***
Ben's POV
Andito kami ngayon kina Paul, matagal-tagal na rin kaming hindi naka-bonding apat, ang last kasi naming nagkasama nang matagal ay nung time na namatay ang asawa ni Paul na si Natasha. Yun na siguro ang pinakadown na nangyari sa mag-ama. Nalulungkot talaga ako sa nangyari, unexpected kasi yun. Naaawa ako sa kanila lalo na kay Hailey kasi ang bata-bata pa niya. Tinulungan namin si Paul na iexplain kay Hailey ang nangyari sa mommy niya, sumasakit ang puso ko tuwing naaalala ko yun. One week din kasing hindi nagsasalita si Hailey, lagi nalang siyang nakayakap sa stuff toy niyang si Raine at umiiyak. Parang anak na naming tatlo si Hailey.
Buti nalang ngayon, unti-unti nang nakarecover si Hailey, masayang-masaya na ako ngayon nang nalaman kong mayroon na siyang kaibigan.
--flashback 2 weeks ago--
Pinatawag kami ng manager namin para pumirma ng contract sa bagong producer namin. Pagkatapos ng contract signing, napagdesisyunan naming pumunta sa bahay ni Mark dahil malapit lang ito.
"Kumusta ka na Paul?" Bati ni Mark. Habang pinaupo kaming tatlo sa couch.
"Eto, nakakamove-on na." Sagot niya.
"Mabuti naman, teka tatawagin ko muna si Manang Loida upang ipaghanda tayo nang makakain at maiinom." Tumayo si Mark at tinungo ang kusina.
"How about, Hailey?" Tanong ko kay Paul.
"It's good to see her happy right now. Alam niyo bang may kaibigan na siya?" Balita niya sa amin, nakikita ko rin sa mga mata ni Paul ang kasayahan.
"Really?" Sabay kami ni Christian.
"Yes, lagi nga silang magkasama araw-araw, hindi na mapaghiwalay. Nagppasalamat talaga ko kay Tyler, dahil sa kanya, unti-unting bumabalik ng kasiyahan ni Hailey." Sabi ni Paul.
"Tyler? Ang pangalan ng kaibigan ni Hailey? Lalaki?" Biglang natanong ni Christian... Alam kong anong iniisip niya, kilala na namin si Christian... Napasmirk pa siya nang sinabi niya yun.
Hinampas naman siya nang unan ni Paul sa balikat, ibig sabihin nagets niya rin, "Alam kong iniisip mo Chris, mga bata pa sila, ikaw talaga... Gusto mo bang maging lolo kaagad?" Natatawang sabi ni Paul.
Buti naman na nakikita ko nang masigla si Paul.
"Joke lang naman yun, eh" sabi ni Christian haang hinihimas niya yung braso niya. "But seriously, lumalaki na si Hailey, dun na siya lalaki sa bagong tinitirhan ninyo, what if magkadevelopan sila in the future?" Grabe pinanindigan talaga ni Christian.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Paul pero hindi siya galit. "Kung ano ang gusto ni Hailey, at kung yun man ang mangyari, I'll let her. Mabait naman si Tyler at kilala ko ang pamilya nila." Ngumiti naman siya.
Naputol bigla ang pag-uusap namin nang bumalik si Mark kasama si Manng Loida. Na may dalang pizza.
"Hmmm, smells good!" Sabi ni Paul, ng hilig talaga niya sa pagkain. Sa kanya namana ni Hailey ang pagkahilig sa pagkain.
Kinain namin ang inihanda ni Manang Loida, at uminom din kami ng konti.
"So next, next week gagawa na naman tayo ng bagong kanta para sa bago nating album." Sabi ni Christian.
"Oo nga, magiging busy na naman tayo. Namiss ko din ang mga interviews at concerts natin." Sabi ni Paul.
"May naisip na ba kayong kanta?" Tanong ni Mark.
"Wala pa... Kailangan natin ng lugar na mainspire tayo. (Tumingin ako kay Paul) sa inyo kaya Paul? Maayos na ba ang music room sa bahay niyo?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
SonstigesIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...