Chapter Twenty Two [Slaves]

21 0 0
                                    

Raffie's P.O.V

Wow naman sa loob ng isang lingo slave namen sila? Yahoooooooooooooooooooooo di ko alam kung matutuwa ako o matutuwa eh! Si drake alalay ko saan ka pa? Kinikilig ako grabe!!!! Di ko alam ang reason ni sky kung bakit nya ginawa yun pero natutuwa talaga ako! Pag pasok ko sa room naming mga girls di ko maiwasang dumaldal eh

"s...sigurado ka bas a gusto mong mangyari sky?" ayan di ko na talaga maiwasan ang kadaldalan ko

"oo!" malamig na sagot ni sky 

Tss kahit kelan ang tipid sumagot ng babaeng to inisin ko kaya baka sakaling madami syang masabi hahaha just kidding..

"pero bakit?" tanong ko ulet

Humarap siya sa akin at binigyan ako ng *di ka batitigil sa kakatanong look*

"kunwari pa kayo?" mataray na sabi ni skylar

huh? ano na naman bang pinag sasabi ng babaeng to? ano na naman ba ang gusto nyang iparating?

"what?" sabi ni rhiame

"plastik! gusto nyo din naman diba? tama ako diba ALICE?" madiin na pagkakasabi ni sky sabay titig ng masama kay ahlice Hala parang may di magandang mangyayari ah

"huh? What do you mean?" taking tanong ni alice

"oh come on! For sure lumulundag yang puso nyo lalo kana alice dahil ikaw ba naman pagsilbihan ng isang RENZO MIEL TAN dba? Ang saya saya mo siguro noh! masarap sa feeling ng EX BOYFRIEND KO?" bitter at galit na sabi ni sky

napaka taray na sabi nya but wait anong sabi nya? ex nya si renzo?

What?  Ang gaya nya pinatulan ni renzo? Unbelieveable paano nangyari yun?

"e...e..ex mo si renzo?" sabay na sabi naming ni rhiame

"oo may angal? Kaya kung ako sayo alice make sure lang na kaya mong pantayan ang pagmamahal na binigay ko sa kanya nung kami pa kasi kung hindi ngayon palang sinasabi ko na TIGILAN MO NA ANG KABALIWAN MO!"

Medyo masakit yung mga sinabi ni sky grabe nakakabigla yun ah! Kawawa naman si alice

Bago humiga si skylar sa kama nya nagsalita muli si alice

"hindi man kita kayang pantayan sa pagmamahal na binigay mo kay renzo pero alam kong kaya kitang higitan! Dahil ang tunay na pagmamahal hindi maka sarili at handang tangapin ang lahat! Saka kung ginawa mo na ang lahat para sa kanya hindi ka nya iiwan sky!"

Akalain nyo yun ang gaya ni alice na mabait at napaka angelic eh makakapagbitaw ng ganung salita! Natameme ata si sky nun ah!

pero i saw something in sky's eyes! tama ba yun o namamalik mata lang ako nakakita ko eh may luha sa mata nya ang ice monster na si sky marunong din umiyak?

"wala kang alam alice! Pero sige pagbibigyan kita ngayon! Hindi masama ang umasa pero ako na ang nagsasabi sayo pag ang puso nayan napagod sa kaaasa ikaw lang ang masasaktan! Martyr ang peg mo then go a head!"

"ahm excuse me lang ah! Hindi nyo kailangang magtalo sa love nayan! Lahat naman kayang gawin ng love! Kaya nyang baguhin ang mga bagay bagay sa paligid natin at kaya nyang palitan ang nakaraan. Kung ang past ang basihan mo sky then forever ka na talagang masasaktan pero kung matutuo kang mag step forward malay mo makilala mo yung mas better! May rason kaya kayo naghiwalay ni renzo!!" kinakabahang paliwanag k okay sky

Sa haba haba ng sinabi ko di man lang pinakingan ni sky at ayun natulog na sya nakakainis na talaga sya ang manhid nya


SKY'S P.O.V

aaminin ko tinamaan ako sa mga pinag sasabi nila specially ang sinabi si akin ni alice. hindi ako tanga para hindi makita ang mga nangyayari i know she likes renzo at nararamdaman ko din naman na may something si renzo sa kanya kaya nga naiinis ako. bakit sila nagagawa pa nilang tumawa? bakit nagagawa pa nilang mag mahal? samantalang ako ito hindi makalimutan ang nakaraan. paano naman yung puso ko na nagmamatigas lang pero umaasa pa din na mamahalin pa ng isang renzo miel tan. 

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon