***
Paul's POV
Andito kami ngayon sa loob ng music room, kumpleto na ang mga instruments dito kaysa sa bahay namin noon, malaki kasi dito kaya pinagawa ko na rin ng recording studio.
"I like it! Everything is perfect." Sabi ni Mark sabay hawak sa grand piano. May pagkaperfectionist si Mark pagdating sa music. Magaling siyang mag-piano pati rin si Ben. Sila ang naturo kay Hailey kung paano gamitin ang mga instruments, ako naman ang nagturo sa kanyang maggitara.
"So let's start our brainstorming..." Sabi ni Christian.
"Wait, but before that... I have something to share." Biglang nagsalita si Ben.
Ano kaya ang sasabihin niya?
"What is it?" Tanong ko.
"Iniisip ko na to for a long time... May nagawa na akong kanta... Gusto ko nalang na ma check ninyo ang sinulat ko." Sabi ni Ben. Akala ko naman kung ano... Akala ko magpopropose na siya sa long-time girlfriend niyang si Sara.
"Okay, let us see..." Sabi ni Christian.
"Nasa kwarto, kukinin ko muna..." Paalam ni Ben, lumabas siya ng music room.
"Akala ko kung ano..." Sabi ni Mark.
"May pagkaabnormal talaga yang si Ben, seryoso pa ang mukha pagkasabi niya." Sabi ni Chris... Natawanan naman kming tatlo.
"Oo nga, I really thought na sasabihin niyang magpopropose na siya kay Sara." Sabi ko naman.
"Yan din pala ang iniisip mo?" Tanong ni Mark, "parehas pala tayong tatlo!" Dagdag ni Chris.
"How about you guys? Kumusta na ang lovelife niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Well, I'm still courting Denisse." Sabi ni Mark...
Si Denisse, classmate namin nung college... Crush na crush talaga siya ni Mark noon pa. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon kay Denisse pa rin siya, hindi naman siya pinapansin nun... Buti na nga lang after 5 years, Denisse let Mark court her. Naawa siguro. Haha.
"Kailan ka ba sasagutin ni Denisse?" Sabi ni Christian.
"Eh, ikaw? Kailan mo ba liligawan si Monica?" Sabi naman ni Mark.
"Right time..." Sabi ni Christian.
"Right time ka jan! Hello? Malapit ka nang mag 30..." Paalala ni Mark.
"Anong 30 mag-28 pa ako... Ikaw talaga." Sagot naman ni Chris. Nagtawanan nalang kami. Minsan talaga may pagkaimmature tong tatlo na 'to, nahawa na din ako.
Ako kasi ang unang ikinasal sa aming 4, halata naman diba... Nagkaroon nga ako ng anak.
Bumalik na si Ben sa music room dala ang kinompose niyang kanta.
"Here it is! It's already had a chorus but I need two more stanzas..." Explain ni Ben.
Binasa ko naman ang ginawa niyang kanta. The Life That Could Have Been.
Parang inspired yata siya sa pagsusulat nito.
"Ba't ang inspired mo yatang magsulat?" Tanong ko kay Ben.
"Well, guys... I have something to tell you." Sabi ni Ben.
"What is it?" Sabay kaming tatlo.
"The reason why I made that song because... Gusto kong nang magpropose kay Sara!" Sabi ni Ben.
"Really?" Sabay na naman kaming tatlo...
"Congratulations, bro!" Sabi ni Mark.
"Well, sabi ko na nga ba eh, ikaw ang susunod kay Paul." Sabi ni Christian.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
DiversosIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...