KABANATA 15—The Jealous Lost Soul
HANGGANG NGAYON hindi pa rin ako makapaniwala sa mga katotohanang nalaman ko mula kay Lola Solidad o Goddess Sol, the Goddess of all Goddesses. Sa impormasyon pa lang na 'yon, hindi na nga ako makapaniwala. Naging malinaw na tuloy sa akin yung araw ng una naming pagkikita. Pero may isang bagay talaga akong hindi makalimutan mula sa mga sinabi niya. Isang bagay na tanging makakatulong upang makabalik si Enzo sa katawan niya. Isang bagay na kailangan ng pagsasakripisyo ko. Muli ko tuloy naalala yung huli naming pag-uusap kanina bago nagkamalay si Enzo.
"Ikaw ang natatanging makakatulong kay Enzo upang makabalik siya sa katawan niya."
"Goddess Sol, ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan."
"May pagpipilian ka naman, Creamy. Ang muli kang mabubuhay at makabalik sa katawan mo pero mamamatay naman si Enzo o si Enzo ang mabubuhay at makakabalik sa katawan niya pero ikaw naman ang mamamatay."
"Bakit po gano'n? Bakit sa akin po nakasalalay ang buhay ni Enzo?"
"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit siya napunta sa sitwasyong 'to."
"Ano pong ako ang dahilan? Hindi ko po maintindihan! Bakit ako? Ni hindi ko nga lubusang kakilala 'yang si Enzo, e."
"Nagkakamali ka, Creamy. Kilang-kilala mo si Enzo."
"Huh?"
"Ngayon, may tatlong araw ka pa para magdesisyon. Kung itutuloy mo pa ba ang misyon mo upang makabalik ka na sa katawan mo o ipapaubaya mo na ito kay Enzo upang siya na ang mabuhay muli. Tatlong araw lang, Creamy. Tatlong araw na lang..."
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Para kasing may nagtatalo sa isipan ko, e. Totoo naman kasing hindi ko kakilala si Enzo pero bakit gan'to ang epekto niya sa akin? Parang sobrang tagal na nga naming magkakilala. Pero hindi ko talaga maalala na nagkakilala na kami.
"Creamy, nandito na tayo."
"A-ah, a-ano 'yon?"
"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo at parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?"
"Enzo..."
"Creamy, okay lang naman sa akin na sabihan mo ko ng mga problema mo, e. Makikinig ako."
Ngayon ko lang napagtanto na gan'to pala ang pakiramdam kapag kailangan mong mag-sakripisyo para sa ibang tao. Para sa kapakanan nila. Ang hirap pala talaga.
"Ah, wala 'to, Enzo. Napagod lang siguro ako."
"Gano'n ba? O sige, mauuna na ako sa 'yo."
"Sandali lang."
"Bakit, may kailangan ka pa?"
"Puwede bang sumama ka sa amin ni Blue bukas sa resort ng tita ko? Kung wala ka lang namang gagawin. Pero kung meron, okay lang naman—"
"Sige ba, ayos lang sa akin."
"T-talaga?"
"Oo naman. Sige, mauna na ko. Kita na lang tayo bukas."
Saktong pag-alis ni Enzo saka ko narinig ang boses ni Blue mula sa likuran ko. Paglingon ko, magkasalubong na naman ang dalawang kilay niya. Ano na naman ang problema ng isang 'to?
"Saan ka nagpunta, huh? Bakit hindi ka nagpapaalam? Saka sino yung kasama mong lalaki kanina?"
"Blue, pagod ako. Puwede bang mamaya na tayo mag-usap?" sabi ko sabay teleport papunta sa unit niya.
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?