Skylar's P.O.V
Peste bwisit nakakainis arghhhhhhhhhhh
Ito na pala ang uso ngayon. Ikaw na nga ang tumulong ikaw pa ang lalabas na masama wow lang ha! Bakit ba lahat ng tao ganun hindi muna alamin ang totoong nangyari bago manghusga. Nakaka pikon lang ah....... Dahil sa sobrang inis ko tumakbo ako papalayo pero habang tumatakbo ako nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at pananakit ng braso ko
Huminto ako sa pagtakbo at napaupo sa isang tabi.
May sugat ako sa braso at parang napilayan na ata ako i saw some blood in my head. Umiikot na ang panigin ko. Kailangan kong kayanin to.
Grabe inuna pa nilang sumbatan ako kesa tanungin kong okay lang ba ako. Ibang klase talaga. Dahil sa nahihilo na ako at medyo nanghihina na din ako hindi ko na alam kung saan pa ako dadaan nito. Bahala na kung saan ako mapapadpad. Lakad lakad lakad hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi sakit ng katawan kung di sakit ng puso. Tao din ako at hindi porket malakas ang panlabas ko eh malakas na din ang panloob ko. Nasasaktan din po ako. Pinipilit kong maging malakas para itago lahat ng sakit na nararamdaman ko at yun ang hindi nila maintindihan. Nasasaktan ako ngayon dahil walang naniniwala at walang nag aasikaso sa akin. Yung taong dati kong minahal ayun may iba ng gusto at yung taong tinuring kong kuya at kaibigan ayun sobrang galit sa akin. Pakiramdam ko tuloy mag isa na lang ako.
Ayoko ng ganito hindi ko kaya!!!!!!
Sinabayan ko na ang malakas na buhos ng ulan ng malakas na pag iyak habang naka upo sa gitna ng kawalan.
Blake's P.O.V
Malakas na ang ulan lahat nasa loob ng bahay at lahat abala sa pag aalaga kila raffie at alice
"pasensya na kayo sa ginawa ni sky kanina!" sabi ni drake
'walang kasalanan si sky ang totoo nyan tinulungan nya lang kami ni alice kasi kawawa na kami kila Ashley. Dumating sya para protektahan kaming dalawa! Kaya wag na kayong magalit sa kanya!" paliwanag ni raffie
"wag nyo na syang pagtakpan!" sambit ni renzo
"hindi namin sya pinagtatakpan totoo ang sinasabi namin. Baka nga sya ang mas maraming natamong sugat kasi lahat ng pananakit nila Ashley sinasalo nya at lahat ng tatama sa amin sya din ang nag sasalo!" sambit ni alice
"kialala ko si sky hindi sya makikipag away at hindi sya magagalit ng walang dahilan. Kaya baka tama nga ang sinasabi nila raffie. Inuna nyo lang ang pag aalala nyo kaya hindi nyo sya pinakingan!" sabat ko sa usapan nila
Actually naiinis ako sa kanila dahil parang baliwala lang sa kanila si sky. Samantalanag ako nag aalalal na ng sobra sa kanya. Hindi masamang tao si sky. Mahirap lang talaga syang unawaiin sa umpisa.
"bakit ba hindi ka mapakali dyan?" tanong ni Arvin
"wala pa kasi si sky. Malakas na ang ulan oh!" pag aalalang sabi ko
"hahanapin ko sya!" prisinta ni renzo
Bago pa sya makalabas ng bahay at bago ko pa sya awatin nakita na naming si sky na nag lalakad basing basa ng ulan, sugatan at puro dugo ang kamay!
Dali dali kaming tumakbo sa kanya
'sky ayos ka lang ba? Anong masakit?" pag aalalang sabi ko
Pero hindi nya ako pinansin at dire diretso sya sa pagpasok ng bahay
"sky, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang ayos mo? Halika gamutin natin yung sugat mo!" sabi ni renzo
Pero tinaboy lang ni sky si renzo

BINABASA MO ANG
F-Connect (Frienship-Connection)
Teen Fiction"people fall inlove without knowing why or how. Its because love is a special feeling that doesn't requires much answer." Naniniwala ba kayo sa kasabihang kailangan mo munang masaktan bago mo makita ang tunay na kaligayahan? Ang weird diba? Pero gan...