"Pupunta ka ba sa birthday ni Howard?" iyon ang pambungad na tanong ni Pamela ng madatnan siya nito sa bakery. Katatapos lang niyang ilagay sa mga box ang mga bagong deliveries habang hinihintay niyang maluto iyong next batch ng mga cakes ng idedeliver uli. "Baka hindi ka na niya masyadong makilala ang haggard-haggard mo na friend, hindi ba uso sa iyo ang salitang pahinga at relax?"
"Kung gusto kong makapunta sa birthday ni Howard kailangan kong tapusin ang mga orders hanggang sa Saturday orders. Kailangan kong pumunta may mahalaga daw kasi siyang sasabihin baka magtatapat na siya sa akin." Biro lang niya iyong huling sinabi niya, siya talaga ang magtatapat kay Howard. Mabuti nalang at nahanap ni Makisig iyong nakita niyang magandang pangregalo dito sa internet, ito na ang pinabili niya ng magdeliver ito. Hindi kasi siya makalabas ng kusina, kung makalabas man siya ay hanggang sa bakery lang.
"Saan ba si tita Celis at mukhang ikaw lang ang gumagawa nito?"
"Mataas ang lagnat ni Nanay, akala namin ubo lang pero hindi pala. Kailangan niyang magpahinga at matulog muna." Sumunod ito sa kanya sa loob ng kitchen at malakas na napasinghap ng makita ang mga cakes doon na pinapalamig pa niya, ang iba ay hindi pa nalalagyan ng fondant at icing, iyong iba naman ay nasa lalagyan pa, iyong mga tapos na kalalabas lang niya kanina.
"Bakit hindi nalang kayo magcancel ng orders mukhang hindi mo na ito kakayanin, eh."
Ngumiti lang siya sa kaibigan niya. "Kapag magka-cancel ng orders kailangang one week before the date of delivery. Kaya ko naman itong tapusin hanggang bukas ng hapon before Howard's birthday. Baka bukas magaling na si nanay pwede na niya akong matulungan."
"Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Nag-aalala ang mukha nito. "Ang putla-putla mo na."
"Maputi lang talaga ako." Naglagay na siya ng icing sa isang cake habang kausap ito.
"Iba ang maputi sa maputla, naku friend, kapag natapos ka niyang ginagawa mong sobrang dami magpahinga ka rin ha, alalahanin mo puhunan natin ang katawan natin." Ngumiti lang siya dito.
"I will, kailangan ko lang talagang tapusin ang lahat ng ito."
"Kung may alam lang talaga ako sa mga ganyan kanina pa kita tinulungan kaso hanggang sa pag-aarrange lang ng flower ang alam ko."
"Naku, ano ka ba naman Pamela. Okay lang talaga ako bukas na bukas magpapahinga ako." Tumikhim siya lalo pa at biglang nangati ang kanyang lalamunan. Kumuha siya ng tubig at iyon ang inubos niya.
"Are you sure?"
"Sure na sure alam mo naman na hindi ako pwedeng hindi pumunta sa birthday ni Howard, magtatapat na kaya iyon sa akin—ay ako pala ang magtatapat sa kanya magpopropose na ako bukas."
"Ganoon? Ikaw talaga ang magpopropose? Ano ba ang gift mo sa kanya engagement ring?" natatawang tanong nito.
"Hindi ko pa afford ang engagement ring pero pinagpuyatan ko siyang gawin last night, hindi mahal pero sigurado akong buong puso kong ibinigay ang lahat ng makakaya ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
Short StoryPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...