18- Nosebleed

39.2K 1K 69
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"May sasabihin ka Yumi?" takang untag nito sa kanya, napakurap siya at napatingin dito. Mabuti nalang at sa isip niya lang nasabi ang mga salitang iyon dahil baka ano pa ang isipin nito. Ngumiti lang siya at saka kumilos para magsalin ng ice tea para dito.

"Gusto mo ng ice tea pampawala ng alat." Tinanggap naman nito ang ice tea at mabilis na inubos iyon, alam niyang hindi talaga masarap ang luto niya but still he ate it and tried not to hurt her feelings. That makes her love him more.

"Thanks for the foods."

"No, thank you for eating it." Kinuha niya ang papel na kanina pa niya hawak. "Mag-iinterview lang ako siyempre dahil nanliligaw ako kailangan marami akong malaman tungkol sa iyo."

"I don't-."

"Sssshhh, what is your favorite color?"

"Do I need to answer that stupid question?"

"Yes, you need to answer this stupid question. Dali na sagot na."

"Green." Sinulat niya ang sinabi nito.

"Your favorite food."

"Anything as long as it's not your pastries." Inirapan lang niya ito alam kasi niya na kumakain talaga ito kapag hindi lang nito alam na siya ang gumawa okay na iyon sa kanya. Marami pa siyang tinanong nito.

"Anong type mong babae?"

Mukhang nagulat ito sa tanong niya pero sumagot naman. "Long legged." Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. "Gusto ko ng morena." Napangiwi siya habang sinusulat ang sinabi nito. "At maiksi ang buhok, gusto ko ng sporty type at hindi maarte sa katawan."

Nasapo niya ang kanyang dibdib ng biglang may kumurot doon, pabiro niyang binalingan ang binata.

"Ang ouch ha, exact opposite ko kaya ito." Paano siya magkakalong legged kung petite siya, hindi siya morena dahil maputi siya, at mahaba ang buhok niya! At mas lalong hindi siya iyong sporty type ang pagjojogging nga lang sa isip sobrang kapagod na. "But I will change that, dapat ako ang magustuhan mo. I will change your type." Determinadong saad niya.

Bumabang bigla ang mga mata nito sa ibaba ng mukha niya. "And I want my woman to have boobs, imposibleng papasa ka." He snickers, kusang nag-init ang kanyang pisngi at napayakap ang sarili niya.

"May boobs ako 'no hindi lang halata." Inis na pakli niya.

"Hmn, saang banda sa likod mo?" inis na hinampas niya ito na sinangga lang nito.

"Kaasar ka may boobs ako," napapahiya na siya dito kaasar talaga ang lalaking ito. "I swear sasambahin mo rin ako Howard Enriquez itaga mo iyan sa pinakamatigas na bra na may makapal na padding na makikita ko. Maglalaway ka rin sa akin."

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon