Paano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo.
Akala mo lang pala.
Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Yumi!" untag sa kanya ni Gareth ng madatnan siya nito sa loob ng bakery na nakatulala, sino ba ang hindi matutulala kung kaninang umaga ay parang may bombang naglanding sa noo mo, direct spot on... "Okay ka lang ba?"
Kinapa niya ang dibdi niya, sasabihin ba niyang hindi siya okay at sobrang lakas ng tibok ng puso niya? Sasabihin ba niyang maniniwala na siya kay Howard dahil sinabi nitong mahal siya nito at sasabihin din niyang mahal din niya ito—kaso ang hirap talagang maniwala eh.
"Parang."
"ANong parang?" tumawa ito sa kanya. "May nabalitaan akong balita na bali-balita sa mga kapitbahay natin, nagtapat na pala sa iyo ng pagmamahal si Howard. Finally the man got his balls back."
Napatingin siya dito. "Alam mo?"
"Alin ang alam ko? Alam kong nagtapat na siya sa iyo o ang alam kong matagal na siyang natotorpeng manligaw sa iyo?"
Napaawang ang kanyang mga labi. "Alam mong matagal na siyang may gusto sa akin?"manghang tanong niya.
"Alam na ng lahat ikaw lang yata ang hindi pa. Hindi ka kasi nagpupunta sa basketball court, kapag naglalaro sila palagi nilang pustahan na manliligaw si Howard kapag natalo o magbabayad ng pusta, kawawang nilalang palaging namumulubi ang bulsa."
"Really?" totoo pala talaga ang sinabi ni Howard sa kanya.
"My friend!" sigaw ni Pamela sa kanya. "Finally! Narinig ko mula sa kapitbahay ng kaibigan ng pinsan ng kapatid ng kinakasama ng kuya ng dati kong assistant sa flower shop na finally as in finally nagawa ng magtapat sa iyo si Howard." Tumili ito ng pagkalakas-lakas. "Ayeeeee, kinikilig ako ano ba. Akala ko talaga hindi na makakapagtapat sa iyo ang letseng lalaking iyon kaya pala inubos niya ang laman ng flower shop kanina para ipadeliver dito dahil nagtapat na pala siya sa iyo." Para itong nakuryente habang nagkukwento kaya si Yuhan ay tahol ng tahol na para bang nagshe-share ng same feelings sa mga kaibigan niya.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay pumasok na si Vanessa na mukhang kagagaling lang sa pagkain dahil may ketchup pa sa pisngi nito.
"Hola me amega heto me makikichika." Pormal na pambungad nito pero saglit lang ay nagtatalon at nagtitili na ito sabay yakap kay Gareth at Pamela na para bang nilagyan ng higad ang panty. "Ang matris ko nalaglag na sa sobrang saya ko."
"Friend ang bra mo walang foam."
"Che!" humarap ito sa kanya pero bago pa magsalita ay lumapit muna ito kay Yuhan. "Say Yuhan, finally nagtapat na ang tunay na master mo. Worth it ang pagkakabili niya sa iyon ng thirty thousang pesos."
Kumunot na naman ang noo niya sa sinabi ni Vanessa hindi niya alam iyon eh akala niya ay kusang ibinigay iyon ng kaibigan niya sa kanya. Pero di ba seven thousand lang iyong offer nito o mas mababa pa sa kanya, anong nangyari?
"Binili ni Howard iyan para sa akin?"
"Of course, biniro ko lang naman siya. Sinabi kong bibilhin mo ang asong ito ng thirty thousand pesos pero pag-iipunan mo pa pero mas galante siya friend dahil hindi ko pa nasasabing joke ay naglabas na siya ng thirty thousand pesos in cash. And business is business it's a big amount of money so naibenta ko tutal para sa iyo din naman iyon kaya masaya ako."
Oh.My.God.
Talaga bang mahal nga siya ni Howard.
"Nandito na kami, nalaman namin na nanligaw na daw si Howard. Sa wakas tumapang na rin ang bata namin." Nagsipasukan sa bakery ang mga kaibigan nitong lalaki pati si Earl at Nico ay nandoon.
"Earl, akala ko ba nasa China ka?"
"Kababalik ko lang kanina tapos na iyong inaayos ko." Bigla itong napasulyap sa isa sa mga kaibigan niya at ngumiti pero iningusan lang ito ng isa. She smell something fishy.
"Nagkaayos na ba kayo? Sinagot mo na? Pahirapan mo muna." Nakangising wika ni Nicolo. "Masakit din iyong suntok niya."
"Suntok?"
"Nagboxing kami sabi niya kapag natalo ako kailangan kong tapusin ang panliligaw ko sa iyo natalo ako, masakit siyang manuntok gigil na gigil." Tumawa naman si Earl na nakarinig sa sinabi ni Nico na para bang naranasan din nito ang naranasan nito.
"Ganyan siya kagaling mambakod, ang cool-cool niyang umakto pero kapag may lalaking lumalapit sa iyo ay sobrang selos na selos." Sambit naman ng isa pang lalaki na kapitbahay nila, si Johannes AKA Hanz. "Torpe problems mabuti nalang at hindi nakakahawa ang katorpehan ayokong mahawa."
"Lels ka Hanz hindi mo nga kayang mag-hi kay Sweetheart ikaw yata ang father of all the torpes in the world." Kantyaw ng mga kaibigan ng mga ito.
"Yumi huwag kang maniwala kay Howard kapag sinabi niyang hindi niya gusto ang cakes and pastries mo dahil ang totoo siya pa nga ang pinakaunang umubos sa mga gawa mo. Sinusuhulan niya ang kapatid niyang si Hannah para bumili kasi nahihiya siyang bumili noong sinabi niyang he hates your pastries. Pasimple lang iyon, iyon ngang tart na ibinigay mo sa knaya na itinapon mo nakipag-agawan pa siya sa basurero dahil kinuha niya iyon patay na patay iyon sa iyo at adik na adik iyon sa mga sweets mo."
Nagtawanan naman ang mga barkada nito, mukhang masaya pa ang mga ito na ilaglag ang pobreng kaibigan sa kanya. And infairness to them, tinulungan siya ng mga itong magdesisyon, tumulong ang mga ito na mas malinawan siya. Howard might not be perfect torpe din, mas may lakas ng loob pa siyang magtapat dito keysa ito na magtapat sa kanya. It took him years to finally say what he wants to say.
Ang gago lang.
Gumagaan ang pakiramdam niya dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan nito pero—pero hindi niya muna sasabihin na tinatanggap na niya ang nararamdaman nito sa kanya. Gusto din niyang mag-effort ito, gusto niyang mafeel na sobrang haba ng hair niya gusto niyang matalo si Rapunzel, tingnan natin kung makakaya ba nitong gawin iyon.