Chapter Forty Nine [Back to Manila]

11 0 0
                                    

Blake's P.O.V

kagabi mag kausap kami ni shane.. hay naku.... maaga ako nagising at lumabas muna ako Na miss ko ang lugar na to..... pero ayun aalis na din sila eh agad agad... last day kagabi kaya nag party sila. Tinawagan ako ni Allison para pumunta. Since hindi naman ako busy ayun pumunta na ako kasama si shane... pero ang ikinagulat ko eh ang mga kinikilos ni sky. Ang weird nya kaya kagabi.... Ang sarap tuloy mag assume na kaya sya ganun kasi nag se selos sya at kasi mahal nya ako... hay naku sana lang pede pa diba? Habang papunta ako sa kusina nakita ko si sky na nandun.....

Nagluluto sya? Alam ko marunong syang magluto pero hindi nya ugali ang magluto... mukang iba na nga talaga si sky...na gu guilty tuloy ako sa sinabi ko kagabi na hindi pa din sya nag babago

"ouch!" sabi nya

Lumapit ako sa kanya

"patingin nga?" sabi ko sabay kuha sa kamay nya at tinignan yung sugat

Nahiwa nya lang naman ng kutsilyo yung daliri nya.

"sa susunod mag iingat ka para di ka nasasaktan!" pag aalalang sabi ko

Tinitigan nya lang ako saka inalis yung kamay nya sa pagkakahawak ko.

"alam ko!" malamig na sabi nya

Hala yan na naman yung cold sky... pag ganyan sya mahirap na syang palambutin...

"ako na ang mag luluto dyan. Gagawa ako ng favourite mong garden salad!" sambit ko

Pero nagulat ako sa sinagot nya sa akin

"hindi na ako nakain non! Ayoko nun.!" Sabi nya saka lumabas ng kusina

Nakapagtataka naman si sky, hindi na nakain ng ganun? Ano bang nangyayari ngayon? Paki explain naman kung alam nyo....

Ayun nagluto na lang muna ako after nun tinawag ko na sila para mag breakfast..

"hmmmm mukang masarap ang breakfast ah!" masayang sabi ni raffiel

Pagdating talaga sa pagkai laging masigla si raffiel nakakatuwa talaga sya.

"what do you want raffiel?" ask sa kanya ni drake

"Belgian waffle saka hot chocolate!" sabi ni raffiel

At ayun pinagsilbihan ni drake si raffiel. Ang sweet nga nilang dalawa. Para na silang mag asawa eh..

"ahlice, may dumi ka sa muka!" sabi ni renzo saka nya pinunasan yung chocolate na nasa may gilid ng labi ni ahlice

"thanks.. ito ma kainin mo mas masarap to..." sabi ni ahlice sabay subo ng food kay renzo

Itong dalawa naman na to una nagkakahiyaan pa pero sweet na sweet naman sa isat isa. Simpleng mag boyfriend at mag girlfriend.

"ma, hindi ako nagugutom eh!" seryosong sabi ni light

"bakit pa? may sakit ka ba?" pag aalalalng sabi ni rhiame

"wala. Paano kasi Makita palang kita busog na busog na ako!" booommmmmm kahit kelan talaga mga banatan n g pinsan ko ang corny..

"loko loko ka talaga. Kain na!" sabi ni rhiame

Kung sila drake parang mag asawa na eto hindi lang parang kundi aakalain mong 20 years ng mag asawa... ang cute nilang tignan..

"Allison subuan mo ako!" pag papa cute ni yoosoon

"umayos ka nga.. kumain ka dyan!" simpleng sabi ni Allison

"eh ano bay an dali naman na!" pagtatampo ni yoosoon

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon