KABANATA 18—Revelation
"BAKIT NGAYON ka lang nagpakita sa akin?" bungad na tanong ko kay Goddess M matapos niya kong dalhin sa isang rooftop. Na sa tingin ko ay rooftop ng building kung nasaan ang apartment ni Red.
"Dahil sa tingin ko, oras na para malaman mo ang lahat-lahat." seryosong sabi niya sa akin.
"Para malaman ang lahat-lahat? A-anong ibig mong sabihin? Ano ang mga dapat kong malaman?" kinakabahang tanong ko.
"Nabalitaan kong nakilala mo na si Goddess Sol at nasabi na niya sa 'yo ang tungkol kay Enzo." sabi niya. "Creamy... nakapag-desisyon ka na ba?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Kahit kasi ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ba na magsakripisyo ako para sa ibang tao o mas uunahin ko na naman ang sarili kong kapakanan. Naguguluhan ako.
"Goddess M..."
"Isang araw na lang ang natitira para makapag-desisyon ka. Nga pala, natutuwa ako at nagawa mo na ang misyon mo. Nasaksihan ko ang pagbabago mo, Creamy."
"Nagawa ko na? Anong ibig n'yong sabihin? Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa boyfriend ko. Saka... alam mo ba kung anong nangyari sa kanya? Bakit gano'n yung ayos ng apartment niya?"
"Tungkol diyan, sa tingin ko dapat ko ng ibalik ang memorya mo."
"Anong ibig mong sabihing ibabalik mo na ang memorya ko?" naguguluhang tanong ko. Sa pagkakaalam ko naman kasi, mukhang wala namang nawala sa memorya ko. So, ano yung sinasabi niyang ibabalik na niya ang memorya ko.
"Oo, ibabalik ko na ang memoryang kinuha ko sa 'yo bago ka naaksidente. Bago ka pumunta sa bar." pagkatapos niyang sabihin 'yon, muli ko na namang naramdaman yung sakit na parang binibiyak ang aking ulo.
Ilang saglit lang, may isang senaryo na ang nagpakita sa isipan ko.
"C-Creamy... ano bang pinagsasabi mo? 'Wag ka namang magbiro ng ganyan, o."
"Red, hindi ako nagbibiro. I'm serious, ayoko na. Itigil na natin 'tong relasyon na 'to."
"Pero bakit? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Pagkatapos ng lahat... gano'n na lang? Creamy naman, 'wag mo namang gawin sa 'kin 'to."
"Red, kung ipagpapatuloy pa natin 'tong relasyon na 'to, marami lang ang masasaktan. At... magkakasakitan lang tayo."
"May problema ba? Kinausap ka ba ni Peach para hiwalayan ako? Ano, Creamy? Sabihin mo!"
"Walang kinalaman si ate dito. Desisyon ko 'to, Red."
"Bullshit naman, Creamy! Desisyon mo na naman. 'Yan ka na naman, e. Sarili mo lang ang iniisip mo. Paano naman ako? Tinanong mo ba sa akin kung gusto kong makipaghiwalay?"
"Hindi ko kailangan ng permission mo."
"Anong hindi?! Creamy, baka nakakalimutan mo, dalawa tayo sa relasyong 'to. Hindi ka mag-isa at hindi rin ako mag-isa."
"Red, please.... Tama na. Itigil na lang natin 'to."
"No, Creamy. Ayoko! Kung gusto mong makipaghiwalay, go. Pero ako, ayoko."
"'Wag na nating pahirapan ang isa't isa."
"Ikaw lang ang nagpapahirap, Creamy."
"I'm sorry talaga, Red. I'm sorry but I think this is the right thing to do right now. I'm not deserving for your love. I'm really sorry..."
Hindi ko alam na hagulhol na ang ginagawa ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko naman 'to mapigilan kaya hinayaan ko na lang.
"I-ibig sabihin s-si... si R-Red at Enzo—"
"Oo, Creamy. Si Red at Enzo ay iisa. Kaya namin sinasabi na ikaw ang naging dahilan kung bakit siya naaksidente nung araw din na naaksidente ka."
"Pero paano? Bakit sabi sa 'kin ni Enzo tatlong taon—"
"Si Goddess Sol ang may gawa ng bagay na 'yon. Binura niya ang lahat ng alaala ni Red at pinaniwala ito na tatlong taon na simula nang siya ay maaksidente. Tanging pangalan lang na Enzo at ang pagkamatay nito ang itinira ni Goddess Sol sa memorya niya. At wala akong ideya kung bakit gano'n ang ginawa niya."
Lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Goddess M. Lalo lang din akong naguguluhan. Kaya ba hindi ko maalala ang mukha ni Red? Kaya ba pakiramdam ko matagal ko ng kilala si Enzo?
"Bakit niyo ba 'to ginagawa sa amin—sa akin?" iyak pa rin ako ng iyak. Nanlalabo na nga ang mga mata ko, e. "Gano'n ba talaga kalaki ang kasalanan ko para parusahan niyo ko ng gan'to? Sana... sana pala hindi niyo na lang ako binigyan ng chance na mabuhay uli. Sana... sana binuhay niyo na lang agad si Red. Hindi yung gan'to. Masyado niyo kaming pinapahirapan at iniipit sa isang sitwasyon—"
"Creamy!"
Boses ni Goddess M ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
HINDI PA rin mag-sink in ng maayos sa isipan ko ang mga natuklasan ko ngayong araw. Lalo na yung tungkol kay Enzo—na si Red din pala. Kaya naman pala gano'n na lang ang pakiramdam ko sa kanya. May malalim pala talaga kaming koneksyong dalawa. Hanggang bukas na lang ang ibinigay na palugid sa akin para makapag-desisyon kung magsa-sakripisyo ba ko o hindi. Sa totoo lang, hindi ko na kailangan pang mag-dalawang isip dahil kahit pagbalik-baliktarin pa natin ang sitwasyon, ako pa rin talaga ang may kasalanan kung bakit nangyari kay Red ang bagay na 'yon. At alam kong hindi niya deserve 'yon. Mabait na tao si Red at panigurado namang mas maraming malulungkot at masasaktan kung siya ang mawawala.
Dahan-dahan akong tumagos sa pintuan ng kuwarto ni Blue at naabutan kong mahimbing na siyang natutulog. Mabuti nga at hindi na niya ko kinausap pa tungkol sa biglaang pagkuha ni Goddess M sa akin mula sa kanya kanina. Wala pa naman akong nahandang explanation kung nagkataon.
Sa nakalipas na limang araw, weird man pakinggan, nasigurado ko na kung ano ba 'tong nararamdaman ko sa kanya. Kung bakit kakaiba na lang ang pintig ng puso ko kapag malapit siya at may kung anong gumagalaw sa tiyan ko kapag nakangiti siya. Alam kong mabilis at medyo mali pero ano namang magagawa ko, 'di ba? Aware naman ako kung gaano kahirap pigilan ang nararamdaman mo sa isang tao. Isa pa, nagi-guilty na rin ako kay Red. Wala naman talaga kasi sa plano ko na agawin siya sa ate ko. At mas lalong walo sa plano ko na mahulog sa kanya. Kaya meron sa parte ko na hindi nagsisisi na nakipaghiwalay ako nung araw na 'yon. Una pa lang naman kasi hindi ko na deserved ang pagmamahal niya. He's too perfect for me. He's out of my league.
Maingat akong umupo sa tabi ni Blue para hindi siya magising. Sa huling pagkakataon, gusto ko lang naman matitigan ang maamo niyang mukha kahit medyo nakatalikod siya sa akin. "Sana magkaroon pa ko ng chance na makasama ka pa nang matagal," pagkausap ko sa kanya habang marahang hinahawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa mukha niya. "Sana makilala pa natin ang isa't isa ng lubusan. Sana..."
Heto na naman ang mga luha kong ayaw magpapigil. Kaya imbes na makagawa pa ko ng ingay dahil sa pagpigil ng luha ko, hinayaan ko na lang silang dumaloy sa pisngi ko. Bakit ba ko umiiyak? Nakakainis naman, o!
"Maraming salamat sa lahat, Blue. Kung hindi dahil sa 'yo, baka hanggang ngayon puno pa rin ng puot 'tong matigas kong puso. Kung hindi dahil sa 'yo, baka hanggang ngayon hindi pa rin ako napatawad ng mga taong nasaktan ko. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo, Blue..."
Saglit akong napatigil ng bigla siyang gumalaw paharap sa gawi ko. At hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko para...
Halikan siya.
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?