***
Tyler's POV
Ilang months na ang nakalipas after nung concert at proposal...
MONDAY na naman! Ngayon lang talaga ako naging excited na pumasok sa school dahil kay Hailey.
Nandito na kami sa school, masarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng maraming kaibigan. Palagi na rin kaming sabay kumain ni Bradley tuwing recess at lunch. Mabait na siya ngayon, tinatanggol nga niya kami sa mga bullies. Tama nga ang desisyon ni Hailey.
Nakita namin si Tita Bethany na nakasilip sa pinto kaya nilapitan siya ni Hailey sumunod din naman ako
"Hello po, Tita Bethany." Bati namin ni Hailey.
"Hi, Hailey... Si Bradley?"
"Andun po, tatawagin ko po muna." Sabi ni Hailey.
Umalis muna si Hailey at naiwan naman ako kasama si Tita Bethany.
"Bradley, andyan ang Mommy mo." Narinig ko ang tawag ni Hailey. Lumapit naman si Bradley at sabay na silang nagtungo sa amin.
"Mama!"
"Sige po, Tita Bethany maiiwan ko po muna kayo..." Paalam muna namin kasi mukhang may pag-uusapan sila.
"Mauna nalang kayong kumain." Sabi ni Bradley.
Bumalik naman kami ni Hailey sa upuan at kumain na ng lunch.
"Alam mo may feeling ko may sinesekreto sina Dad at Kuya sa akin." Panimula ko. Ilang araw na kasing napapansin kong weird ang kinikilos nina Daddy at Kuya.
"Bakit naman?"
"Weird kasi ang kinikilos nila... Ilang araw ko nang napapansin."
"What do you mean?"
"Kasi, nung isang araw nagising ako na katabi ko na si Dad..."
"So?"
"Hindi kasi yun tumatabi sa amin... Tapos niyakap pa niya ako ng napakahigpit... Tapos araw-araw na niyang sinasabi sa akin na mahal niya daw ako."
"Eh, may problema ba dun? Si Daddy nga ganun."
"Iba kasi eh, may nafefeel akong kakaiba, hindi pa ako sure pero parang may mali."
"Mali? Alam mo Tyler siguro nagugutom ka lang..."
"Basta, Hailey... Si Kuya nga naninibago din ako."
"Ano naman ang ginawa ni Kuya Greg."
"Diba palagi niya akong inaaway? Tapos iniinis niya rin ako minsan. Ngayon hindi na... Lagi na siyang nag-aalala sa akin. Kinakamusta niya ako palagi... Pagkatapos lagi na niya akong niyayakap. Minsan nga nakakailang na."
"Bakit ka pa nagrereklamo? Pinapa feel lang nila na mahal na mahal ka nila. Dapat masanay ka na. Ako nga gustong-guto ko kapag ginagawa yan ni Daddy." Ang lapad ng ngiti ni Hailey, mukhang iniimagine niya.
"Siguro nga... Mukhang tama ka." Hahayaan ko na lang sina Daddy at Kuya, siguro napapraning lang talaga ako. Pero, pano kung may mangyayari na hindi ko iniexpect? Ah, basta...
--
Natapos na ang klase at yun pa rin ang iniisip ko, tahimik kaming naglalakad kasama si Bradley.
"Is there something wrong, Tyler?" Bradley.
"Nothing Brad."
Pagkalabas namin sa building, sumalubong kaagad si Tita Bethany.
"Hello. Tyler and Hailey!" Bati ni Tita Bethany.
BINABASA MO ANG
I Wish (OnGoing)
RandomIn the end, it's still best to wait for the one we want rather than settle for what's available. It's still best to wait for the one you love rather than settle for the one who's around. It's still best to wait for the right person because life's to...