Blake ’s P.O.V
Hindi ko lubos maisip na ang pinakatagotago kong lihim eh mabubunyag sa isang iglap lang. oo matagal ko ng alam yun kaya nga hinanap ko si sky at kaya nga noon pa lang matagal ko na syang gusto kasi gusto ko syang alagaan pero hindi ko magawagawang sabihin ito sa kanya dahil natatakot ako nab aka mawala sya sa akin pero dahil sa babaeng yun nasira lahat ng pinagsamahan namin……
Kasalukuyan kong hinahabol ngayon si sky….
“sky please let me explain!!!” sigaw ko sa kanya
Pero hindi nya ako nililingong at dire diretso sya sa pagtakbo kaya naman muntikan na syang masagasaan
“sky ano ba. Pakinggan mo nga muna kasi ako!!” galit na sabi ko
Nag aalala na kasi ako eh tapos muntik pa syang mabanga ng sasakyan….
“ayoko ng makinig sa mga kasinungalingan mo! Layuan mo ako!!! Hindi na ako magpapaloko sayo! Bakit blake? Hindi ka pa ba kontento na nawala yung magulang ko sa akin!” umiiyak na sabi nya
“look sky hindi ko kasalanan ang pagkamatay ng parents mo.. parents ko ang may kasalanan dun at pinag sisisihan na nila ang ginawa nila.. accidente lang naman kasi yung nangyari noon!” paliwanag ko sa kanya
Alam ko namang hindi nya ako pakikingan eh pero kahit ganun kailangan kong magpaliwanag…
“accident? Accident bang masasabi yung na hit and run ang parents ko? Alam mo kung gaano kasakit sa akin nung nawala sila….!!! Kaya please lubayan mo muna ako!!!!” umiiyak na sabi pa ni sky
Tumayo na sya at saktong aalis na pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya
“sky ayokong mawala ka ulet sa akin… sorry kung hindi ko nasabi sayo to dahil nga natatakot ako nab aka magalit ka at baka iwanan mo ako” paiyak na sabi ko
“sorry? Sana pwedeng ibalik ng sorry mo ang parents ko at sana pwedeng pagalingin ng sorry mo ang sugat ng puso ko… natatakot ka nab aka magalit ako pag di mo sinabi? Pero hindi ka natakot na baka mas magalit ako pag nalaman ko sa iba yung totoo…blake mahal kita pero ikaw? Ano ba ako talaga sayo? Tama na muna.. masyadong masakit eh.. hindi ko matangap!!!” sabi nya at binitawan na nya ang kamay ko
The moment na binitawan nya yung kamay ko biglang pakiramdam ko nawala ang mundo ko. Pakiramdam ko naglaho ang buhay ko.. hindi ko kayang mawala sya sa akin pero habang nakikita ko syang lumalayo sa akin lalo akong nasasaktan…. Sana pala noon palang sinabi ko na sa kanya ang totoo para hindi na humantong sa ganito na parehas na kaming nasasaktan….
BINABASA MO ANG
F-Connect (Frienship-Connection)
Ficção Adolescente"people fall inlove without knowing why or how. Its because love is a special feeling that doesn't requires much answer." Naniniwala ba kayo sa kasabihang kailangan mo munang masaktan bago mo makita ang tunay na kaligayahan? Ang weird diba? Pero gan...