***
Hailey's POV
"Magligpit ka na, aalis na tayo bukas." Sabi ni Daddy.
2 weeks ago namatay si Mommy dahil sa car accident. 7 years old pa lang ako, at tanging si Daddy nalang ang makakasama ko paglaki.
Pumasok si Daddy sa kwarto pagkatapos, pumasok din ako sa kwarto ko at nagsimula akong magligpit.
Konti lang ang mga gamit ko, nilagay ko lahat ng mga damit at iba pang gamit sa 2 kong bag. Pagkatapos kong magligpit, lumabas ako sa kwarto dala ang favourite teddy bear ko na si Raine na bigay ni Mommy at sinilip ko si Daddy, nakita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa picture nila Mommy.
"Dad? Are you okay?" Agad niyang pinunasan ang luha niya sa mga mata. At tumingin siya sa akin.
"Halika dito." Sabi ni Dad.
Lumpit ako sa kama kung saan nakaupo si Daddy.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, tinitingnan ko lang ng picture namin ng Mom mo." Sabi niya at kinarga niya ako paakyat sa kama at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Alam mo naman kung ano ang nangyari ka Mommy, diba?" Sabi niya.
"Opo, Daddy. Namimiss ko na si Mom." Sabi ko at niyakap ko ng mahigpit si Daddy.
"Everything will be fine, sweetie. Let's move on and start a new life. Alam kong mahirap pero kailangan natin tong gawin. Kasi kapag matagal pa tayong mag-stay dito sa bahay, palagi nating maaalala ang Mommy mo." Explain ni Dad.
Alam ko, kahit saang sulok ng bahay marami kaming alaala kay Mom. Naiintindihan ko ang desisyon ni Daddy.
"Saan po pala tayo lilipat Dad?" Tanong ko sa kanya.
"Malapit sa Lolo't Lola mo." Sagot ni Dad. "May bahay at lupa ako don, pinamana ng Lolo mo sa akin, hindi namin yun naturhan dahil may bahay din ang Mommy mo, at ito yun. Matagal na din naming napagdesisyuhan ng Mommy mo na ibenta itong bahay at lilipat don, kaso nabuntis siya at ipinanganak ka kaya ipinagliban muna namin." Dagdag niya.
Niyakap ko nalang si Daddy ng mahigpit. Dahil inaantok na ako at nakatulog nasa tabi ni Daddy.
Kinaumagahan, nagising ako katabi si Raine pero wala si Daddy. Tumayo kaagad ako at kinuha ko si Raine at lumabas sa kwarto.
Bumaba ako at nakita ko ang mga gamit namin sa sala na nakahanda na.
"Dad?"
"I'm here sweetie!" Narinig ko ang boses ni Dad na nanggagaling sa kusina.
Tinungo ko ang kusina at nakita ko si Dad na nagluluto ng breakfast namin.
Simula nang nawala si Mommy, si Daddy a ang nagluluto, marunong din siyang magluto dahil may restaurant sila noon.
"Are you hungry?" Tanong ni Dad.
"Ta ocras urm, Dad (I am hungry, Dad)." Lumapit ako sa table, pinaupo ko si Raine sa kaliwa ko.
"Gutom na din po si Raine." Sabi ko kay Daddy, tumawa naman siya.
Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa simula nung nawala si Mom. Masaya din ako dahil nakita ko si Dad na tumawa.
Pinagpatuloy ni Daddy ang pagluluto niya. Tiningnan ko ang upuan sa kanan, naalala ko na naman si Mommy. Yung mga ngiti at tawa niya. Mga yakap niya. Yung good morning kiss niya. Nakakaiyak, pero ayokong makita ni Dad na naiiyak ako.
Tumayo ako at tinungo ang ref, binuksan ko ito at kinuha ko ang fresh milk at bumalik ako sa table.
Pinalaki nila ako na independent, ako na ng gumagawa sa mga simpleng gawain sa bahay.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...