TINITITIGAN lang niya ang kaibigan niyang abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower garden nito, hinihintay niyang matapos ang ginagawa nito dahil ng dumating siya doon ay busy ito sa kliyente nito kaya naghintay nalang din siya. Masyadong mabusisi ang ginagawa nitong bouquet kaya hinayaan nalang din niya itong makapagtrabaho.
Nang sa wakas ay tapos na ito ay mabilis siyang umayos ng upo ito naman ay inililigpit ang lahat ng mga kalat nito at bumaling sa kanya.
"So, anong problema?" segunda agad nito.
"Grabe siya oh, problema agad? Hindi ba pwedeng namimiss lang kita?" Pamela just raised a brow and flipped her perfectly long straight hair and snort at her.
"Come on girl hindi mo ako maaalala kung wala kang problema." Lumabi siya sa sinabi nito at saka niyakap ang kaibigan.
"Eh naman eh." Panimula niya at gaya ng inaasahan niya ay nahampas siya nito ng isang stemmed rose mabuti nalang at wala ng tinik kaya hindi siya nagalusan. "Someone kissed me and I think I am falling for him na." pag-amin niya dito, mahirap para sa kanya na aminin ang bagay na iyon. Malakas ang apog niya sa pagharap sa mga lalaking dumadaan sa buhay niya kaya lang kapag nagkakafeelings na siya ay siya na mismo ang umaatras nakakatakot kasi ang ganoong klaseng pakiramdam.
Itinulak siya ni Pamela upang tapusin ang ginagawa nito. "Problema ba iyon? As if naman bago iyan sa iyo, pero infairness the last time you told me about falling inlove college pa tayo and now it has been years already. Sapat na siguro ang oras na iyon para mahanap mo ang sarili mo at pwede ka ng mag-open sa iba."
Napapadyak siya sa sinabi nito. "Hindi kasi iyon Pamela eh, alam mo iyong hinalikan lang niya ako dahil nainis siya sa akin. And not only that, the first time we met binuhusan niya ako ng kape and he told me over and over again that my pastries sucks hindi naman di ba? Ilang buwan ko na ring pinapakain ang lalaking iyon ng pastries ko pero hindi talaga effective."
"Hindi na effective ang black magic?"
Siya naman ngayon ang umismid, "Black magic is not real, kayo talaga ni Vanessa ang nagpauso niyan kaya parang baliw ang mga customers na gustong bumili sa mga gawa ko."
"So, hindi nga effective ang gayuma?"
"Wala nga sabing gayuma dahil kung meron man matagal na sana siyang inlove sa akin, pero waley eh, palagi niyang sinasabi na my pastries sucks and my nanay is way better than my works. Alam mo ang sakit-sakit lang sa heart eh." Hinampas pa niya ang kanyang dibdib para i-emphasize dito na masakit talaga sa dibdib ang mga nangyayari sa buhay niya.
Tinitigan lang siya nito at saka umiling lang sa naging sinabi niya. "Wala eh, wala kang swerte tanggapin mo na lang ang reality of life na hindi ka niya magugustuhan."
"Pero bakit hinalikan niya ako?" pasigaw na tanong niya.
"Sabi mo nga naiinis siya sa iyo." Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito.
"But still hindi iyon dahilan kung bakit niya ako hinalikan, maybe he have feelings for me too." Ani niya.
"Sinabi ba niya? Ayaw nga niya sa mga pastries mo para na rin niyang sinabi na hindi ka talaga niya gusto."
Napapukpok siya sa mesa na nasa tabi niya. "Nakakaasar ka naman eh friend mo ako dapat ilift mo ang spirit ko. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon dahil may feelings na ako for him and he kissed me, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Naisip ko nga may hidden feelings siya sa akin kaya inaasar lang niya ako."
Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi niya. "You and your wild imagination my dear friend." Tumawa ito sa kanyang sinabi. "If you like him, go for him, if you don't want to like him gaya ng dating gawi iwasan mo siya hanggang sa makalimutan mo na ang feeling mo sa kanya." Tumingin uli ito sa kanya. "Or na-fa-fall ka pa lang ba o bagsak ka na?"
"I like him, iyon lang."
Sa kung anong puwersa na meron ang inang kalikasan, napalingon siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang papasok sa loob ng flower garden ni Pamela. Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng mesa ng kaibigan nag-sign lang siya na huwag itong magpahalata na may kasama ito. Kung anu-ano ang ginawa niyang signal dito mabuti nalang at nagets agad nito ang kung anuman ang gusto niyang sabihin.
"Good afternoon sir, welcome to flower garden how can I help you?" magiliw na bati ni Pamela sa lalaki, napahawak siya sa dibdib niya at nagdarasal na sana ay hindi nito marinig ang lakas ng tibok ng puso niya.
"A bouquet of red roses please." Boses nga iyon ng binata and worst sobrang lakas na ng tibok ng puso niya, hindi na niya mawari kung ano ang naririnig niya. Pero para kanino ang red roses nito?
"Special?"
"Yes, please." Narinig niya ang mga yabag ng mga tao sa paligid niya, pero mas malakas pa rin ang puso niya. She held her breath for a while and exhaling little by little.
"Para sa girlfriend niyo po ba ito sir?"
"Yes." Mabilis na sagot ng binata—mali—may girlfriend na eh, hindi na ito binata kasi taken na. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya mula dito. Iyong puso niya parang hindi na gumagana, para siyang tinusok ng patalim sa dibdib niya ng ilang ulit. Ang sakit lang, naramdaman na niya ang ganitong sakit noon. Noong hiwalayan siya ng kanyang second boyfriend dahil may mahal na itong iba... pati rin iyong first boyfriend niyang nakipaghiwalay sa kanya sa mismong graduation niya dahil mas pinili nito ang trabaho nito sa ibang bansa. And now, this is the third time she felt the same pain ang nakakatawa lang hindi dahil pa nga niya ito naging boyfriend.
May narinig na naman siyang nagbukas ng glass door ng Flower garden. "Howard—oh—wow, is this for me?" boses iyon ng isang babae. Gusto niyang lumabas para alamin kung maganda ba ito at sexy pero hindi siya makagalaw and besides kung lalabas siya baka siya lang din ang mapahiya.
"Sweetheart let's go." Humalukipkip siya sa ilalim ng mesa ni Pamela, sa loob-loob niya sinasabi niya sa sarili niya na okay lang siya... na wala siyang pakialam dahil hindi naman sila friends ni Howard. Ano naman ngayon kung may pagbibigyan ito ng red roses na ibig sabihin ay love, ano naman ngayon kung sweetheart ang tawag nito sa babaeng pagbibigyan nito? Ano naman ngayon kung may girlfriend na siya, siguro sapat na iyong dahilan para tumigil na siya hindi ba.
She opened her eyes and was greeted by Pamela's concerned face, she just smiled at her bestfriend.
"Na-fa-fall ka pa lang ba?" tanong nito sa kanya, umiling siya sa tanong nito dahil alam niyang iyon ang tamang sagot. "You love him already." Hinila siya nito palabas sa mesa nito pero hindi siya gumalaw, nanatili lang siya doon kahit anong pilit nito. "Hayan ka na naman eh, heartbreak lang iyan Yumi what's new sanay ka na diyan. At least this time hindi mo naging boyfriend, ano naman ngayon kung hinalikan ka niya uso na iyan ngayon makakamove on ka rin."
Suminghot lang siya at humikbi sa harap nito, dinama niya ang puso niya baka kasi wala na iyon doon... baka kailangan niyang buuin iyon. Pumipintig pa naman kaso, parang sugat-sugat na.
tbc
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
Historia CortaPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...