Kabanata 5: The Connected Blue Strings

157 43 4
                                    

KABANATA 5—The Connected Blue Strings


HINDI AKO makapaniwala sa sinabi ni Enzo. Grabe, tatlong taon na siyang naghahanap. Sobrang... tagal. At ang weird niyon para sa sitwasyon ko na binigyan lang ng thirty days. Nag-kuwentuhan pa kasi kaming dalawa. Syempre, na-intriga rin ako na ang tagal na pala niyang naghahanap kaya pina-kuwento ko muna siya.

Napag-alaman kong kagaya ko, binigyan din siya ng isang misyon ni Goddess M. Ang kaibahan lang, walang binigay na palugid sa kanya. Ang sabi lang daw sa kanya ay hanapin niya lang ang babaeng makakatulong sa kanya para maisagaw niya ang misyong hanggang ngayon hindi niya pa rin alam at wala siyang kaide-ideya. Pagkahulog mula sa fifth floor ng tinitirahan niyang apartment ang ikinamatay niya. Nagpakalasing daw kasi siya ng araw na 'yon dahil kaka-break lang sa kanya ng girlfriend niya. Wala naman siyang balak magpakamatay dahil kahit gano'n ang nangyari sa kanya, mahal niya raw ang buhay niya. Sadyang aksidente lang talaga ang nangyari. Akala ko, pinaka-weird na ang narinig ko na tatlong taon na siyang naghahanap. Hindi pa pala, dahil may mas weird pa. Ayon sa kanya, wala rin daw siyang ibang maalala bukod sa Enzo ang pangalan niya at kung ano ang ikinamatay niya, bukod doon wala na. Ni hindi niya pa nga raw nakikita ang comatose na katawan niya. Hindi raw sinabi sa kanya ni Goddess M. Feeling ko tuloy, may galit 'tong si Goddess M kay Enzo. Para naman kasing sobra na ang pagpapahirap niya sa kanya.

"Mabuti at hindi ka pa sumusuko." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon sa bokabularyo ko, Creamy. Hangga't kaya ko pa, tuloy lang ang laban." kahit na naka-ngiti niyang sinabi 'yan, hindi ko nakita na umabot sa mga mata niya ang kanyang ngiti. "Pero alam mo, Creamy, sa totoo lang, unti-unti na kong nawawalan ng pag-asa. Kung iisipin mo kasi, tatlong taon na kong naghahanap pero wala pa ring nangyayari."

"Enzo, 'wag mong sabihan 'yan. Malay mo, may plano si Goddess M kung bakit ganyan ang nararanasan mo. Naniniwala akong in no time, matatagpuan mo rin ang hinahanap mo."

"Sus, por que malapit mo ng makita yung makakatulong sa 'yo kaya mo nasasabi 'yan, e." natatawa niyang sabi.

"H-huh? Anong sinasabi mo? Malapit ko nang makita?" sunod-sunod na tanong ko.

"Oo, malapit mo na siyang makita. Bakit, hindi mo alam?"

"Paano mo naman nasabi? E, dalawang linggo na nga akong palakad-lakad para lang hanapin siya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita."

"Dahil diyan."

Sinundan ko ng tingin ang pagturo niya at nakita ko na lang na medyo umiilaw ng mahina yung bracelet na suot ko at parang gumagalaw na rin yung mga string.

"Mukhang hindi ata sinabi ni Goddess M ang lahat-lahat tungkol sa gamit ng bracelet na 'yan." muling nabalik ang tingin ko kay Enzo nang muli siyang magsalita. "O baka naman sinabi ni Goddess M ang lahat-lahat, kaso hindi ka lang nakinig."

Napatakip ako nang ma-realize kong parang tama ata yung huli niyang sinabi.

"Ah, so, hindi ka nga talaga nakinig?" pang-aasar sa akin ni Enzo.

"Hindi naman sa gano'n. Space out lang kasi ako nung sinasabi niya 'yon kaya hindi naa-absorb ng utak ko yung explanations niya." pagdadahilan ko.

"Sus, palusot ka pa." natatawa niyang sabi. "Sayang tuloy. Hindi mo alam kung gaano kadaming benefits ang makukuha mo gamit ang bracelet na 'yan."

"Benefits? Anong mga benefits?" nae-excite na tanong ko.

Pero bago pa siya makasagot, sabay na kaming napatingin sa bracelet kong paliwanag na nang paliwanag at sa blue string nito na medyo humahaba na.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon