KABANATA 3—The Mission
"CREAMY, NAKIKINIG ka ba?!"
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Goddess M. Dahil nga mukhang totoo ang mga sinabi sa akin ni Goddess M kanina tungkol sa kanya at sa nangyayari sa akin, naniwala na ako. Wala naman atang mawawala sa akin kung susubukan kong makinig, e. Isa pa, baka nga alam niya kung paano ako muling makakabalik sa katawan ko. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi pa ko handang mamatay, e. Masyado pa kaya akong bata!
"Kung ayaw mong ilaan ang atensyon mo sa akin at makinig sa mga sinasabi ko, mukhang wala na talaga tayong dapat pag-usapan."
Na-alarma ako nang bigla na lang tumayo si Goddess M. Nandito pa rin kasi kami sa rooftop ng ospital kung nasaan ako dinala matapos kong maaksidente. Nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya, e. Medyo naguluhan nga lang ako do'n sa part na pinapaliwanag na niya kung paano ba talaga ako makakabalik sa katawan ko.
"S-sorry na. May mga iniisip lang kasi ako." sabi ko at muli siyang hinila paupo.
"Alam ko." 'yon lang ang sinabi niya at muli akong inirapan.
Do'n ko lang na-realize na nababasa niya nga pala yung mga iniisip ko.
"'Wag kang mag-alala dahil may kakayahan din naman akong i-turn off ang kapangyarihan kong basahin ang iniisip niyo kapag gusto ko. So, 'yon nga. Sa misyong 'to, dalawa ang kailangan mong magawa."
"Dalawa?"
"Hindi mo talaga ako pinakinggan simula sa part na 'yan? Jusme naman. Ang haba-haba ng explanation ko diyan tapos hindi ka naman pala nakikinig. Ka-stress ka, girl, ah."
"Sorry na, Goddess M. Paulit na lang, please. Promise, makikinig na ko."
"Ano pa nga bang magagawa ko kundi ulitin ang mga sinabi ko simula umpisa, 'di ba?"
"Sorry..."
"Okay, katulad ng sinasabi ko kanina. Sa misyong isasagawa mo, dalawa ang kailangan mong mapagtagumpayan. Una, ang mahanap ang lalaking makakatulong sa 'yo para sa totoo mong misyon."
"Lalaki? Tutulong? Totoong misyon? Teka, hindi ko maintindihan."
"Gan'to kasi 'yon. Alam mo naman na masyadong complicated ang buhay mo, 'di ba? And unfortunately, iisang lalaki lang ang makakatulong sa 'yo para magawa ang misyon mo at makabalik ka na sa katawan mo."
"Kung gano'n, sino namang lalaki 'yon?"
"Aba, malay ko! That's for you to find the unlucky guy."
"At bakit naman unlucky guy?"
Sinamaan ko siya ng tingin nang magkibit-balikat na lang siya biglang tugon sa tanong ko. Aish. Bakit ba kasi parang ang malas ko? Makakakilala na nga lang ako ng isang Goddess, yung may attitude pa? Kung hindi ko lang 'to kailangan para makabalik ako, kanina ko pa 'to—
"Naririnig kita, Creamy Cortez."
Nag-peace sign na lang ako sa kanya saka pinagpatuloy ang pakikinig.
"Kapag nahanap mo naman na ang lalaking—"
"Sandali lang."
"Ano na naman 'yon?"
"Wala ka talagang ibibigay na picture sa akin ng itsura ng lalaking sinasabi mong kailangan kong hanapin?"
"Creamy, kahit ako, hindi ko alam ang itsura nung malas na lalaking 'yon."
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?