KABANATA 24—A Night to Remember
KINABUKASAN, ISANG tahimik na paligid ang sumalubong sa akin. Himala at walang bakas ni Blue sa paligid. Pasimple ko siyang sinilip sa kuwarto niya at nagtaka ako nang wala na siya roon. Nung dumiretso naman ako sa kusina, may nakatakip na pagkain akong naabutan at sa ibabaw ay may isang note siyang iniwan.
Creamy,
Good morning, wife!
Hindi na kita ginising pa dahil alam ko namang pagod ka rin.
Kung binabasa mo naman 'tong note ko ngayon, siguradong naka-
alis na ako. Ayaw mo naman kasi akong kausapin kagabi kaya hindi
na ako nakapagpaalam na may business trip akong pupuntahan ngayon.
Pero don't worry, babalik naman ako agad. Nga pala, bago mo tignan
yung surprise ko sayo sa kuwarto ko, kumain ka muna. Ako ang nagluto
niyan kaya dapat ubusin mo. See you later! And I love you.
Blue
Pagkatapos kong mabasa yung note niya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at wala sa wisyo na akong napangiti. Ito talagang si Blue, alam na alam kung paano ako papakiligin. Ibinulsa ko muna yung note niya bago umupo sa upuan para kumain. Sinangag na kanin, scrambled egg, at tocino ang mga pagkaing bumungad sa akin pagtanggal ko ng takip.
Katulad nang bilin niya sa akin, tinapos ko muna ang pagkain bago ko sinilip kung ano ba yung sinasabi niyang sorpresa para sa akin. Pagpasok ko sa loob ng kuwarto niya, isang malaki na parisukat na kahon ang tumambad sa akin. At sa ibabaw nun ay may isa na namang note.
Wear this before 8PM and go to Serendipity Garden :)
See you there, Creamy! I love you.
Naalala ko kung saan yung Serendipity Garden sa sinasabi niya. 'Yon yung parang coffee shop na pinuntahan namin nung isang araw. May kinausap kasi siya ro'n at nagkataon namang sinama niya ko. Nasabi ko sa kanya na nagustuhan ko yung lugar lalong-lalo na yung ambiance. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Mukhang naalala niya ang bagay na 'yon kaya doon niya ko pinapaunta. Pero teka lang... bakit pala niya ko papapuntahan do'n? Ano bang meron?
"RED?! WHAT are you doing here? OMG! Don't tell me tumakas ka—"
"Calm down, Creamy. Si mommy na mismo ang nagpalabas sa akin. Siguro nakulitan dahil paulit-ulit ko ng sinabi na magaling naman na ako. Ayon, pinayagan na niya akong lumabas ng ospital."
Kakagising ko lang kasi at dahil 'yon sa kung sinong walang tigil sa pagdo-doorbell. Si Red lang pala.
"Alam mo bang istorbo ka sa mahimbing kong pagtulog?" inis na sabi ko nang papasukin ko siya.
"Wow. Nagawa mo pa talagang matulog gayong alam mo naman na may lakad ka mayamaya, ah."
Pagkasabi niya niyon, saka ko lang na-realize na may lakad pala kami ni Blue mamayang 8PM. Teka—paano naman nalaman ni Red ang tungkol doon?
"Paano mo nalaman na may—"
"Nakiusap sa akin si Blue na ihatid ka papunta ro'n sa Serendipity Garden. Nakakahiya naman sa 'yo kaya napilitan na akong pumayag."
"Dapat ba kitang pasalamatan dahil do'n?"
"Naman—"
"E di, thank you!"
"Aba talaga namang—"
"OMG! 7:30PM na?! Argh, Red! Bakit naman ngayon mo lang ako pinuntahan?"
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?