KABANATA 12—The Past and The Kiss
"HINDI KA ba masaya na nakausap mo na ang mama mo at nakahingi ka na ng tawad sa kanya?"
Nandito pa kami sa loob ng sasakyan at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami naandar. Tapos parang ang bigat pa ng atmosphere na nakapalibot sa amin ngayon.
"Masaya."
"E, bakit ganyan ang itsura mo?"
"Ano bang itsura ko?"
"Nakasimangot."
"Nakasimangot? Hindi kaya ako nakasimangot."
"Sus. Hindi nakasimangot pero halos malukot na 'yang pagmumukha mo."
Hindi na ko sumagot pa at itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana. Muli lang ako napatingin sa kanya nang tanungin niya ko kung sino na ang susunod sa listahan ko.
"Si Papa, bakit?"
"Tutal, wala naman akong pupuntahan ngayon at mukhang tatambay na lang naman tayo sa unit, gusto mo ba puntahan na natin ang Papa mo?"
"Hmm? Puwede rin! Para mas mapabilis tayo."
"Ayos! So, saan tayo?"
"Sa pagkakaalam ko kasi, minsan na lang pumunta si Papa sa Cortezian Scent dahil nandoon naman na si ate kaya baka ro'n siya sa isa naming kumpanya."
"Sa Cortez Bloom Perfume?"
"Paano mo nalaman?"
"Cortez. Hindi naman siguro masyadong obvious, 'no?"
Inirapan ko na lang siya dahil sa pagiging sarkastiko niya.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang muli na namang pumasok sa isipan ko yung mga narinig ko kay Blue kahapon. 'Yong tungkol sa kinikimkim niya. 'Yong tungkol sa past niya. Kaya naman walang anu-ano na napatingin ako sa kanya. At hindi ko naman inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin.
"Yes?"
"Blue..."
Hindi ko talaga maintindihan kung paano niya pa nagagawang ngumiti ng ganyan kung sobrang wasak na wasak naman ang puso niya dahil sa kanyang nakaraan.
"C-Creamy? May problema ba?"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"It's time to let her go, B-Blue..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Mag-move on ka na. Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa personal life mo at wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero kasi... I can see in your eyes that you're also in pain."
Nagulat ako sa biglaang paghinto niya. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako.
"Creamy, what are you talking about?"
"Blue,ang pagmu-move on ay nagsisimula sa acceptance." Halata sa mukha niya angpagtataka at pagkagulat. Ayaw ko naman kasi talagang makialam pero hindi ko nakasi kaya na nakikita kong pinipilit na lang niya ang sarili niya na magingmasaya. "Hangga't hindi mo tinatanggap ang masakit na katotohanan, you can'tmove forward. Magiging cycle lang ang pagtakas at pagbalik mo sa sitwasyon."
"Creamy, stop it..."
"She's gone, Blue. Let her go. Let Andrea go..."
"Creamy, I said stop—"
"Show the world that you're in pain and then let it go, Blue! By that, unti-unti mo ring matatanggap sa sarili mo na wala na si Andrea—"
"Baba!"
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?