21- Second Kiss

39.4K 1K 49
                                        


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mayumi sandali lang." wala sana siyang pansinin si Howard at balak sana niyang tumakbo nalang hanggang sa mawala na ito sa paningin niya kaya lang anong silbe ng maiikling biyas niyang triple na nga ang bilis sa mahahabang binti nito. Curse her short legs! "Yumi, wait." Mabilis siyang nahabol ni Howard at sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito.

Napalunok siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at ikikilos niya. Baka ano naman kasi ang pumasok sa isip nito--. "S-sinamahan ko lang si Makisig mag-aapply kasi siya dito for college-uhm- hindi ko naman alam na dito ka pala nagwowork." Natatarantang paliwanag niya dito, hindi talaga niya alam na nandito si Howard alam niyang professor ito pero hindi niya alam kung saang university. "Si-sige alis na muna ako hahanapin ko ang testing center." Pinilit niya lang maging magiliw dito kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader sa tabi niya hindi nga siya makatingin dito ng maayos.

"Are you running away from me?"

She just bit her lips and shook her head, "Hindi ah, may lakad lang talaga ako." Dahil nasa harap niya ito kaya kailangan niyang lumusot pero hindi siya nito hinayaang makaalis para silang nakikipagpatintero at ito ang taya. "Howard ano ba alis ka nga." Itinulak pa niya ito pero nahawakan lang nito ang magkabilang braso niya making her feel uneasy again, hindi talaga pwedeng ganito siya dahil para siyang mababaliw na hindi niya maintindihan.

"Nanlalamig ka na Yumi." Para na nga siyang mababaliw eh, totoo ang sinabi nitong nanlalamig na talaga siya. "Hindi naman masyadong malamig dito sa lobby." And the guy is playing with her, alam nito kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"Howard..." hindi niya alam ang sasabihin niya pero nagsalita pa rin siya. "I promise it's not really my intention to see you here, it was a mere accident sana maniwala ka." She is almost pleading. "Aalis na rin ako sa labas ko nalang hihintayin si Makisig malapit na rin siguro siyang lumabas." Pinilit niyang kumawala dito pero talagang mahigpit ang hawak nito sa kanya.

"Prof—uy, ang ganda ng kasama natin girlfriend niyo po?" tanong ng isang grupo ng mga estudyanteng lalaki na napadaan sa tabi nila. "Kapatid niyo po? Pwedeng mahingi ang number?"

Howard's hands shifted from her arms down to her waist and pulled her body closer to his.

"SIge po prof balik na kami sa room hindi na kami magcucutting classes." Agad na umalis ang mga ito sa harap nila.

"Sabay na nating hintayin si Makisig." Biglang nagbago ang tono ng boses nito, para bang hindi ito iyong lalaking palaging nakaangil at palaging galit sa kanya. "Hindi mo alam kung saan pabalik sa Testing Center." Inakay siya nito papunta sa kung saan na para bang bata siya na hindi alam kung paano maglakad.

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon