24- Gift

36.5K 1K 44
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


24

"NAY!" Tinakbo niya ang counter at ang kanilang dirty kitchen habang hawak-hawak ang logbook kung saan nila sinusulat ang mga orders nila. "Nanay, bakit?" humihingal na tanong niya dito. "Bakit, nay?- Aray!" hiyaw niya ng batukan siya nito gamit ang hawak nitong sandok. "Masakit iyon Nay ha." Reklamo niya.

"Kung makasigaw ka diyan akala mo may namatay na, ano ba ang nangyari sa iyo?" bumalik ito sa pagluluto habang siya ay kung anu-anong senyas ang ginawa dahil wala siyang mabuong letra at salita sa utak niya, paturo-turo pa siya sa nakabukas na logbook sa kamay niya. "Mayumi masakit ang ulo ko at para yatang lalagnatin ako, kung wala kang sasabihing matino bumalik ka na sa bakery." Sita nito sa kanya.

"Nay, bakit hindi niyo sinabing birthday na pala ni Howard sa sabado. Two days nalang at birthday na niya at wala akong maisip na regalo para sa kanya." Ayon, finally, naisatinig na rin niya ang dapat ay matagal na niyang sinabi. "Bakit--- sinabon ko naman!"

"Mayumi!" ngumisi lang siya sa nanay niya at nagpacute.

"Nay, okay lang ba kung." Sumayaw siya ng sexy sa harap ng nanay niya pero efic fail naman dahil kasing tigas ng bakal ang katawan niya. "Kung ang regalo ko kay Howard ay ang aking alindog?"

"Bahala ka alindog mo naman iyan, mabuti nga at iregalo mo na iyan dahil nangangamoy expired ka na." sinapo niya ang kanyang dibdib kunwari ay nasaktan siya sa sinabi ng nanay niya.

"Nanay naman eh wala kang support sa unica hija mo. Dapat ay suportahan mo ako pipikutin ko si Howard sa birthday niya para bukas na bukas ay may apo na kayo."

"Kailan ka pa naging alien? Expired na iyang mga itlog mo."

"Nanay! My eggs are fresh pwedeng-pwede pa itong makabuo ng bata. Pero hindi nga nanay, feeling ko malaki ang chance kong mapikot si Howard kung tutulungan mo ako." Umikot siya sa kitchen island at saka humarap sa nanay niya. "Lagyan niyo ng gayuma ang cake niya Nay tapos kailangan nandoon ako sa harap niya habang kumakain siya para mas effective at ako lang talaga ang magustuhan niya." paliwanag niya. "Tapos hindi ako uuwi kinagabihan dahil gagawa kami ng apo niyo."

"Magbilang ka na nga lang ng pera doon para magising ka." Narinig niyang umubo ito, mukhang hindi maganda ang ubo ng ina niya.

"Mukhang malala na iyang ubo niyo Nay, hindi kaya TB na iyan?"

Marahas itong napabuntong-hininga. "Naku talagang bata ka minsan naisip ko kung ikaw ba talaga ang galing sa sinapupunan ko baka nagkamali kami ng kuha sa nursery room." Nailing na ani nito.

"Joke lang naman Nay, pero hindi nga magpahinga ka po kaya muna." Nag-aalalang wika niya dito. Umubo uli ito.

"Kumakati lang ang lalamunan ko iinom lang ako ng gamot tapos mawawala din ito. At saka hindi ako pwedeng magpahinga dahil gagawan ko pa ng cake si Howard, hindi ko pa nasisimulan ang cake niya dahil sa dami ng orders."

"Ako nalang po ang gagawa sa ibang orders Nanay, kayo na po ang gumawa sa cake ni Howard."

"Hindi mo kaya masyadong marami, mahihirapan ka sa pagdedesign."

"Kaya ko po iyan pero kayo po hindi niyo na po kaya baka tuluyan po kayong magkasakit." Nag-aalalang ani niya.

"Ikaw na rin ang gumawa ng kay Howard."

"Ah, eh..." napakamot siya ng batok. "Diyan tayo may problema Nay, alam niyo bang ayaw na ayaw ni Howard sa mga cake at pastries na gawa ko. Hindi siya nasasarapan, mas gusto niya ang gawa mo at birthday niya iyon eh. Ayokong mapasama sa kanya kapag ako ang gumawa ng cake niya baka po hindi na po talaga kayo magkaapo."

"Bakit naman ayaw niya masarap naman ang mga gawa mo?"

"May mga rason po siya kung anuman iyon nirerespeto koi yon,"

Bumuntong-hininga ang nanay niya. "Sigurado ka bang kaya mong gawin ang ibang mga orders?"

"Opo naman, si Makisig na muna ang bahala sa bakery habang nandito ako. Sisimulan ko mamayang gabi, babasahin at ililista ko uli ang mga orders para mapag-aralan ko ang mga designs. "Wala pa naman si tatay ngayon."

Bumalik siya sa kanyang dating puwesto at saka tiningnan ang mga orders, hindi nga nagbibiro ang nanay niya ng sabihin nitong marami ang orders. Parang sasabog ang utak niya sa kaiisip kung paano niya pagkakasyahin ang oras niya sa paggawa ng mga iyon. Kung ang tingin ng iba ay sobrang dali ng paggawa ng mga cakes at designs maling-mali sila. Mahirap gawin lalo pa kung sobrang dami ng orders, gaya nalang ng twenty chocolate cakes na ipapadeliver sa isang kompanya para sa mga empleyadong nagbibirthday doon. Every day ay iyon ang orders nila kaya nga masyado silang busy, bukas kailangan ng twenty cakes, sa Friday ay fifteen, may dalawang birthday cake pa on the rush at ang cake ni Howard. At least safe na iyong kay Howard dahil gagawin na iyon ng nanay niya.

Malalim ang kanyang iniisip ng bumukas ang pintuan ng bakery, "Masyado yatang malalim ang iniisip mo." Untag ng customer nila.

"Oo eh ang dami kasing orders." Wala sa sariling sagot niya.

"Hindi pala kita mayayayang magdate ngayon?" she snapped her head forward and saw Howard smiling at her.

"Howard! Kanina ka pa?"

He chuckled. "Mukha ngang busy ka." Ngumiti siya dito.

"Iniisip ko lang kung ano ang pwede kong iregalo sa birthday mo."

"You don't have to give me anything."

Tumawa siya at naalala ang sinabi niya sa nanay niya dito. "Actually, may ibibigay sana nga ako nagpaalam na ako sa nanay ko kanina. Sabi ko ibibigay ko ang sarili ko sa iyo bilang regalo, pwede mo akong gawing tagalaba, tagahugas, tagalinis, tagaluto, pwede mo rin akong gawing asawa kung gusto mo may instant maid ka pa. Kaya lang si nanay walang support kaya iba nalang ang ibibigay ko, ano bang gusto mo na hindi mo makuha at ako ang kukuha sa iyo."

"Your first choice of present is actually tempting," sabi nito na nakakibit-balikat sa kanya. "Linayasan ako ng katulong ko kaya wala akong katulong sa bahay ngayon."

"Tsk, akala ko pa naman iyong maging asawa mo." Tumawa siya. "Hindi nga ano bang gusto mong gift? Ang hirap mong bigyan ng regalo."

"Actually, simple lang naman ang gusto ko."

"Talaga? Gaano ba kasimple iyan baka naman mahal iyan ha."

"Mahal nga."

"Naku Howard ang usapan natin, mag-iipon pa ako pang-dowry sa iyo. Pero sige parinig na rin baka makahanap ako ng alternative na hindi masyadong mahal." Her focus is on him waiting for him to answer her.

"Be there."

"Alin? I mean ano?"

"Punta ka sa birthday ko sapat na iyong regalo mo sa akin."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ganoon lang naman pala kasimple, akala ko pa naman kung gaano kamahal." Bulalas niya.

"Mahal nga." Makahulugang wika nito. "Sobra."



TBC

PS: Photos CTTO

Black Magic: Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon