Chapter Four [MY DESTINY]

39 1 0
                                    

Raffie's POV

Napaka-hardworking ko naman at talagang inikot ko pa ang buong building na to. Daig ko pa si Dora na naglalakwatsa, eh! hindi ko naman kasi pwedeng gamitin ang diwata powers ko baka mahumaling lang sila sa akin eh hahha. Hanggang may makabangga ako

*boogshhh*

"Aray! Di ka ba natingin sa dinadaanan mo?" nakayuko kong sabi na nakahawak sa ulo. Nalaglag ata ang brain ko

"Ahm, sorry Miss! Are you okay?" malumanay na sambit nung lalaki

"Mukha ba akong O......K..... Hehehehehe. Okay lang ako!" Luh? Ang landi mo talaga, Raffie! Nakakita ka lang ng pogi biglang naging okay ka na

Gulaaaayyyy! Bakit ang gwapo ng nilalang na ito? OMG help me. I can't fight this feeling anymore at baka mawala na ko sa katinuan!sya na ata ang DESTINY KO!!! oh my gosh!! DO MIN JOON IS THAT YOU? bilga tuloy akong nakarinig ng sound (you are my destiny ost ng my love from the star) Nose bleed attack!!

"Miss, ayos ka lang ba? Miss!" yugyog sa akin nung cute guy

"Okay lang ako. Medyo naliligaw kasi ako, eh. Saan ba ang office ng DIRECTOR? Mag-aaply kasi ako as helper. Wait. Talent ka ba dito? Grabe, ang gwapo mo naman!" madaldal kong sabi

Spell FC?

R-A-F-F-I-E

pasensya na kayo alam nyo naman si ako eh. DIWATA nga kasi kaya ganyan ako basta gwapo kaharap ko alam na this.

"Samahan nalang kita sa office ng DIRECTOR. Tara" nakangiting sabi niya

OMG! Koyyaaaa! Wag kang mag-smile baka himatayin na ako! Ang killer smile na yun. Kill me now! Please!. mag kakasala ako sa mga prinsipe ko eh. baka magwala si sehun, jackson at nickhun sa akin eh....

Sumakay kami sa elevator pero ang pinagtataka ko nung sumakay kami ang daming taong nakatingin sakin and they are giving me the Who's-That-Girl look

"Ahm, bakit ganun sila makatingin sakin?Di naman ako mukhang masama di ba? Mukha ba akong adik or what?" pabirong tanong ko kay koyyaaa. baka naman nahahalata na nilang hindi ako isa sa kanila. diwata nga kasi ako eh

Nag-smile na naman siya. Grabe eto na talaga ang weakness ko: His Smile. Waaaahhh! insert fireworks eyes!!!!!

"Don't mind them. Inggit lang yung mga yun" sabi niya sabay wink sakin

*Lubdub Lubdub Lubdub*

Hala sya? Ang aking heartbeat naging abnormal na. Parang may drums sa loob. OMG na-love at first sight na ata ako sa earthling na ito. Mukha siyang model. Ang gwapo niya and mukhang educated. Naku Raffie kelan ka pa natutong lumandi?

"Kelan ka pa dito sa entertainment na to? Balita ko yung may-ari daw nito napakabait at super pogi din. Nakita mo na ba yun? For sure, mapapanganga ako pag nakita ko sya. Imagine ang laki niya magpasahod. Siguro super yaman talaga yun. Galante!" kwento ko sakanya

Raffie hindi ka din madaldal noh? Buti nalang nakangiti pa rin sya kasi kung ibang tao tong kasama ko malamang kanina pa ako simapak sa super ingay ko

"Ilang taon ka na pala?" nakangiting sabi niya

"19 na ako. Di nga lang halata kasi sabi nila mukha na daw akong matanda. Losyang daw kasi ako, eh" paliwanag ko

"Losyang? Ano yun?" inosenteng tanong niya

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon