WAKAS
BLUE GONZALES' POV
SEVEN YEARS had already passed pero parang kailan lang nangyari ang lahat. Para ngang pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Sobrang linaw pa kasi nito sa isipan ko. Sobrang linaw pa ng mga alaala na nakapagpabago sa buhay ko. Pero... ano na nga ba ang nangyari sa nakalipas na pitong taon? Marami na. Sobrang dami na.
Nandiyan yung nagka-anak na ng kambal sina Peach at Red at kami ni Creamy ang ninong at ninang. At ngayong taon, papasok na ang mga ito sa eskwelahan bilang mga kindergarten students. Masaya nga ako na masaya ang nagiging takbo ng pamilya ng ate ng pinakamamahal ko at best friend ko. Oo, sa nakalipas na pitong taon, naging mag-best friend na kami ni Red. Hindi namin pareho alam kung paano nangyari 'yon. Basta isang araw, mag-best friend na ang turingan namin sa isa't isa.
Maayos na rin ang buhay nila Orange at Brown. Kakatapos lang nila ikasal no'ng isang taon at masaya ako dahil nagbunga agad ang kanilang pagmamahalan. At ngayong taon na nga ipapanganak ang una nilang anak; at sa ayaw man o sa gusto namin ni Creamy, kinakailangan naming maging ninong at ninang din sa magiging anak nila. Masaya naman kami sa bagay na 'yon pero yung gastos kasi ang iniisip namin para sa hinaharap. Baka yung tatlo agad naming mga inaanak ang maging dahilan ng pagkabutas ng bulsa ko. 'Di biro lang.
Habang kami namin ni Creamy, maayos na rin ang buhay. Ikinasal kami two years ago at katulad din nila Orange at Brown, nagbunga na rin agad ang pagmamahalan naming dalawa. Mauuna nga lang si Creamy sa panganganak kay Orange pero halos kaunting araw lang naman daw ang pagitan nito ayon sa doktor nilang dalawa (oo, pati doktor nila sa panganganak ay pareho).
"Bestie, basta yung promise mo sa akin, huh? Na kapag lalaki 'yang naging anak mo, sila na ng anak ko ang magkakatuluyan kapag tumuntong sila sa tamang edad, ah." pagsasalita ni Orange.
Nandito kami ngayong apat nila Creamy, Brown, at Orange sa living room ng bahay nila Peach at Red. Ngayong araw kasi ang sixth birthday nila Rina Riz o Riri at Runo Ruz o Ruru—yung kambal na anak nila Peach at Red.
"Oo naman, bestie. Kaya sana talaga mag-dilang anghel ka at lalaki nga itong ipinagbubuntis ko." natatawa namang sagot ni Creamy.
Ayaw kasi ni Creamy na magpa-ultrasound para raw surprise sa aming dalawa kung lalaki ba o babae ang magiging anak namin. Samantalang si Orange naman na nagpa-ultrasound ay sigurado ng babae ang magiging anak niya. Ilang beses na rin namin ni Creamy pinag-awayan ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero di kalaunan, sinunod ko na lang ang kagustuhan niya. Kaya kahit malapit na siyang manganak, wala pa kaming masyadong gamit para sa magiging anak namin. Iilang mga tipikal na gamit sa mga bagong silang na sanggol na unisex lang ang mayroon kami.
"Ay, naku! Excited na ko kung nagkataon. Nga pala, ano palang balak niyong ipangalan diyan kung saka-sakaling lalaki ang magiging anak niyo ni Blue?"
Kung kanina ay nakikinig lang ako sa usapan n'ong dalawa tungkol sa mga ipinagbubuntis nila habang nakikipag-usap kay Brown, ngayon, napatingin na ko kay Creamy at hinihintay ang magiging sagot niya.
Ang usapan kasi namin, kapag babae ang magiging anak namin, ako na ang bahala sa pagpa-pangalan. Una pa lang talaga, babae na ang gusto ko. Habang siya naman ang bahala kapag nga naging lalaki ito. Sabi naman niya, may naisip na raw siya. Pero ayaw niya naman itong ipaalam sa akin. Simple lang naman daw yung pangalan pero sobrang lalim daw ng koneksyon sa mga pinagdaanan namin. Kaya heto ako, na-curious tuloy bigla. Kung puwede nga lang talaga na maging kambal din ang anak namin at parehas din kila Peach at Red na babae at lalaki ang mga ito, bakit hindi, 'di ba? Pero ang liit lang kasi ng chance n'on. Ayon kasi sa pamilya Cortez, wala naman daw sa lahi nila ang pagkakaroon ng mga kambal. Nagkataon lang talaga siguro at sobrang suwerte lang nila Peach at Red kaya biniyayaan sila ng gano'n.
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?