Chapter Eight [HURT, IN LOVE AND JEALOUSY]

43 0 0
                                    

Skylar's POV

Eto kami ngayon nagpapractice. Takte naman oh! Ang tagal tagal ng practice. Paulit-ulit naman. Hello! Kanina ko pa kabisado yung sayaw. Ano ba yan!!

"Let's take five!" sabi ko kay Light

"Okay! Nice one, Skylar! Ang dali mo palang turuan" pabirong sabi ni Light

"WHATEVER!" mataray na sabi ko sabay alis

"Oh, tubig!" abot sakin ni Blake

"Anong gagawin ko dyan?" masungit kong tanong

"Try mo titigan baka sakaling maubos yan! Malamang iinumin mo!" pambabara sakin ni Blake

Astig ng alalay ko noh? Sarap tirisin! dahil sa kanya ang dami dami ko tuloy nasasabi eh..

"Di ako nauuhaw!" mataray kong tanggi

"Papakamatay ka ba? Ano gusto mo ma-dehydrate? Inumin mo na nga yan!" galit na  sabi niya

wow ano bang problema nitong lalaking to. maka sigaw. at sya pa ang galit ah

"ayoko!" walang emotion na sabi ko sabay kuha ng towel ko

"grabe tao ka ba? di ka nauuhaw? ay i forgot di ka pala tao. yelo ka nga pala." asar pa ni Blake

tinitigan ko lang si blake ng masama pero sa isp ko pinapatay ko na po sya promise na iinis na ako eh

"alam mo sky maganda ka sana eh kaya lang laging lukot ang muka mo. ano araw araw biyernes santo sayo? wag ganun. nakakatanda ang sobrang sungit" asar pa niya sakin

"Tama siya Blaze!" sambit ng isang pamilyar na boses

Paglingon ko sa left side ko nakita ko si Renzo. kung kanina naiinis ako well ngayon mas lalo akong naiinis!

"ano ka?" malamig na sabi ko

simula nang mangyari yung isang bagay naging ganito na ako lalo na sa taong kaharap ko ngayon. kahit mahal ko pa sya hindi ko masabi. i need to be strong kahit nasasaktan ako!

"ano ako? sky until now ba...?" sabi nya sa aki

hindi ko na sya pinatapos mag salita nilagpasan ko na lang sya at saka lumapit sa P.A ko

"among yelo! anyare sayo? war ba kayo nun?"

 di naman sinabi sa akin ni drake na may pagka chismoso din tong P.a ko eh

"pwede ba wag kang chismoso okay!" inis na sabi ko.

"wow ate! nakakapagsalita ka pala ng mahaba akalain mo yun?"

nako naman isa pa ito. kaka badtrip ah. inaasar na nga ako ng pa ko pati ba naman kapatid ko abay bigyan ng isang suntok yan..

"tsk" yan na lang ang nasabi ko sa super inis ko at nakita ko si renzo na nakatingin sa akin. pero iniwasan ko na lang sya..

Kurt's POV

Matapos ng landian eto na at nakaratin na kami sa studio. Nandun na pala sina insane. Sa mga di pa po nakakaalam, pinsan ko po si Skylar at Allison.

"Ano tara na sa loob" yaya ko kina Alice

"Teka lang. Balik nalang tayo bukas. Ang daming tao, eh!" pigil sa amin ni Alice

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon