Prologue

12 1 0
                                    

Hi, I'm Hailey Ariane Miller, anak ng isa sa sikat na membro ng bandang Lighthouse na si Paul Miller.

Hindi ako expose sa mga tao, wala akong kaibigan. Laging si Mommy ang kasama ko sa bahay, may oras din si Daddy para sa amin.

Pero nagbago na ang lahat nung 7 years old ako, namatay ang pinakamalapit sa puso ko, ang best friend ko, ang masasadalan ko, ang palagi kong kasama na si Mommy...

Wala na si Mommy... Pa'no na kami ni Daddy? Wala akong kaibigan... Pa'no namin 'to haharapin ang lahat?

Pero nawala lahat ng pag-aalala ko nang makilala ko si Tyler...

-----------------------------------------

Ako si Tyler Gray Thompson, anak ni George at Tanya Thompson. May nakakatanda akong kapatid na ang pangalan ay Thomas Greg Thompson. Masaya ang pamilya namin noon. Pero sa isang iglap nagbago yun.

Nung 6 years old ako, nagdesiyon sina Mommy at Daddy na maghiwalay. Nung una hindi ko alam kung ano ang rason, sabi ni Mommy na magtatrabaho lang daw siya sa London, pero nang kinalaunan nabalitaan kong nagpakasal na pala siya sa ibang lalake. Galit na galit ako kay Mommy ay naaawa naman ako kay Daddy.

Paano na kami ngayon? Babalik pa kaya si Mommy sa amin?

Hindi ko alam kung papano namin haharapin ang lahat. Palagi nalang akong binubully kaya hindi ako lumalabas ng bahay.

Pero nagkaroon ako ng mga kaibigan, kahit mas matanda sila sa akin, pinaramdam nila ang pagmamahal n hinahanap ko.

Mas naging masaya ang buhay ko nang makilala ko si Hailey.

------------------
Ang setting na ito ay sa Ireland, ang salita nila ay Irish.

Pero tatagalogin ko nalang...

Note:

-- This story is unedited, sorry sa mga typos and grammatical errors...

Enjoy! ;)

I Wish (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon