KABANATA 19—Amusement Park
"MMM... ANG bango naman niyan. Ano 'yang niluluto mo—teka, marunong ka palang magluto?"
Hindi na ko nag-abala pang lingunin kung sino ang nagsalita sa likuran ko. "Ang aga mo naman ata nagising." sabi ko na lang. "Maupo ka muna pala, medyo malapit na rin 'to."
"Ano ba 'yang niluluto mo? Saka ano namang meron at naisipan mo kong paglutuan?"
Pinatay ko muna yung apoy bago ko siya nilingon. "Pa-thank you ko sa 'yo." casual na sagot ko.
"Pa-thank you? Bakit?"
"Remember, huling araw ko na ngayon. At gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin. Ang laki ng naging parte mo sa misyon ko, Blue. Kaya... salamat ng marami." sincere na sabi ko.
"A-anong ibig mong sabihing huling araw? A-aalis ka na?"
Hindi ko siya agad nasagot at nag-iwas na ko ng tingin. Nakapag-desisyon na kasi ako na mamaya ko na sasabihin ang lahat. Pansamantala, gusto ko munang maging masaya ang huling segundo, minuto at oras na magkasama kami.
"Sana magustuhan mo. Hindi pa naman ako pro katulad ni ate Peach pero sigurado na maayos naman ang lasa niyan." nakangiting sabi ko nang ilapag ko ang isang mangkok ng adobo.
"Siguraduhin mong wala 'tong lason, huh?" natatawang sabi niya. "O di kaya gayuma. Mamaya obsessed ka na pala sa kagwapuhan ko kaya babalakin mo na kong gayumahin."
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa mga hirit ni Blue. Nakakahawa rin kasi yung klase ng pag-ngiti niya. Hindi ko tuloy alam kung makakangiti pa rin ba siya mamaya ng ganyan kapag nasabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Wow! Ikaw ba talaga nagluto nito? Mamaya may pinapunta ka lang na taga—"
"Kumain ka na nga lang diyan ng tahimik nang mabusog ka pa. Ang ingay mo, e." natatawang sabi ko nang putulin ko ang sasabihin niya sana.
"Ikaw, hindi ka ba kakain? Papanoorin mo lang ba ang guwapo kong pagnguya, huh?" tanong niya.
"Hindi na. Makita lang kitang kumakain, busog na ako." wala sa wisyo kong sagot.
"H-huh?"
"I mean, busog na kasi ako. Habang nagluluto kasi ako ay sinasabayan ko rin ng pagkain." palusot ko.
Muntikan ko na tuloy mabatukan 'tong sarili ko. Minsan talaga hindi ko na mapigilan ang mga lumalabas sa bibig ko.
"Um... Blue?"
"Hmm?"
"Busy ka ba mamaya?"
"May meeting ako mamayang 2PM, bakit?"
"Ah, gano'n ba..."
"Bakit, may problema ba?"
"Ah, wala."
"Creamy..."
"Gusto ko lang kasi sanang magpasama sa 'yo mamaya. Hindi ko naman alam na busy ka pala kaya nevermind na lang. Baka kay Enzo—"
"Saan ba kita sasamahan?"
"'Di ba may meeting ka?"
"Ipapa-cancel ko for you. Ano, saan ba 'yan?"
"Sa..."
"Saan?"
"Sa... amusement park sana."
KAGABI PA lang ay naka-plano na ang mga gusto kong gawin kasama si Blue para sa huling sandali na pananatili ko sa mundong 'to. Gusto ko kasing sulitin ang huling araw ko kasama siya. Gusto ko pa na magkaroon ng masasayang memories with him na mababaon ko hanggang sa huli. Alam kong selfish na naman pakinggan pero ito na lang kasi ang naiisip kong paraan upang maibsan naman ang sakit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Seven Days
FantastiqueIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?