Chapter Fifty Two [Kilig Moments and Happenings!]

9 0 0
                                    

Allison's  P.O.V

Sabi naman sa inyo eh yang ate ko masyado lang pa choosy pa hard to get ang tema nya.... Pero sa huli ayun naging sila din... Masaya ako para sa kanya..... at least diba Masaya na sya ngayon..... sana nga lagi na lang syang Masaya.... Speaking of Masaya!!!! Asan na naman ba si yoosoon? Kahit kelan talaga yang lalaking yan parang kabute!!!!!!! Biglang susulpot tapos biglang mawawala!!!!! Kung di ko lang mahal yun mapapatay ko na talaga yun

"Allison si yoosoon ba ang hinahanap mo?" ask sa akin ni drake

"oo eh nakita mo ba sya?" matinong tanong ko sa kanya

"aeieee ikaw ah!!! Di mo lang Makita si yoosoon ng isang araw hinahanap hanap mo na aeieeee!!!" biro sa akin ni drake

Luh? Alam mo ba yung matino kang nagtatanong tapos biglang ganun yung isasagot sayo asar lang diba?

"he-he-he sige lang mang inis ka drake. Asan nab a kasi sya? Kanina ko pa sya hinahanap eh!" pikon na sabi ko

"hindi mo naman kailangang mapikon kasi hindi naman kita tatakbuhan..." malambing na sabi nung lalaking nasa likod ko

Napa smile ako ng palihim then lumingon ako sa likuran ko na may galit effect

"wow ha! Kanina pa ako nag hihintay sayo ano wala ka bang balak mag pakita sa akin?" inis na sabi ko

Lumapit sya sa akin sabay hawak sa kamay ko

"nagtatampo ka na naman eh. Sabi ko sayo wag kang sisimangot kasi lalo kang nagiging cute! Sorry na okay!" sabi nya sa akin sabay halik sa kamay ko

"hmm bolero!" sabi ko

Ngumite sya then umakbay sa akin

"pero aminin mo sa bolerong gaya ko na fall ka at ako lang ang nag iisang bolerong nagmamahal sayo ng seryoso!"

Alam nyo yung pakiramdama na pwede na akong mamatay sa super kilig. Hindi naman ako dati ganito pero pag si yoosoon ang kasama ko ayun gumaganda ang mundo ko at hindi maiiwasang hindi ako kiligin....

"hay naku ang kulet nyo talagang dalawa. Umalis na nga kayo kung may lakad kayo!" sambit ni drake sa amin

"sige kuya medyo mag da date muna kami...." Naka smile na sabi ni yoosoon

"sige pero don't forget yung mamayang gabi ah!" pagpapaalala ni drake

"okay!" sabay na sambit namin ni yoosoon at ayun umalis na kami na mag ka holding hands... ang saya ng feelings... mamatay sa inggit ang mga babaeng naghahabol sa kanya hahahahaha.......

"Allison I love you!" out of nowhere na sabi ni yoosoon

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya

"huh?" takang sabi ko

"ang sabi ko I love you!" ulet uli ni yoosoon

"ah okay!" sabi ko at aalis n asana ako ng bigla nya akong hinawakan sa braso

"bakit?" sambit ko

"wala man lang response?" pa cute na sabi nya

"pa cute ka pa dyan. I love you too!" sambit ko

At ayun nag smile sya sa akin sabay hug sa akin. Ang lalaking to ang hindi ko kayang mawala sa akin..... dahil pakiramdam ko sya na yung lalaking para sa akin habang buhay. I know walang forever pero why not? Bakit hindi natin subukan ang salitang forever diba?

Raffiel's  P.O.V

Haist.... Gumising ako ng maaga para makapunta kay drake pero bago yun magluluto muna ako ng foods para sa kanya.. aeieeeeee h0ow romantic

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon