Feeling sad
Iyon ang natatanging sinulat niya sa kanyang blog entry dahil hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya, she just feel like p
osting something to ease some unwanted feelings she just felt so restless all of a sudden dahil na rin sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
@Yumi why are you feeling sad L
Napangiti siyang bigla ng may magcomment agad sa kanyang walang kakwenta-kwentang blog entry.
Hi @SweetTooth wala lang, just feeling sad lang dahil pakiramdam ko ay basted agad ako. Nakakahiya ang ginawa ko.
Agad itong nagreply sa kanya.
Baka naman iba lang ang interpretation mo sa naging reaction niya.
Iniisip pa niya ang reply niya ng marinig niyang tinatawag na siya ng kapatid niyang kanina pa excited sa lakad nilang dalawa.
"Ate, baka hindi na ako makapag-take ng entrance exam." Reklamo nito sa kanya.
"OA ka na Makisig mag-papasa ka pa nga lang ng form malayo pa ang entrance exam." Angil niya dito, dahil malapit na itong makagraduate ng high school kaya hinayaan nalang nila itong maghanap ng university na gustong pasukan nito. Maswerte pa rin ang kapatid niya dahil hindi ito napasama sa first batch ng bagong education system sa Pilipinas.
"Basta dali na." pangungulit uli nito sa kanya, nagreply muna siya kay @SweetTooth.
@SweetTooth thank you for your kind words, I'm gonna stop
"Ay ano ba!" tili niya ng biglang batuhin siya ni Makisig ng kung anong bagay kaya napindot tuloy niya ng wala sa oras ang enter at nag-automatic shutdown na rin ang kanyang tablet dahil sa nalow battery na ito. "Oo na, tayo na kaasar ka."
Lumabas na siya ng kanyang silid at natagpuan si Makisig na prenteng-prente na nakaupo sa sofa habang kandong si Yuhan na natutulog. Ang aso niya sobrang takaw sa tulog, masandal lang saglit tulog na at sobrang lakas na ring kumain.
"Let's go." Aniya, tiningnan siya ng kapatid niya mula ulo hanggang paa. "I'm back to normal na bro kaya huwag ka."
"Wala naman akong sinabi." Pagtatanggol nito sa sarili nito.
"Yumi dadalhin mo ba ang sasakyan?" tanong ng nanay niya.
"Magtataxi lang kami Nay, may idedeliver pa kayo mamaya kaya kayo nalang ang magdala sa sasakyan."
"Mag-ingat kayo sa biyahe."
"Opo," sabay na sagot nilang dalawa, nasa labas na sila at naghihintay ng taxi.
"Ate pahinging pera."
"Huh? May pera ka naman ah." Nagpapartime ito sa bakeshop nila para may additional income and savings din ang kapatid niya na sa kanya mismo. Ayaw kasi nilang matulad ito sa ibang mga kaibigan nito na umaasa lang sa mga magulang para mabuhay, lalaki kasi ang kapatid niya at kung nagawa sa kanya ng kanyang mga magulang na turuan siyang maging matipid at magsikap dapat ay alam din ng kapatid niya lalo pa at lalaki ito, paano nalang ito kapag nag-asawa na ito at nagkapamilya.
Napakamot ito ng ulo. "Ang kuripot mo talaga."
"Sige bibigyan kita ng pera pero ikaw ang magbabayad sa taxi at sa entrance examination fee mo okay lang ba iyon?"
"Sabi ko nga ikaw na." pumalakpak ito. "Ikaw na ate ang iboboto ko sa senado."
"Ulol." Pumara na sila ng taxi at habang nasa taxi sila ay tahimik lang siya at nakikinig sa music na galing sa stereo ng sinasakyan, napangiti nalang siya ng marinig ang kanta. 'Black magic' by Little Mix, ewan ba niya pero trip na trip kasi niya ang kantang iyon she just love how the lyrics makes her smile.
Para kasing siya iyon sabi ng isa sa naunang client niya, she's like selling a love potion- scratch that- she is baking something na may love potion na kapag ibinibigay sa taong mahal nila ay nakukuha nga nila ang loob ng nililigawan nila. She knew it was absurd pero dahil na rin sa paniniwala ng mga customers nila kaya pabalik-balik ang mga ito sa kanya. Hindi naman siya naniniwala doon dahil kung totoo iyon bakit hate pa rin siya ni Howard hanggang ngayon?
Namimiss na niya ito, gustuhin man niyang puntahan ito sa bahay nito para kulitin ay hindi pa ready ang puso niya na mapahiya uli. Nakakahiya na nga iyong nagawa niyang magsuot ng ganoong klaseng damit at rumampa sa harap nito para lang palayasin nito, chill-chill muna siya.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya ng huminto sila sa harap ng university na gustong pasukan ng kapatid niya. Pagkatapos magbayad ay pumasok na sila at hinanap ang testing center, mabuti nalang at uso ang elevators sa university na iyon dahil magrereklamo talaga siya.
"Ate ako lang ang papasok sa loob." Untag ni Kisig sa kanya.
"Ganoon ba? Dito lang ako itext mo ako or call me if you need me." Kumuha siya ng pera sa wallet niya at ibinigay sa kapatid niya. "Magtotour lang ako sa future school mo." Tumango lang ito and after she wished her brother good luck ay naglakad-lakad na siya kaso sa dami ng mga nalikuan niya kanina she doubt it mahahanap agad niya ang testing center office, magtatanong nalang siya mamaya o kaya naman ay hayaan niyang hanapin siya ni Makisig.
Napadaan siya sa isang glass walls na maraming nakapaskil na mga posters ng mga plays at kung anu-anong announcement kaya binasa niya iyon. May mga scholarships abroad doon, pwede niyang ipatapon si Makisig sa ibang bansa. She is about to read another poster when suddenly the glass wall opened, hindi pala iyon wall lang it's an office!
"Yumi?"
Napatanga siya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon kasabay ng malakas na pagkabog ng puso niya, ang pamamawis ng kanyang mga palad at ang panlalaki ng kanyang mga mata. Paanong napunta si Howard doon? Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo dito, sigurado siyang pinaglalaruan lang siya ng kanyang mga mata, it wasn't Howard! Iyong lakad niya ay naging takbo na, gusto lang niyang makalayo sa aparisyon nito.
tbc
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
Historia CortaPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...