Chapter 2: New Friend

10 1 0
                                    

***

Tyler's POV

Narinig ko kay kuya na may lilipat na daw sa kabilang bahay ngayon.

Ba't nae-excite ako? Sana may bata yung bagong kapit-bahay namin para may kaibigan na ako.

Hindi kasi ako gusto ng mga bata dito, lagi nila akong binubully. 'Payatot, iyakin... Etc.' Hindi ko naman kasundo si kuya Greg eh, malayo ang agwat ng edad namin. Mas matanda siya ng limang taon sa akin. Pero magkasundo din kami sa ibang mga bagay, kaso busy siya sa school, Grade 6 na kasi siya.

Wala na din akong Mommy, naghiwalay kasi sila ni Daddy nung 6 years old ako. Ang alam ko, nagpakasal si Mommy sa iba. Nagalit kami sa kanya kaya kay Daddy kami sumama.

--

7pm na at andito pa rin ako ngayon sa labas ng bahay hinihintay ko kasi yung lilipat sa katabing bahay... Bakit ang tagal? Baka bukas pa sila darating.

"Tyler, ba't nandito ka pa sa labas? Hinahanap ka ni Daddy, kakain na daw tayo." Sabi ni kuya Greg, nakasilip siya sa pintuan.

"Andiyan na po." Sabi ko, tumayo na ako at pumasok na sa bahay.

Sinundan ko lang si Kuya papuntang dining.

"Anong ginagawa mo sa labas, anak?" Tanong ni Daddy.

"Inaabangan mo siguro yung bagong kapitbahay natin no?" Singit ni Kuya.

"Eh, kasi... Akala ko nakalipat na sila." Sabi ko.

"Don't worry anak, alam kong makikilala mo din sila. Sige na, nakahanda na ang pagkain, kumain na tayo." Sabi ni Daddy.

Mahal na mahal talaga kami ni Daddy. Kaya mahal na mahal ko din siya. Naawa nga ako nung nakita kong nakipaghiwalay si Mommy sa kanya.

Kumain na kami...
Si kuya ang naghugas ng mga pinggan, schedule niya kasi ngayon. Si Daddy naman nasa sala, nanonood ng TV.

"Daddy, pwede ba akong lumabas? Doon lang ako sa bench." Paalam ko kay Daddy.

"Sige, basta wag kang lalabas ng gate kasi gabi na." Sabi ni Daddy.

"Opo, dad!" Tumakbo agad ako papuntang labas. Baka mag-iba pa ang isip niya.

8:50 pm na

Tiningnan ko agad ang kabilang bahay. May dalawang tao sa labas, babae at lalake, pero parang wala naman silang dalang gamit.

Sinandal ko ang ulo ko sa pader ng bahay, naiinip na kasi ako. May nakita akong paparating na kotse at may kasunod itong mini truck.

"Sila na siguro yun!" Bulong ko sa sarili ko.

Huminto ang kotse at ang mini truck sa harap ng bahay na lilipatan.

Nakita ko na bumaba ang lalaki sa kotse at agad namang lumapit yung dalawang tao sa kanya. Binuksan niya ang kabilang pinro ng kotse at parang may kinakausap siya. May lumabas namang batang babae at lumapit ito sa babae at niyakap niya.

Tumayo naman ako at pumasok ulit sa bahay, nahihiya kasi ako. Sinilip ko nalang sila sa bintana.

"Hoy, anong sinisilip mo dyan?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita si kuya.

"Ah eh kasi..." Nakita kong sumilip din si kuya.

"Hmmm, andito na pala ang bagong kapitbahay natin. At may batang babae." Nang binigkas niya yung batang babae, nakatingin siya sa akin. Bakit kaya?

"Ba't ka nakatingin?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, bawal bang tumingin?" Ang weird niyang ngumiti.

I Wish (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon