KABANATA 20—Breaking the Rule Number Seven
KUNG KANINA ay sobrang saya ko na dahil napapayag ko si Blue na samahan akong pumunta sa amusement park. Mas lalo pa itong nadagdagan nang ibigay na niya sa akin ang isang kulay blue na teddy bear na nakuha niya mula sa paglalaro kanina.
Siya pa mismo ang pumili nito para raw siya ang maalala ko tuwing makikita ko 'tong teddy bear. "Sa tingin mo, anong magandang pangalan para sa kanya?" wala sa wisyo kong tanong.
"Lalayo pa ba tayo? E di... Asul na lang." simpleng sagot niya.
"Asul?" nakangiting tanong ko. Parang sa pagkakatanda ko, ayaw niya ng tinatawag siya ng Asul, 'di ba? Pero... sabagay, yung teddy bear naman pala ang tinutukoy niya.
"Okay. Simula ngayon, Asul na ang pangalan mo." pagkausap ko sa teddy bear. "Asul... meet your daddy, Blue. And of course, your beautiful mommy, me."
"You're being crazy again, huh." rinig kong bulong ni Blue.
"Ano, tara na?"
"Uuwi na tayo? Yes, salamat naman at naisipan mo ring—"
"Hindi! Sasakyan pa natin lahat ng rides, 'di ba?"
"Seryoso ka?"
"Oo naman!"
"Wala ka ring kapaguran, 'no?"
"Wala. Kaya tara na bago pa tayo maabutan ng napakahabang pila."
Una ko siyang hinila sa may carousel kung saan walang masyadong pila. Hindi ko alam kung matatawa ba ko kay Blue o maaawa dahil nagpapahila na lang siya sa akin. Hindi naman kasi siya puwedeng pumalag dahil baka pagkamalan pa siyang nasisirain na ng bait.
"No. Hindi mo ko mapapasakay diyan. Never."
"Blue naman... please?"
"Creamy naman. Nakikita mo ba yung mga nasakay diyan? Bata. Pambata lang 'yan, e."
"Kahit saglit lang naman."
"Ayoko pa rin. Sa iba na lang tayo."
"Okay..."
Kaya ko lang naman gustong sumakay sa may carousel dahil naaalala ko no'ng bata pa ako, doon ako parati unang pinapasakay ni papa. Na-miss ko lang yung feeling na muling sumakay do'n. Isa pa, nakakainggit kasi yung ngiti ng mga bata na kasalukuyang nakasakay do'n. Mga ngiting walang iniindang problema.
"Sa may horror tr—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya kong hinila pabalik sa may carousel. "T-teka... akala ko ba ayaw mo?"
"Ang makita kang malungkot ang mas ayoko." seryoso niyang sabi.
Paglapit namin ulit do'n, saktong next batch na ng mga sasakay. Habang seryosong nakapila si Blue, tahimik lang akong nasa likuran niya. Nung turn na namin, pinigilan siya nung nagbabantay.
"Sir, may bata po ba kayong kasama?" tanong nito.
Saka ko lang na-realize na imposible nga palang makapasok kami dahil katulad ng sabi ni Blue kani-kanina lang ay pambata lang ang rides na 'to. And obviously, hindi bata si Blue at wala naman kaming bata—
"Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na."
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nakapasok na siya sa loob.
"PUWEDE BANG mag-carousel na lang ulit tayo o di kaya horror train? Please, 'wag na rito. Ayoko pang mamatay."
BINABASA MO ANG
Seven Days
ParanormalIsang ligaw na kaluluwa at natatanging taong nakakakita nito---ano ang mangyayari kapag pinagtagpo na ang kanilang mga landas?