya nga until now ayun nag aalangan pa akong magamahal ayyyy mahal talaga yung word ko eh aieee pasensya na kayo sa akin hyper eh. cge mamaya na ulet anyeong!!!!!!



F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon