30- END

76.4K 1.7K 146
                                        

30

          "NANDIYAN na si Howard sa ibaba kanina pa kita tinatawag akala ko pa naman naghahanda ka iyon pala nanonood ka lang ng TV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NANDIYAN na si Howard sa ibaba kanina pa kita tinatawag akala ko pa naman naghahanda ka iyon pala nanonood ka lang ng TV. Ano ba naman iyan Yumi." She lazily stood up, mukhang galit na ang nanay niya. "Pinaghantay mo ang bisita mo ng isang oras tama ba iyan?"

"Choice naman niya iyan Nay kung maghihintay siya o hindi." She smiled at her mother, fake nga lang. Kinuha na niya ang damit na susuotin niya para sa date nila ni Howard. Sabihin na nilang nagpapakipot siya pero talaga namang nagpapakipot siya ng husto, two months na rin simula ng pormal na ligawan siya ni Howard at dahil na rin sa pangungumbinse ng mga kaibigan at kakilala nila na pawang mga magagandang salita ang nasasabi kay Howard kaya ayon pumayag na rin siya.

How can she forget the happiness that appears on his face when she agreed to his terms na ligawan siya nito at nakita din niya kung paano para itong pinagbagsakan ng langit at lupa ng sabihin niyang joke lang iyon. Pero agad din naman niya iyong binawi she just love playing with his reactions.

"ANak kung ayaw mo kay Howard sabihin mo sa bata hindi ganyan na kinakawawa mo siya."

"Nanay naman nagpapakipot lang naman ako."

"Hay naku baka magsawa na iyon sa iyo dahil sa pagpapakipot mo."

Lumabi lang siya hindi din naman siya tanga kaya nga sasagutin na niya ang binata mamaya sa date nila. Hindi niya alam kung ano ang balak nito sa date nila pero siya hindi siya uuwi ng hindi pa niya ito boyfriend. Gusto na niyang magkaboyfriend.

"Kaya nga sasagutin ko na siya mamaya." Agad na lumiwanag ang mukha ng nanay niya sa sinabi nito.

"Anak nga kita, sige sagutin mo na iyong batang iyon. Pwede kang hindi umuwi dito mamayang gabi.'

"Nanay!" halos tumili siya sa sinabi nito. "Paano mong nasasabi iyan sa unica hija mo? Mabuti nalang at masunurin akong anak kaya gagawin ko ang gusto mo." Tumawa ito sa sinabi niya at kinurot siya sa singit sabay labas sa silid niya. Pagkatapos niyang magbihis ay kinuha niya sa lalagyan ang regalo ni Howard na hindi niya naibigay noong birthday nito, siguro tamang oras na rin iyon para ibigay iyon sa lalaki.

Pagbaba niya ay wala naman sa sala si Howard narinig niyang may ingay mula sa dirty kitchen. "Bakit mo kinain iyan Howard? Gawa ni Mayumi iyan natikman ko iyan kanina kulang sa tamis." Natigilan siya sa sinabi ng nanay niya, sumilip siya at saka nakita niyang kinakain ni Howard ang strawberry shortcake na gawa niya. Kahit na hindi pa rin bumabalik ang panlasa niya ay sinusubukan pa rin niyang magbake. Kapag passion mo nga talaga kahit anong gawin mo hindi mo kayang iwanan iyon kaya ayon nagsimula siyang muli, back to basic. Nawala ang self-confidence niya sa pagbebake.

"Masarap pa rin Nanay." Nakikinanay na rin ito sa nanay niya. "Kasi si Yumi ang may gawa."

"Naku ikaw talagang bata ka kahit naman yata anong ihain sa iyo ni Yumi ay kakainin mo."

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon