KABANATA 4—Operation: Finding the Unlucky (?) Guy
DALAWANG LINGGOna akong palakad-lakad sa kung saan-saan, para lang hanapin yung sinasabi ni Goddess M na lalaking makakatulong sa akin. Buong akala ko, madali lang ang paghahanap sa lalaking 'yon. Hindi naman pala. Kung saan-saan na ako napadpad at kung anu-ano na rin ang mga napagdaanan ko. Actually, marami na nga akong na-discover sa pagiging multo, e. Mga bagay na hindi ko inaasahan na talaga namang sobrang weird and to enumerate kung anu-ano ang mga 'yon:
1. Napapagod pa rin pala kami
2. Puwede rin kaming matulog
Sa halos dalawang linggo kong palakad-lakad at patagos-tagos sa kung saan-saan, ilang beses din akong nakaramdam ng pagod. Syempre, nagpahinga ako dahil do'n. Isa pa, hindi ko inaasahan na puwede pa rin pala kaming matulog. Naramdaman kong hindi naman siya required pero kung trip mong matulog, ayos lang naman.
3. Hindi naman namin kailangan ng pagkain pero puwedeng-puwede pa rin kami kumain
Namangha rin ako na puwede pa pala kaming kumain. At katulad din sa pagtulog, hindi naman siya required pero kung trip mo, go. E, ako pa na isang food lover. Syempre, g na g ako! Kung tatanungin n'yo kung saan naman ako kumukuha ng pagkain sa mga nakalipas na araw, hindi ko kayo sasagutin. Bahala kayo diyan.
4. Hindi na kami nasasaktan
5. At higit sa lahat, hindi na kami namamatay ulit
Ito ang pinaka-na-astigan ako sa pagiging multo ko, so far. Biruin niyo, hindi na pala kami nasasaktan? Isang beses kasi, hindi ko sinasadya na mag-stay sa gitna ng kalsada, e, hindi ko naman alam na may ten-wheeler truck palang padating kaya ayon, nasagasaan ako... pero hindi naman ako nasaktan. Tumagos lang naman kasi yung truck sa akin. Simula niyon, nag-try na ko ng kung anu-anong mga nakakatakot na gawain—katulad ng tinry kong tumalon mula sa 32nd floor. Well, adventurous naman kasi akong tao. Isa pa, I am the type of person who loves taking risk. At dahil hindi na nga kami nasasaktan, na-realize ko rin na hindi na rin pala kami namamatay ulit (alam kong ang weird ng naisip ko sa part na 'to).
Sa muling pagkakataon, napagod na naman ako kaya naisipan ko munang umupo. Wala akong makitang pu-puwedeng maupuan kaya sa may lapag na lang ako umupo. Pakiramdam ko kasi wala na kong lakas na loob para maglakad pang muli. Sa pag-upo ko, out of the blue, naalala ko yung isa sa mga paalala sa akin ni Goddess M tungkol sa misyon ko.
"Thirty days, Creamy. I will only give you thirty days para maisagawa ang buong misyon. Tandaan mo, buhay mo ang nakataya dito. It's either mapapagtagumpayan mo ang misyon mo at makakasama mong muli ang pamilya mo o mabibigo ka at tuluyan mo na silang iiwan. Sa mga kamay mo nakasalalay ang mangyayari sa 'yo at syempre, sa puso mo na rin."
Thirty days lang ang binigay niya sa akin at labing-pitong araw na ang nawala. Mayroon na lang akong natitirang sixteen days at hindi ko na alam kung magtatagumpay pa ba ako sa misyong 'to.
Naalala ko rin ang sinabi niyang kailangan kong matutong humingi ng tawad at magpatawad sa mga taong nasaktan ko at nasaktan ako. Dahil tuloy do'n, naalala ko ang mga ilang pag-aaway namin ng pamilya ko.
"CREAMY, ANO ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Tignan mo nga 'yang sarili mo, o. Ang payat-payat mo na. Daig mo pa ang hindi pinapakain. Sabihin mo, kumakain ka pa ba, huh?" Ramdam ko naman ang pag-aalala sa akin ni ate Peach pero wala akong pakialam. Naiinis ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?