26
"OKAY ka lang ba dito sa bahay ng lola mo?" nag-aalalang tanong ng nanay niya sa kanya, silang dalawa kasi ang kailangang magpahinga. Dalawang linggo din siya sa hospital dahil dengue pala ang tumama sa kanya mabuti nalang at hindi pa masyadong malala, ang nanay naman niya ay dahil sa stress at over-fatigue kaya ayon tumaas ang dugo at kailangan din na maconfine. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nasa hospital lang sila, hindi sila nagbukas ng bakery at sinabihan din niya na huwag sabihan ang mga kaibigan niya na nasa hospital siya. kapag may nagtanong ay sasabihin lang na nagbakasyon siya sa bahay ng lola niya.
"Okay lang ako dito nanay." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang mga magulang. Kailangan na kasing bumalik ng mga ito sa bakery habang siya ay isang linggo pa babalik doon, gusto lang din muna niyang magpahinga. Masyado din kasi niyang naabuso ang kanyang katawan kaya ayon bumigay din, sobrang hina ng kanyang immune system. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang pagod.
"Nandito naman si len-len kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa kanya." Ani ng kanyang tatay. Nakaupo lang siya sa may garden hinihintay niyang umalis na ang mga ito, gusto lang kasi niyang mapag-isa ng mga oras na iyon. Simula ng maconfine siya sa hospital hanggang sa dumating sila dito ay hindi na siya nawalan ng kasama gusto niyang mag-isa lang muna.
"Magpahinga kang mabuti dito." nag-aalalang wika ng nanay niya. Umalis na rin ang tatlo, siya naman ay bumalik sa kanyang pagmumuni-muni ng dumating si len-len na may dalang pagkain.
"Ate Yumi kainin mo muna ito at saka uminom ka na rin ng gamot mo para mas lalo ka pang gumaling." She doesn't want to burst the girl's bubble kaya kumain na rin siya. unang subo pa lang niya ay nawalan na siya ng gana.
Sino ba ang magkakagana kung hindi mo na malasahan ang pagkain na kinakain mo? Paano mo masasabi na matamis, matabang, mapait, maasim, maalat o kaya naman ay masarap ang isang pagkain kung hindi mo na sila malasahan.
Tatlong subo pa lang ay ibinalik na niya ang pagkain sa tray at saka uminom ng gamot. Hindi na nagsalita ang katulong dahil alam nito ang pinagdadaanan niya, iyon ang dahilan kung bakit kahit okay na siya ay ayaw pa niyang bumalik sa bakery dahil wala din naman siyang gagawin doon. Magbibilang ng pera? Maglilista ng kung anu-ano? Mas lalo siyang madedepress kung pagdating niya doon ay hindi na niya magawa ang mga bagay na dati niyang ginagawa. She can't bake anymore!
"Dito na muna ako Len."
Umalis ang katulong habang siya naman ay bumalik sa pagmumukmok niya. pagkaggising na pagkagising niya mula sa ilang araw na pagkakasakit agad siyang naghanap ng pagkain. Noong unang tikim niya ay akala niya dala lang iyon ng pagkakasakit niya kaya wala siyang malasahan pero habang tumatagal ay mas lalo niyang napapansin na wala na talaga. She can't sense it anymore.
Sabi ng doctor na baka naapektuhan daw ang kanyang panlasa dahil sa naging sakit niya, pwede din daw psychological lang. Babalik din naman ito o pwedeng hindi na. Sinabi niya sa knayang mga magulang na okay lang siya pero ang totoo hindi talaga siya okay, para bang binigyan siya ng baso pero walang lamang tubig para uminom...
Pero kailangan niyang magmove on, hindi siya habang buhay mananatili sa buhay na ganito. She doesn't want to pity herself and besides hindi lang naman sa baking umiikot ang mundo niya and besides kahit na hindi na siya magbake makakatulong naman siya sa pagdedesign at pagdedeliver ng mga cakes and pastries.
Mahirap pero kailangan niyang gawin—acceptance, she need to accept tapos na siya sa denial period eh kaya kailangan niyang mag-improve. Ayaw din naman niya na makaramdam ng guilt ang nanay niya. sinisisi kasi nito ang sarili nito kung bakit siya nagkasakit kahit na ilang beses na rin niyang sinabi na wala itong kasalanan. Kapag nalaman nito na dinamdam niya ng labi sang pagkawala ng kanyang palasa siguradong malulungkot na naman ito kaya huwag na lang, itatago na lang niya sa sarili ang tunay na nararamdaman niya masasanay din naman siguro siya.
TATLONG tray ng itlog ang bitbit niya, kailangan ng nanay niya iyon para sa ginagawa nitong cake. Wala si Makisig dahil sumama sa tatay na magdeliver ng cakes kaya siya na ang nagpresenta. Ayaw sana nito dahil baka daw mabinat siya sinabi naman niyang kaya na niya, kababalik lang niya. Isang buwan din siyang nawala sa lugar nila, sa probinsya wala kasing cellphone, wala ding access sa internet kaya naghybernate talaga siya. nakapagpahinga na rin siya kahit papaano kaya malakas na siya---
"Aray." Hiyaw niya ng may tumamang matigas na bagay sa likod niya, dali-daling bumigay ang kanyang tuhod at nabitiwan niya ang hawak na tray ng mga ito. Mabuti nalang at walang nabasag pero may ilan na para bang nagkaroon ng buhay at gumulong-gulong sa paligid. Napatingin siya sa bila na tumama sa likod niya, hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit ng pagkakatama ng letseng bagay na iyon pero mas minabuti nalang niyang unahin ang mga itlog. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon at ibinalik sa tray.
"Kasalan mo Howard bakit ba kung saan-saan ka bumabato ng bola."
"Tinapik ako ni Ni—Yumi?" napaigtad siya at biglang lumakas ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses na iyon. Tumingala siya at nakita ang mukha nito, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito ng mga oras na iyon pero isa lang ang alam niya. nahihiya pa rin siya dito kahit na humingi na siya ng sorry sa pagbake niya sa cake nito. "Nakabalik ka na pala, ang haba ng bakasyon mo ah." Anito pagkatapos. Dahan-dahan na tumayo siya at muntik ng mapasalampak muli sa kalsada kung hindi lang niya naregain ang kanyang balance.
Isang maliit na ngiti lang ang ibinigay niya dito at sa mga kalaro nito na mataman na nakatitig sa kanya. "Magandang araw din." Iyon lang ang nasagot niya. "Excuse me." Dala ang mga itlog ay dahan-dahan siyang naglakad palayo sa mga ito. Napagpasyahan na kasi niyang hindi na abalahin si Howard sa buhay nito, kasabay ng pagmomove on niya sa nawalang panlasa niya ay lalayo din siya kay Howard ayaw na niyang makaabala pa.
"Yumi, teyka lang sandali lang." agad na nakahabol sa kanya si Howard na iniwan ang mga kalaro nito. "Pwede bang mag-usap muna tayo?"
"Sorry, nagmamadali kasi ako. Kailangan ni nana yang mga ito." Mahinang sagot niya, walang kabuhay-buhay.
"Let me." Hindi na siya nakapagreact ng bigla nalang nitong kunin mula sa kanya ang tray. "Ihahatid na kita."
"Hindi na kailangan kaya ko namang dalhin iyan." Pilit niyang inabot ang tray pero talagang kulang ang lakas na meron siya. Hindi na siya tulad ng dati—"Howard akin na iyan." Tiningnan niya ito pero umiling lang ito.
"Pumayat ka Yumi." Biglang sabi nito habang nakatingin sa kanya. Hindi siya sumagot dahil hindi naman kasagot-sagot ang sinabi nito, hindi naman iyon tanong. "Anong nangyari sa iyo?" bakas sa boses nito ang pag-aalala sa kanya. "Yumi?"
"Akin na ang tray Howard, hindi ako nagbibiro ng sabihin kong kailangan ni nanay iyan." Natigilan ito sa sinabi niya, maybe because it's the first time he heard her that cold. Ayaw niyang maging indifferent dito but she needs to go away na.
"Yumi-."
"Bumalik ka na sa paglalaro mo hindi mo naman ako kailangang tulungan." Pinilit niyang magalit dito at sa tingin niya ay nagawa naman niya iyon ng maayos. "Pwede bang huwag mo na akong lapitan?"
Nagulat ito sa sinabi niya may nabasa siyang sakit sa mga mata nito and she wants to take her words back pero hindi niya ginawa. Kinuha lang niya ang tray mula sa kamay nito at nagmamadaling bumalik sa bakery. Pagpasok niya agad niyang nakita si Makisig at ang tatay niya sa may counter abala sa pagkuha ng orders, inilapag lang niya ang tray sa ibabaw ng counter at tumakbo papunta sa silid niya at nagkulong.
TBC
PS: Photos CTTO
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
NouvellesPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...