***
Tyler's POV
Hindi ko na muna sinabi kina Daddy at Kuya ang nakita ko. Sinabihan ko na rin si Hailey na wag sabihin sa kanila pati na rin sa Daddy niya. Sumang-ayon din naman siya.
Kinalimutan ko nalang ang part na yun.
Sunday...
Pumunta kami sa zoo kasama ang family nina Hailey. Nag-enjoy talaga kami sobra. Marami kaming pictures... Gabi na kaming nakauwi, nanood pa kasi kami ng sine. Sa restaurant na rin kami kumain ng hapunan. Enjoy talagang kasama ang pamilya nina Hailey.
--
"Tyler, gising na!" Naramdaman kong niyuyugyug ako ni Kuya habang natutulog pa ako.
"Ano ba, kuya..."
"Gising na... May pasok pa tayo. Ayokong ma-late." Sabi ni Kuya.
Oo nga! Monday ngayon...
Agad kong idinilat ang mga mata ko at bumangon.
"Ba't di mo kaagad akong ginising?" Pagmamaktol ko.
"Wag ka ngang magmaktok jan. Kanina pa kaya kita ginising jan... Dali na, maligo ka na." Tumayo na si Kuya at umalis na sa kwarto ko.
Kaagad kong binuksan ang pinto ng terrace ko nakita ko naman itong nakabukas, gising na yata si Hailey. Nang hindi ko mahagilap si Hailey, pumasok ako ulit at pumasok na sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, agad akong nag-ayos at nagbihis. Nang matapos na ako, lumabas ulit ako sa terrace at nakita ko si Hailey na dumaan.
"Hailey!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito at nakangiti.
"Hi, Tyler! Good morning!" Bati niya kaagad.
"Good morning, Hailey!"
"Sige, maghahanda muna ako. Kita nalang tayo mamaya."
"Sige, see ya!"
At sinara ko na ang pinto ng terrace at bumaba na.
Pagkatapos naming kumain ng breakfast, hinatid na kami ni Daddy sa school. Tamang-tama at sabay kami ni Hailey na dumating sa school kaya sabay na kaming pumasok sa classroom, tulad ng dati.
Recess time na... Pumunta kami ni Hailey sa canteen absent si Bradley kaya hindi namin siya kasama. Sa canteen na kami kumain.
"Okay, class... Half-day lang tayo ngayon. May meeting kasi ang mga teachers. Hindi namin kaagad na-announce ito nung Friday, but don't worry, may contact numbers kami ng mga parents at guardian niyo at sinabi na namin na sunduin kayo ng maaga." Sabi ni Teacher Joan.
Kaya maaga kaming pinalabas, naghihintay naman kami ni Hailey sa waiting area, kung saan kami laging naghihintay sa sundo namin.
"You want ice cream?" Tanong ni Hailey sa akin.
"Hmmm... Yes!" Sigla kong sagot.
"Sige.. Bibili muna ako." Tumayo si Hailey at bumili ng ice cream, tiningnan ko na lang siya habang papalayo.
"Tyler." Nagulat ako nang may narinig akong familiar na boses na tumatawag aa akin.
Kilalang kilala ko ang boses na yun. At kung hindi ako nagkakamali.
Si Mommy yun.
Hindi sana ako lilingon pero pumunta siya sa harapan ko kaya nakita ko siya.
Napuno ng inis ang isip ko.
Naiinis ako tuwing nakikita siya.
"Tyler, anak..." Naiiyak niyang sabi.
Hahawakan niya sana ng mukha ko, pero lumayo ako.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...