28
"NAY, bakit may mga flowers dito?" tanong niya sa nanay niya ng pagpasok niya sa bakery ay marami ang mga nakabasket at nakabouquet na mga bulaklak doon. "Kailan pa tayo lumipat sa flower business? Baka magalit si Pamela sa atin." Biro niya sa nanay niya na nasa loob ng bakery at inalalayan ang mga nagdedeliver ng bulaklak papasok doon.
Pero seryoso ang dami ng bulaklak!
"Ang dami nga anak--- salamat--." Anito sa delivery na agad na umalis. May kinuha ang nanay niya na isang malaking bouquet ng bulaklak at ibinigay sa kanya. "Para sa iyo."
"Ano ba ito Nay?" kinuha nalang niya ang bulaklak.
"Hay, naku. Ang agang manligaw kausapin mo nga iyong nagpadeliver niyan sa labas para sa iyo talaga ang mga ito." Kumunot ang noo niya. Sino naman ang manliligaw sa kanya ng ganito kaaga. Impossibleng si Nico dahil alam na naman nito ang status nila at si Earl naman ay nakausap na rin niya, nasa China pa nga ito dahil may inaasikaso lang. Agad siyang lumabas upang hanapin ang tinutukoy na manliligaw daw niya pero isang tao lang naman ang nadatnan niya doon. Kumunot ang noo niya...
"Anong ginagawa mo dito Howard?" takang tanong niya dito- hindi kaya—baka napadaan lang talaga ito impossibleng ito ang magbigay ng mga bulaklak. "May nakita ka bang tao dito?"
"Ako lang ang nandito."
"Baka nagkasalisi kayo."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Don't tell me ika—impossible." She dismissed the idea immediately. "SIge pasok lang ako." Iwas agad niya dito.
"Paano kung ako nga? Paano kung ako ang nagbigay sa iyo ng mga bulaklak na iyan?" agad siyang humarap dito at saka tiningnan ito, sinalubong niya ang mga mata nito. Naghahanap siya ng pwedeng sabihin pero hindi niya masabi.
"Bakit mo ginagawa ito?" iyon lang ang naitanong niya.
"Hindi ba nasabi ni tita Celis? Manliligaw ako." Maniniwala na sana siya, maniniwala n asana siyang seryoso ito lalo pa at seryoso din itong nakatitig sa kanya. Sana...
"Magkano ang kailangan kong bayaran para sa mga bulaklak?"
Kumunot lang ang noo nito at napabuntong-hininga. "Hindi talaga gagawing madali ang lahat para sa akin ano?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Madali lang naman Mayumi, manliligaw ako." Madiin ang bawat salitang binibitiwan nito. "Mahirap bang intindihin na gusto kitang ligawan?" mas naguguluhan siya sa tanong nito at sa lahat ng sinasabi nito.
"Yes."
Sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito, sobrang lapit. "Bakit ayaw mong maniwala na liligawan kita."
"Dahil joke lang ito." Tumingin-tingin siya sa likod nito, sa itaas, at sa likod niya kaya hindi niya namalayan na nakahawak na ito sa magkabilang balikat niya. "May camera ba dito? naka-record ba ang mga nangyayari?"
"Yumi! Yumi, listen!" he shook her.
"Uy, wait lang nahihilo ako." Agad naman nitong tinigilan ang ginagawa nito.
"Okay ka lang ba? Sorry kung medyo napalakas ang pagyugyog ko sa iyo." Nag-aalalang sinapo nito ang magkabilang pisngi niya. "Yumi naman alam kong mahirap sa iyo na tanggapin ang mga sinasabi ko pero I want you to know that I am really courting you."
"Pero—bakit?" naguguluhan niyang tanong.
"Ikaw ang tatanungin ko, noong nililigawan mo ako, ano ba ang dahilan mo?"
"Because I like you—before." Agad niyang bawi pero huli na ng sumilay ang ngiti sa labi nito pero hindi siya nagpadala, sinabi na niyang 'before'. Ibig sabihin dati. "Feelings can change you know."
"Kung anuman ang dahilan mo kung bakit mo ako niligawan dati iyon din ang rason ko, mas mabigat pa nga ang rason ko keysa sa iyo."
Ay, ano ito pabigatan ng rason.
"Itigil mo na nga ito Howard hindi ka na nakakatuwa. Nagsasayang ka lang ng oras mo at ng pera mo dito."
"Ang unfair mo Yumi, si Earl at si Nico mga ex-boyfriend mo sila pero binigyan mo sila ng chance na ligawan ka nila. Bakit ako? Hindi mo pa nga ako nagiging boyfriend ayaw mo akong bigyan ng chance ang unfair naman noon." Reklamo nito sa kanya.
"Dahil alam ko naman na trip mo lang ito. Hindi ko alam ang rason malamang naguguilty ka lang o kaya naman ay pinaglalaruan mo lang ako. I don't really know your reasons Howard."
Malakas itong napabuntong-hininga. "Hindi pa ba sapat na rason na gusto kita kaya liligawan kita? Hindi dahil naguguilty ako dapat matagal ko ng ginawa ito pero nag-eenjoy ako sa panliligaw mo nakalimutan kong dapat ako pala ang gumagawa sa mga bagay na ito."
"You don't really like me." Pangungumbinse pa niya dito. "I swear Howard matatawa ka lang sa pinagagawa mo."
Pinilit niyang makawala sa hawak nito sa kanya pero parang aalisin din nito ang ulo niya sa kanyang katawan sa higpit ng hawak nito sa kanya. "Howard ano ba!"
"Paano kung sabihin ko sa iyo na all these time nagpapansin lang ako sa iyo?"
"Huh?"
"Paanong hindi mo ako napapansin Yumi? Costumer na ako ng nanay mo simula pa lang ng dumating kayo dito. Alam mo iyong pakiramdam na araw-araw tayong nagkakaharap dito sa bakery niyo, araw-araw mong inaabot ang orders ko pero hindi mo ako nakikita at maalala."
Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito at ang dami ng nakatingin sa kanila sa labas ng bakery nila.
"Howard-."
"Bakit galit nag alit ako sa mga pastries and cakes na gawa mo? Dahil kapag nakikita kita mas binibigyan mo sila ng pansin keysa sa akin, I want you to see me too. Gusto ko ang atensyon mo pero hindi mo magawa because you are too engrossed with your cakes and pastries."
Bigla siyang natahimik sa ipinagtapat nito sa kanya.
"I want your attention and then I realized hindi na ako bumabata and I need to get your attention as fast as I can. Wala akong naisip na ibang paraan hindi ko gusto ang ginawa ko sa coffee shop ng una tayong magkita pero hey, nagwork-out ang plano ko. Napansin mo ako kung sana dati ay naisip kong gawin iyon sana pala matagal mo na akong napansin."
Her lips were pressed together tightly.
"But you hate me-."
"I don't hate you. Gusto mo ng rason kung bakit ako manliligaw sa iyo? Kung bakit walang nanliligaw sa iyo sa haba ng panahon na nandito ka? Simple lang, madali lang naman. Kinaibigan ko ang nanay mo at ipinagtapat ko sa kanya na gusto kita, sinabi ko sa mga kaibigan at kapitbahay natin na off-limits ka na. Libo-libong tukso na ang natanggap ko dahil sa katorpehan ko kulang nalang ay igiling nila ako."
Is he telling the truth?
"Now, Precious Mayumi Katarman, mahal kita gets mo ba?"
TBC
PS: Photos CTTO
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
Short StoryPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...