***
Tyler's POV
Maaga akong nagising, excited na kasi akong ipakita yun kay Hailey.
Inayos ko muna ang sarili ko at pagkatapos, dumiretso ako sa terrace. Tiningnan ko kung gising na ba si Hailey.
Nakaabang na pala si Hailey sa terrace, nakaupo siya habang kumakain ng cookies at umiinom ng gatas. Kumaway naman siya nang makita niya ako.
"Maidin Mhaith! (Good morning!)" Bati niya.
Siguro excited siya kaya maaga siyang nagising.
"Maiin mhaith!" Bati ko naman, "ang aga mo yatang nagising?" Dagdag ko.
"Excited kasi ako eh." Ang lapad ng ngiti niya. Kitams? Sabi ko nga eh, excited siya.
"Ako din! Bababa na muna ako, pupunta nalang ako diyan mamaya." Me.
"Sige, kitakits!" Kumaway naman si Hailey.
Naligo na muna ako sa banyo, nagbihis, at pagkatapos, bumaba na ako. Nakita ko naman si Kuya na kumakain na ng breakfast. Maaga kasi si kuya dahil may school pa siya. Huminto ako sa pag-aaral, dahil sa bully. Natatakot kasi ko. Next year na ako mag-aaral at mag grade 1 na ako.
"Oh, himala! Ang aga mo yatang nagising?" Kuya Greg.
"May pupuntahan kasi kami ni Hailey." Paliwanag ko.
Lumabas naman galing sa kwarto si Daddy, "oh! Tyler, ang aga mo yatang nagising?" See? gulat silang lahat. Hahaha.
"May date kasi sila ni Hailey, Dad!" Sabi ni Kuya.
"Date?" Sabay pa kami ni Daddy.
"Ano po yung date, dad?" Tanong ko.
"Wala yun, Tyler, wag mo na yung isipin." Sabi ni Daddy habang tinungo namin ang kusina. "Ikaw talaga, Greg, kung anu-ano yang tinuturo mo sa kapatid mo. Alam mong bata pa yan. Ikaw? Baka may dinedate kana ha.?" Dagdag ni Daddy.
"Wala dad! Wala talaga." Hahaha defensive si Kuya.
Ano kaya yung date? Bahala na nga...
Ah, oo nga pala, yung cookies na ginawa ni Hailey kahapon, naklimutan kong ibigay sa kanila. Ipinasom ko yun sa cookie jar.
"Ah! Oo ng pala! Dad, Kuya! May ipapatikim po ako sa inyo!" Tinungo ko naman yung cabinet at kinuha ko ang cookie jar.
"Saan galing yang cookies?" Kuya Greg
"Binake yan ni Hailey! Tikman mo, masarap." Me.
Kumuha si Kuya ng dalawang cookies at si Daddy din.
Tinikman nila ito.
"Hmmm, masarap nga iho, si Hailey ba talaga ang nag bake nito?" Hindi makapaniwala si Daddy.
"Hmm, oo nga, masarap nga!" Sabi ni kuya habang dumudukot pa siya ng isang cookie.
"Oo, daddy, tinuruan siya ni Lola Maria sa paggawa ng cookies." Me.
"Matalining bata talaga si Hailey, at ang bait din niya. Nakakaawa nga siya dahil wala na ang mommy niya." Daddy.
"Oo nga daddy eh, kaya gusto ko iyang isama mamaya, itotour ko siya dito sa sub. Para hindi din siya malungkot." Me.
"Oo nga anak, tama yang gagawin mo." Daddy.
"Ano pala ang nangyari sa mommy ni-- ah, oo ng pala, namatay pala yun dahil sa car accident. Nakita ko yun balita." Sabi ni Kuya.
Mas nakakaawa pala ang nangyari kay Hailey keysa sa akin. Kasi sa akin, makikita ko pa rin si Mommy, pero kay Hailey, hindi na niya makikita hanggang sa paglaki niya.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...