Chapter 7: Keychain

6 1 0
                                    

***

Hailey's POV

It's been a week since lumipat kami dito, masayang masaya ako dahil may kaibigan na ako...

Lagi kaming namamasyal ni Tyler, tinutour niya ako sa loob ng subdivision, ang lalaki talaga ng mga bahay. Ngayon, pupunta kami ni Tyler sa tabing ilog, bibisitahin daw namin ang asawa ni Mr. Jones.

Komportable na ako pag kasama si Mr. Jones, mabait siya. Inaalagaan niya kami kapag tumatambay kami sa tree house, binibigyan niya kami ng sandwich na gawa ni Mrs. Jones at ang sarap!

"Déan deifir, Hailey! (Hurry up, Hailey!)" Parang familiar ang boses... Oh! Si Tyler nasa gate na pala...

"Daddy, aalis na ako." Paalam ko.

"Tá sé fuar go leor inniu (It is cold today), Hailey. Where are you going?" Tanong ni Daddy.

"Diba sabi ko po sa inyo Daddy na bibisitahin namin si Mrs. Jones ngayon." Paliwanag ko.

"Ah, oo nga pala. Faigh do chóta agus suir ort é (Get your coat and put it on)." Lahat ng ginagawa namin at nakilala namin ni Tyler ay ikinukwento ko sa kanya. Kaya alam niya kung ano ang ginagawa namin. Wala akong sekreto kay Daddy. Ang honest ko diba?

Kinuha ko na ang coat at sinuot ko, at pagkatapos lumabas na ako at sinalubong ko si Tyler. Nakita ko siyang namimitas ng bulaklak sa harapan.

"Dé tha thu ah deanamh? (What are you doing)" me.

Napalingon bigla si Tyler, nagulat ko yata.

"Oh, cookie bear, ikaw pala. Bibigyan ko si Mrs. Jones ng mga bulaklak." Tyler.

"Ang bait mo naman. May dala pala akong cookies. Nagbake ako dun kina Lola kagabi, ipapatikim ko to kay Mrs. Jones." Me.

"Wow! Kaya pala ang bango... Cookies pala yang dala mo." Tyler.

"So let's go?" Yaya ko sa kanya.

"Tara!" Tyler.

Naglakad na kami papunta kina Mr. Jones. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tabing ilog, malapit sa tree house namin. Nag-aabang na doon si Mr. Jones upang samahan kami patawid ng tulay.

"Mr. Jones!" Sabay tawag namin ni Tyler.

"Oh! Tyler, Hailey. Akala ko hindi na kayo pupunta." Mr. Jones.

"Hindi maaaring hindi kami pupunta Mr. Jones, nag promise na kami kay Mrs. Jones na bibisitahin namin siya." Tyler.

"Mabuti naman, so, let's go?" Yaya ni Mr. Jones.

Kinumpuni pala ni Mr. Jones ang tulay bago kami makarating.

Unang tumawid si Tyler, sumunod naman ako at si Mr. Jones ay nasa likod ko.

"Dahan-dahan lang, wag tumingin sa baba. Okay?" Paalala ni Mr. Jones.

Nakatawid din kami ng ligtas sa tulay. Ang galing! First time kong tumawid ng tulay.

"Mahal, nandito na kami." Tawag ni Mr. Jones.

Ang sweet naman nila.

Pumasok kami sa maliit na bahay nina Mr. Jones, kahit maliit ang linis linis ng loob.

"Hello po, Mrs. Jones!" sabay naming bati kay Mrs. Jones.

"Oh, Tyler." Ang lapad ng ngiti ni Mrs. Jones nang makita niya si Tyler. Tumingin naman siya sa akin, "So, ikaw si Hailey?" Tanong niya.

"Opo, Mrs. Jones. Nice to meet you po."

"Nice to meet you too, Hailey. Ang gandang bata. Tama nga si Donald, ang bait mo din. Alam mong may ginawa ako para sa'yo." Mrs. Jones.

I Wish (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon