NASA labas siya ng kanilang bakeshop at inaayos ang mga designs na ginulo ng malakas na ulan kagabi. Mabuti nalang at iyong mga halaman nila ay nasa ayos pa pero iyong iba kailangan pa niyang isaayos sa paso kasi natumba sayang naman alam kasi niyang mabubuhay pa ang mga iyon. Inutusan na niya si Makisig na bumili ng mga paso ito nalang ang hinihintay nila.
"Akyatin ko nalang kaya." Aniya habang nakatingin sa floral decorations na nasa pinakataas na bahagi ng pintuan ng shop. Wala pa namang customer kaya pwede pa niya iyong ayusin, dahil nakalimutan niya kung saan nailagay ng tatay niya ang hagdanan kaya kumuha siya ng stool para patungan. Dahil hindi naman siya katangkaran kaya kailangan niyang pagpatungin ang mga stools, mga apat tapos kailangan pa niyang magtiptoe para maabot iyon. Magdadagdag pa sana siya pero parang hindi na kaya ng mga upuan. Umakyat na siya para abutin ang natanggal na design kaya lang... parang... lumilindol ang buong paligid niya dahil ng nasa tip na ng mga daliri niya ang kanyang kanina pa pilit inaabot ay hindi na niya naabot at napatili nalang ng malakas ng bigla siyang natumba sa kinatatayuang mga silya.
Isang malakas na lagabog ang maririnig sa buong bakeshop nila kasabay ng mahinang pagdaing niya sapagkat sinalo siya ng matigas na sahig. At hindi lang iyon akala niya ay mamamatay na siya ng pati ang mga silya ay nakiisa sa kamalasan niya at natumba sa mismong katawan niya. Hindi naman nakakamatay ang sakit pero ang impact ang nakakawala ng ulirat.
"Is that a new magic trick?" nagmulat siya ng mata at saka napatingin sa gwapong mukha ni Howard na nakayuko at nakatingin sa kanya. Gusto sana niya itong sagutin at barahin pero hindi kinaya ng katawan niya. "Don't do that again nagmumukha kang ewan." Inalis lang nito ang silya sa tiyan niya pero hindi man lang siya tinulungang tumayo at saka pumasok sa loob ng kanilang shop. Naiwan siyang nakahiga sa kalsada, pinilit niyang tumayo nakahinga ng maluwang ng maramdamang ang masakit lang sa kanya ay ang puwet niya, ang binti niya ang braso niya at ang tiyan niya. May kaunting galos din siya.
Pinilit din niyang tumayo at sa halip na pumasok sa loob ng bakeshop ay umikot siya, doon siya papasok sa dirty kitchen nila. Ayaw niyang makita siya ni Howard at pagtawanan lang dahil sa katangahan niya. Pero bakit ganoon? Bakit may kaunti siyang sakit na naramdaman ng hindi siya nito tinulungang tumayo? Tinulungan siya nitong alisin iyong mga silya pero talaga bang ayaw nito sa kanya at kahit pakitang-tao lang ay hindi siya nito tinulungang tumayo?
Hindi siya gentleman... hindi na niya ito papakainin ng free taste na mga pastries niya. Natatakot siya sa nararamdaman niya dito, nakakaasar na lalaki. She opened the door pero may nauna ng nagbukas ng pintuan at ang nakakunot na noo ng lalaki ang nakita niya.
"Bakit ka tumayo? Bakit hindi ka naghintay, I called the hospital. Paano kung may bali ka sa tadyang o kaya naman sa braso mo? Hindi mo man lang ba naisip iyon?" sunod-sunod na tanong mali pala sermon nito sa kanya. Nagulat siya siyempre sa sinabi nito kaya siguro hindi siya nakakilos.
"Okay ka lang ba?" naging malamlam na ang titig at tinig nito sa kanya, bumakas ang pag-aalala kaya mas lalo siyang hindi naging okay.
"I am not." Hindi okay sa kanya na makaramdam ng ganito, nakakakaba, ang lakas ng pintig ng puso niya parang mali, sobrang mali.
"Can you walk?" tumango lang siya hanggang sa naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya, ang pag-ikot ng braso nito sa kanyang mga balikat, ang pag-alalay nito sa kanyang makalakad na kulang nalang ay buhatin siya natatakot lang siguro na baka kapag ginawa nito iyon ay tuluyan ng mabali ang hindi pwedeng mabali. "Masakit ba ang binti mo kapag humahakbang ka?"
Ang bango nito! Iyon agad ang nasa isip niya, nakakabaliw ang sobrang bango ng lalaki kaya nakakawala ng ulirat. Gusto niyang mahimatay sa mismong mga braso nito kahit na mabali ang pwedeng mabali sa kanya ay okay lang kasi naman... kasi naman sa bisig palang nito solve na siya.
"Should I carry you?"
She blushed, pero hindi nito alam iyon. Naisip kasi niyang kapag kinarga siya nito ay baka magpanggap na siyang may sakit sa ngala-ngala huwag lang siya nitong ibaba. Pero dahil may hiya pa naman siya kaya umiling siya. Tinulungan siya nitong umup tamang-tama naman na may pumasok sa sala nila, ang nanay at tatay niya tapos may isang magandang babae na nakasuot ng doctor's robe. Si Honeylee ang pediatrician ng kanilang village.
"Anong nangyari sa iyo Yumi?"
"Naaksidente po nay, inaayos ko kasi iyong designs na tumabingi sa labas pero natumba ako." Mahinang sagot niya.
"Kaya pala parang kakatayin na ako ni kuya ng tawagan niya ako kanina." Kuya? Pinagmasdan niya ang dalawa, may pagkakahawig silang dalawa. "Kilala mo na ako hindi ba? I'm Honeylee, you can call me Nell for short." May inilabas itong cellphone at saka ibinigay kay Howard. "Naiwan mo sa clinic ko kuya."
"Thanks." May nabasa siyang pagkainip sa mukha ni Howard. "Dalian mo na ang trabaho mo."
"Kung makautos lang wagas tandaan mo pediatrician ako."
"Doktor ka pa rin kaya gamutin mo na siya." utos nito sa babaeng doktora. Ang nanay at tatay naman niya ay tahimik lang pero ngingiti-ngiti lang. Napatingin lang siya kay Howard, hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito para kasing nawawala ang sakit niya habang nakatingin dito... isn't it weird?
Habang ginagamot siya ay nakatitig lang siya dito hanggang sa maalala ang isang napakaimportanteng bagay.
"Tama!" sigaw niya na ikinagulat ng lahat ng nasa sala pati ang kapapasok lang niyang kapatid ay nagulat sa sigaw niya, lahat sila ay napatingin na sa kanya. "Kisig," tawag niya sa kapatid. "Kunin mo nga iyong inilagay ko sa ref iyong nakablue na box." Agad namang tumalima ang kanyang kapatid. Paglabas nito ay dalawang box na ang bitbit nito pero iyong isa nakabukas na dahil kasalukuyan pa nitong kinakain iyong isa naman ay ibinigay nito sa kanya.
"Kay Howard mo ibigay."
"I don't eat-."
"Sige na." pamimilit niya dito. "Thank you gift na rin iyan for saving me earlier baka hindi ka dumating ay napisa na ang matris ko at hindi na talaga ako magkaanak in the near future. Ang laki ng tulong mo sa akin kaya kainin mo na iyan hindi mo naman kailangang sabihin nna masarap, I'll spare you this time."
Iyon ang sinabi niya but deep inside she is hoping na sana ay sabihin nitong masarap, sana... sana lang.
Wala itong nagawa kundi an kainin ang ibinigay niya dala na rin siguro ng hiya sa mga magulang niyang nakamasid lang dito. Kumain ito at saka tiningnan siya, bigla tuloy siyang naconscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya...
"Nothing's changed Yumi." Sagot nito sa kanya, feeling disappointed pero kahit iyon ang sagot nito sa dessert na pinagpuyatan niya ng husto ay okay lang sa kanya. Kahit sabihin nitong nothing is changed but deep inside her heart... may nagbago... hindi ito kundi siya.
"Bago mong recipe ito ate hindi ba? May nag-order ba sa iyo nito?" tanong ni Makisig pero ngumiti at umiling lang siya dito.
"Ginawa ko lang talaga iyan." Sagot na lang niya, gusto sana niyang sabihin na si Howard ang nasa isip niya ng gawin niya ang dessert na iyon pero huwag nalang baka kasi ano pa ang isipin nito, sapat na sigurong makain nito ang gawa niya kahit na sabihin nitong hindi pa rin masarap. SI Howard iyan eh, malakas yata ito sa kanya.
TBC
BINABASA MO ANG
Black Magic: Sweet (COMPLETED)
Historia CortaPaano kung isang araw makita mo ang perfect match mo, akala mo siya na. Akala mo siya na icing sa ibabaw ng cupcake mo. Akala mo lang pala. Dahil hindi madaling tanggapin na kung sino pa ang akala mong perfect match mo ay ang bubuhos ng kape sa iyo...